part 67👣

1.5K 35 1
                                    

Lovebirds#2

Keizen~

Pagkatapos ng maraming araw. Naging akin narin sya. Nung una hadlang sakin sina Andrea pero kalauunan. Pinakita ko ang tunay na ako... Sabi nila ang laki daw ng pinagbago ko. Namangha sila dahil sa iisang babae lang ako tumino. Nabilib din saakin ang mga magulang nya. Tinanggap din nila ako kaagad.

"Uyy bii, ayos ka lang? Nabalik ako sa reyalidad.

Magkasama nga pala kaming naglalakad sa hallway ng school. Alam kong hindi parin tanggap ng iba na minahal ko sya at naging kami. Ang dai nilang sinasabi na masasama sa bebe ko pero hindi kona pinatulan pa,diba nga good boy nako! Tyaka ilang linggo narin akong hindi napupunta sa bar dahil pinagbawal sakin ni biii yon!

"Oo naman biii... Maikli kong saad sakanya. Hinawakan ko ang kamay nya at hinolding hands iyon.

Ngumiti naman sya sakin at ganun din ako.

"Biii what do you want to eat? Tanong ko sakanya.

"Ahhh kahit ano nalang bii... Nanlalata nyang sagot...

Kanina ko pa kasi napapansin na matamlay sya at yung ngiti nya kanina parang hindi totoo. Ang boses nya at malumanay. Tinitigan ko sya bago ako tumayo at pumunta sa bilihan...

Hindi mawala ang tingin ko sakanya. Hindi naman sya ganyan nung naging kami! Ngayon ko lang naramdaman na ang lamig nya sakin. Siguro may espasyo lang na hindi ko napunan kaya sya ganyan.

Pagkatapos kong mamili pumunta muli ako sa table naming dalawa at ibinaba ang binili ko. Naka styrong mga gulay. Gusto ko kasi laging masustansya ang bebe ko. Kaso nga lang ang lamig nya.

Tinusok tusok nya ang pagkain nya at dun lang nakatuon ang tingin nya.

"Biii. My problema? Ayaw moba ng binili ko? Nagtataka kong tanong.

"No. O-ok nato! Pilit rin syang ngumiti at alam ko ang mga ngiting yon.

~~~

Ilang beses ko syang tinanong pero laging 'ayos lang ako' ang sinasagot nya. Kaya naman pagkaalis namin sa canteen ay nagtungo kami sa garden At inupo ko sya sa bench doon. Unti lang naman ang tao kaya pwede ko naman syang kausapin.

"Biii,sabihin mo kung may problema? May espasyo bakong hindi ko napunan?! Nagtatampo kaba? Derederetsa kong tanong. Ngayon naging tahimik sya. Palagay ko tuloy may L.Q talaga kami na hindi ko alam.

"W-wala... Malata nyang saad kaya hinawakan ko ang kamay nyang nakapatong sa binti nya.

"Please, tell me... Biiii... Tumumlay narin ang boses ko.

Bigla nalang tumulo ang luha nya at don ko sya tinitigan at hinawakan ng mahigpit ang kamay nya.

Pinunasan ko ang luha nya gamit anh thumb ko.

"N-natatakot kasi ako na b-baka maagaw ka sakin! Minsan nalang ako magmahal... Ayokong mawala k-ka. Mahal kita! Inakap ko na sya.

"No. Bii,ikaw lang mahal ko, alam mo yan! Hinding hindi ako hahanap ng iba para lang saktan ka. Remember biii,hindi na ako to, bagong keizen earl nato... Isinuksok ko ang ulo ko sa balikat nya. Nakatagilid sya at ipinatong nya rin ang ulo nya sa ulo ko.
"Please.. Don't cry.. I will not hurt you! I love you,forever!
I promised,i love you... Kahinaan ko yung nakikita kang ganyan... Papakasalan kita. Gagawa tayo ng maraming anak... Bubuo tayo ng pamilya ng sama sama...

"Promised?!" Umalis ako sa pagkakasandal sa balikat at pagkakayakap sakanya. Nginitian ko sya.

"Yes i promised... Hinalikan ko ang chicks nya at nanatili uli na nakasandal sa balikat nya.

Sana hindi nalang namamatay ang tao, sana hindi nalang ako mahiwalay sakanya. Sana wala nalang hangganan!

Andrea~

"Tita, thank you so much... Pangako ko po mamahalin ko po ng lubusan ang anak nyo... Natutuwang saad ni Aeron. Kaharap namin sina mama at angel. Sabi ni Aeron baka daw bukas nya na ako ipakilala sa magulang nya.

"Pagbutihin mo ha. Sana wag mo syang sasaktan... Minsan lang magmamahal yang dalaga ko... Kala ko nung una kayo talaga ng anak ko,pero ngayon palang pala! Natawa kami sa sinabi ni mama. Ang corny nya!

"Kaya ma, alagaan nyo sarili nyo,pati narin ang little sister ko. Hinalikan ko si mama sa pisngi nya ganun din si angel.

"Ako walang kiss?! Pinanlakihan ko sya ng mata at natawa naman silang tatlo.

"Halika na nga! Mama,bibisithin po namin kayo mama ha,paalala ko lang ma,wag nyo akong mamimiss! Nakangiti ko sabi.

"Oo na anak... I love you panganay ko! Hinalikan ni mama ang noo ko.

"Uyy be! Tahimik mo? Sita ko kay angel. Malungkot syang tumingin sakin.

"Ate, goodluck ah! Si kuya dale kasi,nalulungkot ako para sakanya. Minsan ko po syang nakikita na matamlay at walang gana,namumula ang mata at ilong nya,pumapayat narin po sya... Nalulungkot na sabi ni angel. Naiba ang mood ko. Bigla ko syang naalala.

Yung sinabi nyang mahal nya ko. Kaya sya nasaktan dahil sa mga sinabi ko. Eto na siguro yung pagkakataon na kausapin ko syang muli at sabihin sakanya ang totoo...

Ayokong masaktan sya pero eto na yung nararamdaman ko,na kay Aeron na yung puso ko. Alam kong mas nauna sya pero nag sisisi akong hindi ko sya napagtuunan ng pansin...

"Babe,are you ok? Ganyan na sya ka sweet sakin kahit nililigawan nya palang ako.

"Sige. Bebe. Kakausapin ko si dale... Ipinapangako ko yan... Tinanguan nya ako...

~~~~

Malungkot parin ang naging sitwasyon ko sa loob ng kotse. Ang awkward naming dalawa. Sobrang nakakabingi ang pagkatahimik...

"Babe, are you alright? Tinanguan ko lang sya saka ngumiti. Hinawakan naman nya ang kamay ko at ang isa naman ay nasa manibela.

"Yes. Kailangan ko lang sigurong magpahinga.

Di naman lahat ng tao nagkakaroon ng happy ending. Sana matagpuan na ni dale yung babaeng para sakanya...

Fall in love With the Gangster Season 1 {Complete}Where stories live. Discover now