🤱14

105 3 4
                                    

Jisung's POV

"Eti na yung pizza mo Mriel" excited na nilapag ni Jihoon sa center table ang kaka-deliver lang na pizza.

Binuksan naman ni Mriel ang box at kumuha ng isang slice.

Magkatabi sila ni Sungwoon sa couch habang nanonood ng Frozen.

Ininat naman ni Sungwoon ang isa nyang kamay at pasimpleng umakbay kay Mriel.

Di naman yung pinansin ni Mriel dahil busy sya sa panonood at pag-kain ng pizza. Multitasking diba?

Inihiga naman ni Sungwoon ang ulo ni Mriel sa balikat nya.

"Oy oy bansot! Nakikita kita ah! Umayos ka dyan" paalala ko sa kanya.

Pasimpleng ninja moves eh!

"Bat ka ba kasi nakaupo dyan sa hagdan at binabantayan kami? Pwede namang dun ka sa kwarto mo at matulog na lang" -Sungwoon

Aba't sumasagot pa ang gago! Di mo ikakatangkad yan.

"Yung kamay mo alisin mo sa balikat ng asawa ko" sigaw ko.

"Ayoko nga!" -Sungwoon

"Isa!" -me

"Dalawa!" -Sungwoon

"Tatlo!" -Jisung

"KINGINA ANG INGAY NYO NANONOOD AKO!" inis na bulyaw samin ni Mriel.

Yung gaga naman, hindi talaga inalis ang ulo nya sa balikat nung taga-punso!

"Di na kami mag-iingay" mahinahon na sabi ni Sungwoon habang hinahaplos ang ulo ng asawa ko.

Lumingon pa sakin yung takas sa punso at nag-belat.

Nag-middle finger ako sa kanya at nag-mouth naman sya ng 'tanginamo'.

"Eto na yung delight mo Mriel" inabot ni Jihoon kay Mriel ang delight habang lumalamon pa rin ng pizza yung gaga kong asawa.

"Upo ka na dito" umusog si Mriel para magkaron ng space sa tabi nya at umupo naman dun si Taba.

After 5 minutes, mukhang normal naman na sila maliban lang sa duwendeng naka-akbay pa rin sa asawa ko.

Napadako naman ang mata ko sa kamay ng asawa ko at nakitang hawak yon ni Jihoon. He's playing with her fingers, squeezing her hand and intertwining it with his.

"Hoy Taba! Lubayan mo yung kamay ng asawa ko!" sigaw ko sa kanya pero nag-smirk lang sya sakin.

Kingina nitong dalawang to ah!

"Ano ba kasing ginagawa mo dyan. Matulog ka na lang dun sa kwarto mo. Kami na ang bahala kay Mriel" -Jihoon

Aba't isa pang putangina!

"Bitawan mo yung kamay ng asawa ko" -me

He just chuckled and go back on watching.

"Ji pakibitawan yung kamay ko. Di ko mabuksan tong Honey Butter" utos ni Mriel habang naka-focus pa rin sa pinapanood nila.

"Akin na nga!" kinuha ni Jihoon sa isang kamay ni Mriel ang Honey Butter at binuksan ito gamit ang ngipin nya.

"Aaaah" -Jihoon

At ngumanga naman talaga tong bruhang to! Oy ako yung asawa mo!

"Akin na yan, ako na lang magsusubo kay Mriel" ini-stretch naman nya ang kamay nya para maabot ang Honey Butter na hawak ni Jihoon.

Syempre dahil likas na mabait na bata si Jihoon, inilayo nya iyon kay Sungwoon.

"Ako na! Baka mamaya iba na isubo mo kay Mriel eh" -Jihoon

We Got Married #3: [Yoon Jisung]Where stories live. Discover now