Panimula

104 4 8
                                        

Present time

"Hello guys! Welcome back to myyyyyyyyyyyyyyyyyy Channel! So ulit this is Judy Mary at your service..."

"Huy! Judy! Pwedi patulugin mo muna ako? Alas 3 palang ng madaling araw oh? Ang ingay ingay mo! Saka pedi naman magvlog sa umaga ah? Bakit ka nambubulabog ng madaling araw?"

"ay naku naku sorry naman na, na excite lang ako... gagawin ko kasi yung 3am challenge, dami nang nagrerequest sakin nun eh."

"talaga? Bahala ka sa buhay mo, makakita ka sana ng multo dyan sa video mo. Sa labas ka mag ingay"

Hayyyst sige na nga lang. kainis naman oh... kahit kailan talaga panira ng moment tong best friend ko. Hayyyyst kung d lang kita kaibigan? Hmmmp! Naku talaga! Siguro diniiinan na kita ng unan sa mukha para di ka na makahinga't mamatay ka na.

Pero joke lang yun. Supportive naman yang bff ko nayan pagod lang talaga siguro kasi nga nag tatrabaho nayan eh. Eh itong lola nyu walang trabaho to. Dakilang tambay! Ahahahaha joke lang.

Ako nga pala si Judy Mary Maglansang isa akong professional makeup artist I'm 25 years old walang boyfriend, independent at mamumuhay kasama ang bestfriend sa isang apartment. Masyado na talaga kaming sanggang dikit nitong si Erika grade 5 palang kami magbest friend na kami nito eh, basta basta yun na! hindi ko na sasabihin kung panu kami naging magkaibigan basta yun na yun.

Sa ngayon, kapag wala akong client or ano nag vivideo ako... since makeup artist naman ako, I decided to create a youtube channel which is puro makeup chu chu yung content pero as time goes by my 1000000 subscribers na rin naman ako kaya I decided to put some other videos na hindi lang puro makeup I also do song covers and other stuffs I also accept challenges... yun nga yung 3am challenge. Hayyyyst pero sa susunod ko nalang yun gagawin. Wala akong trabaho pero malaki yung kita ko sa Youtube!!! ahahaha

Kinaumagahan...

"Judy, una na ako ha? Ikaw na muna bahala dito sa bahay" sabi ni Erika sabay bukas ng pinto.

Hindi na ako tumingin sa kanya at narinig ko nalang na nagstart na yung sasakyan. She's a Radio DJ, yeah she has the voice and the looks marami na ngang nag ooffer na mag artista yun eh. Tinatanggihan nga lang niya masyado kasi siyang mahiyain sa harap ng camera. Well, look at me, not that pretty, not that smart, di masyadong maganda yung boses pero ang lakas ng loob humarap sa camera at kausapin ito magdamag na parang timang.

Pumasok na ako sa filming room ko, agad akong umupo sa harap ng malaking mirror. I look at my reflection, I smiled a bit. Kumuha ako ng primer, I opened it pero bago ko pa man ito pahid sa mukha ko...

'Look at yourself, Judy, hindi ganyan kaayos ang pagmumukha mo dati. Magpasalamat ka kasi... kasi?' agad akong napaisip, panu nga pala ako humantong sa ganito? Dati simply lang naman ako... wala akong pakialam kung ang dungis ng itsura ko... wala akong pakialam kung pangit ako o kahit na wala akong powder or tint. Wala akong pakialam kung pangit yung damit ko. Wala akong pakialam kung walang may gusto sakin. Paano nga pala ako umabot sa ganito? Ngayon? Tinitignan ako ng mga kabataan, they look at me as in influential figure sa social media, I received hundreds of thousands of likes in my instagram account and I got million views on my YT videos. Who could have imagined na ang isang ugly duckling na katulad ko? Ay Mananatili paring UGLY? ahahha. Joke lang!



When I was 16... ampanget ko talaga! Ahahaha

The Gangster's Deal Stories to obsess over. Discover now