part 50💓

1.6K 39 0
                                    

Hurts~

Andrea~

Namalayan ko nalang na nasa malambot na higaan nako. Tatayo sana ako pero bigla nalang kumirot ang ulo ko sa hindi ko malamang dahilan.

Mas gusto ko pang mag ka amnesia,Kesa magkasakit. Ugh naalala ko pala yung kagabi! Hay! Nagpaulan ako! Lintik! Bawal ako mag absent!

Kaagad akong tumayo kahit nakakaramdam ako ng sakit sa katawan ko lalo na sa ulo ko. Kaagad akong pumunta sa walk in closet dito tyaka nanguha ng uniporme ko. Nag shower lang ako sandali. Tyaka lumabas at nagbihis na. Tinignan ko muna ang ang buo kong katawan sa mahabang mirror dito saka aktong lalabas pero nagulat ako at napahawak sa dibdib ko ng makita ko si ate gloria na may hawak na tray. Buti nalang hindi ako nagtuloy tuloy sa paglabas kundi mabubunggo ko si ate gloria. Medyo bata pa sya baka mga nasa 30's... Isa rin sya sa kasama ni Nanay hermina dito.

"Ahhh ma'am, pasensya napo. Binilin po kasi ni sir na pakainin kayo at dalan kayo ng damit. Kinuha ko yung tray at ibinaba sa mini table dito.

"Salamat po ate gloria,tyaka po wag nyo napo sana ako tatawagin ng ma'am, di po ako sanay e. Pasensya napo! Andrea nalang po. Tumango nalang ito at nginitian ako ganun din ako. Lumayo na sya kaya umupo ako sa kama. Tinignan ko lang yung tray.

Naisipan ko ng umalis rito. Siguro naman maiintindihan nila ito. Lalo na si Aeron. Ayoko ng mangeelam sya sa buhay ko. Ako na ang lalayo sa kanya.

Ng dahil sakin,nadamay pati ang matalik kong kaibigan na si dale. Hanggang ngayon,nakakaramdam parin ako ng galit mula sakanya dahil sa ginawa nya sakin kagabi. Gusto ko syang sisihin sa lahat!

Wala nakong ganang kumain pa.
Kahit gamot ay hindi ko kayang inumin. Sinagbit ko ang bag ko tyaka dahan dahang binitbit ang tray tyaka bumaba.
Buti naman wala nakong natagpuan dito kundi ang mga maids. Ibinaba ko ang tray sa lamesa saka pilit na naglabas ng ngiti sakanila.

"A-ahh salamat po sa pagdala at paghahanda sakin nito. Sige po,pasok napo ako... Nginitian ako ni nanay hermina kaya pilit din ako ngumiti. Masyado nang sumasakit ang ulo ko,piling ko babagsak nako. Titiisin koto,ayokong mag absent dahil sa walang kwentang dahilan!

"Sige anak,mag iingat ka. Teka anak,bakit hindi mo ininom tong gamot? Gulat na tanong ni nanay. Ngumiti lang ako saka sila tinalikuran. Hinimas ko ang sentido ko dahil ramdam ko ang pagsakit nito.

Ng makalabas nako natagpuan ko nalang si Aeron na nakasandal sa kotse nya habang pinaglalaruan ang susi. Napalingon sya sakin at napatigil ako sa pag hilot ng sentido ko. Malumanay na tumingin sakanya saka sya nilagpasan. Hindi ko pa sya kayang harapin sa lahat ng ginawa nya. Hindi ko naman mararamdaman to kundi dahil sakanya. Ok na ako nalang ang umiwas,baka lalong lumala pa at madamay ako saknya. Alam ko namang gangster sya,ayokong mapahamak. Alam ko na ang nangyayari sa bawat buhay nila!

Naramdaman ko nalang na may humawak sa braso ko.

"Hatid na kita. Mahinahon ang boses nya ngayon hindi katulad ng dati. Baka nagsisisi na sya sa mga ginawa nya kaya ganto ang inaasta nya.

Inalis ko ng dahan dahan ang kamay nyang nakahawak sa braso ko.

"No. K-kaya ko ng m-maglakad! Hindi ko sya kayang harapin pa.
Baka hindi rin ako makapagpigil!

Tumalikod uli ako.

"Yung kagabi. I'm sorry for what happened. Hindi ko sya pinakinggan. Titiisin ko na tutal aalis narin naman ako.

