part 33💓

1.6K 42 0
                                    

Aso't pusa xd~~

Andrea~~

Nagising nalang ako. Naramdaman ko ang malambot sa aking hinihigaan. Napaupo ako. Naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko na parang tinutusok ang bawat ugat dito. Napahawak nalang ako. Nakita kong naiba ang damit ko kumpara sa suot ko kahapon. Medyo kumirot din ang leeg ko. Hinawakan ko rin ito. Nahalata kong may sugat ito

Naalala ko ang nangyari. Napasilip ako sa bintana. Shit! Madilim na. Ang palagay ko'y hating gabi na.

Kinabahan ako dahil hindi ko alam kung sino ang nagbihis saakin. Yung gwapong lalaking nagligtas saakin. Naaninag ko ang muka nya kagabi pero hindi sya nag pakilala sakin. Kailangan kong malaman kung sino iyon..

Nahihilo parin ako. Sinubukan kong tumayo. Binuksan ko ang pinto. Bumungad saakin ang isang gwapong lalaki. Naaninag ko ang muka nya. Tama sya nga.

"Ma'am andrea,are you ok? Kaagad nyang bungad sakin at inalalayan nya ako.

"I-ikaw ba yung nagligtas saakin kagabi? Bungad kong tanong sakanya. Nag umpisa kaming maglakad na dalawa at alalay nya lang ang braso ko at nakahawak sya sa bewang ko.

"A-ako nga! Sagot nya.

" s-salamat. Kundi dahil sayo baka natuluyan na nawalan ako ng pagkababae! Palagay ko'y napakatahimik nya. Bukod sa gwapo nararamdaman ko rin na napaka responsable nya.

Ang pinagtataka ko lang ay bakit sya nandito?

"Bakit ka nandito? Tanong kong muli.

"Binilin ka saakin ni Aeron. Simula ngayon ako na ang bantay mo! Bawat galaw mo susundan ko! Mahinahon nyang sabi. Palagay ko naman marunong din syang ngumiti pero hindi ko pa nakikita iyon.

Nakababa kami sa hagdan. Nakita ko mula roon si Aeron na may kinakausap at sensyas pa sya ng sensyas ,sa tingin ko. Masama nanaman ang araw na meron sya ngayon. Ewan koba kung bakit hindi nya magawang ngumiti man lang..

Napansin nya kami at sunod non ay umalis na ang mga kinakausap nya kanina. Nilapitan nya kami. Naka cross arms syang tumingin sakin kaya yumuko ako. Alalay parin ako ng my hero ko.

"Inyigo,iwan mo na kami! So inyigo pala ang pangalan nya. Nginitian ko lang sya at tinanguan. Binitawan nya ako ng dahan dahan.

Nakayuko lang ako.

"Bakit mo nagawang umuwi mag isa? Serious nyang pagkakatanong.

Di ko ba alam kung bakit natatakot ako at hindi makatingin ng diretso sa kinatatayuan nya.

"Inaya lang naman ka— pinutol nya kaagad ang sasabihin ko.

"Stop! Napausog ako ng sumigaw sya.

Eto nanaman ang mabababa kong luha. Pinigilan kong pumatak ang mga ito. Nararamdaman ko ang paglabo ng talukap ng mata ko dahil pakiramdam ko may mga tubig na gustong tumulo. Ayokong ipakita sakanya na ganto ako. Pinipilit kong pigilan.

Akala ko porket napahamak ako kagabi,magiging mabait na sya sakin. Akala lng pala.

"Alam mo bang pag napahamak ka,ako ang mananagot sa magulang mo! Kaya kita binigyan ng service para umuwi ka ng maaga at hindi na lumabas pa! Halos mapausog nako sa lakas ng boses nya.

"Hindi ko naman kasi ala—

Hinawakan nya ang braso ko ng mahigpit. Nasaktan ako doon. Napaawang nalang ang labi ko.

"Isang beses kanang sumaway! Pag pumagalawang beses pa yan,ako mismo ang mangengealam sayo! Naiintindihan mo?! Napaiyak ako.

"Aeron nasasaktan ako! Ungot ko Habang tumutulo ang mga luha sa mata ko.

Binitawan nya ako.

"Ayoko ng umiiyak! Serious nyang pagkakasabe. Pinahid ko ito.

"Bakit ha? Sinabi ko bang kuhanin moko at patirahin mo! Ano ba kita? Wala diba?! Bakit kung tratuhin moko,alipin mo! Bakit ako napili mo! Napaka raming babae jan! Siguro nga playboy ka talaga ,kaya lahat kami kaya mong paglaruan! Lalong kumunot ang noo nya.

Hinawakan nanaman nya ang braso ko at mas lalong humigit iyon... Alam kong nagpipigil sya. Tinulak nya ako kaya napaupo ako. Nakita ko ang paglapit ni Inyigo sakin at hinawakan ang braso ko.

"Simula ngayon,ako ang susundin mo! Pagkatapos ng aral mo,ipapasudo kita at hindi ka lalabas! Grounded ka ngayon! Kaya wag mong maisipang sumaway! Sigaw nya pa saka umalis sa harapan ko. Napahagulgol nalang ako pero walang katunog tunog.

"Are you ok? Magpahinga kana! Binuhat nya ako na parang bridal.

"Put me down,kaya ko! Tinapik ko ang balikat nya pero hindi sya nakinig.

Inakyat nya ako sa kwarto. Hiniga nya ako roon.

"Kailangan mo ng magpahinga,kapag kailangan moko,tawagin mo lang ako! I care for you! Nginitian nya ako. Nabighani ako sa angking gwapo nya. Yung mga ngiti nya kakaiba.

Tinanguan ko nalang sya

"Salamat! Tuluyan na syang lumabas ng pinto ng kwarto ko.

Masyado ng nagmamalupit si aeron sakin! Kailangan ko na talagang humanap ng tyempo para makauwi!

Fall in love With the Gangster Season 1 {Complete}Where stories live. Discover now