Chapter 14: Chaos

Start from the beginning
                                    

Lahat sila ay nahihirapang gumalaw, mukhang naranasan nilang lahat ang naranasan ng bawat isa.

Natigilan lamang si Zeref nang makita niyang wala sa may likuran niya si Tomoki. Tanging ang puting apoy lamang na lumiliyab dito ang kanyang nakita, “Where is she—!” napalingon ang lahat sa kanyang sigaw na may pagtataka.

Nang makita ng kasama niya ang puting apoy ay napa mura lamang ang mga ito nang may napagtanto, “The morning shadows took her!” sigaw ng isa sa kanyang mga kasamahan.

Alam nilang lahat na kapag may puting apoy na iniwan ay pag mamay-ari ito ng mga morning shadows. Ang puting apoy na ito ay may kakayahang pahinain ang function ng sistema ng katawan. Kahit ang kapangyarihan ng isang nilalang ay mawawalan ng bisa dahil sa taglay nito, maliban na lamang kung uri na nang partikular na nilalang na mag anyong mas malakas kesa sa karaniwan nitong anyo. Kagaya na lamang ng pag-aanyong bampira o lobo.

Kahit na masakit ang kanilang katawan ay iniinda nila ito at pinagtutulungan patayin ang puting apoy.

Nang matuluyan ito ay tuluyan nilang nabawi ang kanilang lakas. Nawala na ang mabigat at masakit nilang nararamdaman. Nagningas ang dilaw nilang mga mata na senyales na bumalik na ang dati nilang lakas.

Kailangan natin siyang mahanap ngayon na!” matigas at ma-awtoridad na sambit ni Zeref.








Bawat damong nadadaanan ng mga dambuhalang lobong tumatakbo sa loob ng kagubatan ay tuluyang nahahawi. Mabilis at mahaba ang mga hakbang ng mga ito habang tumatakbo, animo’y may hinahabol itong kalaban na tumatakas.

Nangunguna ang pinakamalakas nitong pinuno na kulay abo ang mga balahibo. Nang umalulong ito ay umungol ang mga kasamahan nito na para bang may pinag-uusapan silang plano habang tumatakbo.

Umaamoy sa hangin si Zeref para mahagip niya ang amoy ng kanilang hinahanap. Nang muli niya itong maamoy ay kumabila silang sulok ng kagubatan. Sinundan naman siya ng kanyang mga kasama.

Nang palakas ng palakas ang bangong na aamoy ni Zeref ay mas binilisan niya ang pagtakbo. Tanaw na tanaw niya ang may unahan na mayroong napakataas na bangin. Nang makalapit na siya dito ay walang pag-aalinlangan niya itong tinalon na halos ‘di na niya maabot.

Damang-dama niya ang kabog ng kanyang dibdib sa kanyang ginawa habang pabagsak siya sa napakataas na bangin. Ang kanyang mga kasama ay nataranta sa kanyang ginawa, dahil mahuhulog na siya pag nagkataon. Sabay-sabay ang pag-alulong na ginawa ng mga ito sa pag-alala sa kanya.

Ang totoo ay wala siya sa kanyang sarili dahil iniisip niya ang kalagayan ng dalaga. Alam niya sa sariling mali ang bagay na nararamdaman niya para sa dalaga pero wala siyang magagawa, dahil kusang nararamdaman niya ito.

Para sa kanya, kagaguhan ang umibig sa babaeng kabiyak ng kaibigan niya. Ang gusto lamang niyang gawin ay protektahan ito kagaya nang pag protekta niya dito sa kabilang mundo noon. That’s his only goal for the girl, kahit masakit para sa kanya na hindi nito maibabalik sa kanya ang kanyang nararamdaman. Napaka imposible rin na ang babaeng may kabiyak na ay matuto pang umibig sa iba, kahit wala na ang kabiyak nito.

Napapikit na lamang siya sa inis at tuluyang nabalik sa katinuan nang mapansin niyang malalaglag na talaga siya ng tuluyan.

Pinuno!” rinig na niya ang sigaw  ng pag-alala sa mga kasamahan niyang muling nag-anyong tao.

‘I will save you, Kim, no matter what even it might cost my life.’

Agad siyang nag-anyong tao at kumapit ng mabilis sa may baging na nakabitin galing sa may pampang na mabilis namang umugoy pataas.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now