Naramdaman ko nalang na wala ng sumusunod sakin. Yumuyuko ako dahil talagang nakakaramdam nako ng hilo. Dahan dahan ang lakad ko sa ngayon...

May humintong sasakyang itim dito sa malapit sakin.

"Uy bes, sabay kana. Sina alex at kath. Wala siguro si Victoria. Minsan ko ng hindi nakakasama ang inday nayon!

Tumango nalang ako at binuksan ang likod ng kotse tyaka sumakay. Dahan dahan kong sinandal ang likod ko.

"Uy bes ang nalumanay mo? May nangyari ba? Bungad na tanong ni kath sakin kaya napatungo ako.

Hindi ko pwedeng sabihin sakanila sa ngayon. Hindi pa ito ang sapat na oras para sabihin. Siguro sa susunod nalang kapag maayos na ang lahat.

"A-ahh wala. Ok lang ako. Masama lang gising ko. Pagpapalusot ko.

"Bes alam mo bang nakakapag alala kana. Bantang saad ni alex. Nginitian ko muli sila ng peke.

"O-ok lang talaga ako. Tumango nalang silang dalawa at inistart na ang kotse.

Tahimik lang ang byahe. Ilang minuto pa' y nakarating na kami sa school kaya naman nauna na akong bumaba. Dahan dahan din akong naglakad. Sumunod naman silang dalawa. Nauuna akong maglakad at samantalagang sila ay nasa likod ko.

Bigla nalang akong nakaramdam ng pagkirot ng ulo ko kaya napahawak ako dito at ininda ito ng muka ko. May humawak naman sakin. Alam kong sila kath yon.

"Bes,are you ok? Tanong ni kath. Napailing iling ako. Ano ba nangyari dito? Dahil ba sa pag iyak ko?

"O-oo. Ok lang ako. Oo nalang kahit hindi. Kaya ko pa naman e.

"Andrea,ayos ka lang? May humawak pa sa braso ko. Napatungo naman ako. Si inyigo.

"I-inyigo? Yan lamang ang lumabas sa bibig ko. Sa halos ilang araw naming hindi nagkita. Sumipot din sya. Pero nag aalala talaga ako sa kalagayan ni dale. Bibisitahin ko nalang siguro sya pagkatapos kong makalayas sa bahay nayon.

Wala kasi sya dito. Hindi ko makita kahit anino nya pa.

"Y-yes. Bumalik ako sa maayos kong pagkakatayo. At naglakad ng parang walang nangyari. Hawak naman ni inyigo ang braso ko habang sina alex at kath nasa likod namin.

Inaalalayan ako ni inyigo. Hanggang sa makapasok kami sa room.

"Ok nako,imyigo. Salamat. Nginitian ko sya saka sya tumango saakin.

"I'll wait you later.. Tumango na lamang ako.

Pumasok nako sa klase pero wala akong nakitang victoria dito. Wala din si Keizen. May namumuo na yata sa dalawang yun ah. Si ely naman may kahalikang babae sa likod. I think si daisy... In short maarte naman talaga yang babae na yan! Di ba sila nahihiya? Hay naku! Nga naman!

Alam kong nandito si Aeron pero wala talaga akong balak pansinin sya. Umupo ako. Wala pa namang teacher..

"Hay nako, bakit ba kasi masyado syang malandi. Timer! May Aeron na may dale pa. Parinig ni ashley kasama si macy. Nandito narin sila sa room namin dahil nagpalipat sila.

Hindi ko balak na pansinin ang mga sinasabi nila dahil wala ako sa wisyo ngayon. Masasabi ko rin ang gusto kong sabihin sakanila. Saka ko na sila susumabatan kapag nasa wisyo nako...

"Can you please stop speaking bad words! She's my real girlfriend. Ayoko ng pinagsasalitaan ang girlfriend ko! Sigaw ni Aeron na ikinabilog ng mata ng lahat. Hindi na bago sakin yon!

Hindi ko nalang pinansin yon. Nagsuksok ako ng earphone sa tenga ko at nilakasan ang sounds non.

Hindi ko na sila inintindi. May nararamdaman ako ngayon kaya nanlalata ako.

Maayos din ang lahat.

Fall in love With the Gangster Season 1 {Complete}Where stories live. Discover now