part 11👌

1.9K 54 0
                                    

Saturday funday with Dale~~

Andrea POV

"Ateeee! Narinig kong sigaw na malapit sa tenga ko.. Gumalaw ako kahit nakapikit ang mata ko.

"Ano ba Angel, saturday ngayon,patulugin mo muna ako! Nakasibangot kong sabi habang nakapikit pa ang mga mata..

"Ate naman! Nandyan si kuya dale, bahala ka! Napadilat ako ng pilit at nagmadali na bumaba ngunit napainda ako nung bumagsak ako sa kama...
"Ate naman, di nag iingat!

"Bakit di mo sinasabi sakin! Inis kong sabi. Nag peace sign naman si angel.

Tumakbo sya pababa at sumunod narin ako. Ang sakit ng
Balakang ko ang lakas kasi ng pagkakabagsak ko...

Nakita ko doon si Dale na nakaupo. Ang desente ng suot nya, naka polo shirt lang sya saka pantalon.. Napalingon naman ako kina mama at angel, may hawak silang paper bags at masayang masayang tinitignan ito ni Angel.. Lumapit nako sakanila.. Nakita ko ang lawak na ngiti ni dale sa labi nya ng makita ako..

"Oh dale, ano nanaman paandar to dale? Inis kong tanong. Naalimpungatan kasi ako..

"Anak naman e! Gumalang ka naman sa bisita mo! Pataray na sabi ni mama.

"I'm sorry Andrea, sige tita uuwi po muna ako! Sa susunod nalang po! Ayaw po yata akong makita ng anak nyo! Sige tita! Tatalikod na sana sya pero yinakap ko sya habang nakatalikod sya kumbaga " back hug" pinalupot ko ang kamay ko sa tyan nya..

Dati na naming ginagawa nito. Simula nung magkakilala kami since 5 years old palang kasama ko na sya. Sya lagi nasa tabi ko kapag may problem ako. Ginagabayan nya ako na parang may relasyon kaming dalawa. Yung mga yakap, holding hands namin bilang friends lang ang lahat ng yon, walang malisya!

"Ayieee, si ate! Bagay kayo! Pang aasar na dinig ko kay angel.. Ang daling magtampo ni Dale..

"Uyy dale naman! Tatampo ka nanaman! Naalimpungatan lang kasi ako! Mahinahon yung boses ko.

"Kala ko ba ayaw mokong makita? Humarap na sya sakin. Medyo matangkad sya kaya nakatingala ako sakanya.

"Hindi ko sinabi yon ah! Nag pout ako.. Natawa lang sya.. Ganito talaga kami,inaakala ng iba magjowa kami dahil sa inasta naming dalawa.

"Anak dale, nag almusal ka naba? Tanong ni mama rito.

"Hindi papo e tita! Magalang nyang sagot.

"Oh halina kayo, nagluto ako ng longganisa. Halina kain na tayo! Umupo kaming dalawa. Nasa harap naman namin sila angel at mama..

Masaya kaming kumain..

~~~~~

Kasalukuyan kaming nakahiga sa kama ko. Hindi kami nakaunan na dalawa. Naka tingin lang kami sa ceiling. Ang tahimik ng paligid naming dalawa..

"Namiss koto! Pambabasag nya ng katahimikan. Napatingin lang ako sakanya.

"Ako din! Kaagad na sagot ko. Nakangiti parin sya.. Nahihirapan akong humiga dahil wala kaming unan.. Naramdaman kong nilagay nya ang braso nya at hiniga ang ulo ko rito...

"Bata palang tayo, ginagawa na natin to! I miss this moment, at yung hinahabol moko tapos nadapa ka! Natatawa nyang sabi. Hinampas ko naman ang dibdib nya.

"Baliw ka! Natatawa kong sabi. Natawa din sya.

"Baliw sayo! Narinig kong bulong nya. Medyo malapit kasi ang tenga ko sa bibig nya.. Nakangisi sya.

"What?! Nagdududa kong tanong. 

"Wala! Nakangisi nya paring sabi...

Focus kami sa pag iisip na dalawa hanggang binasag nya muli ang katahimikan..

"Sama ka! Bigla nyang bigkas kaya napaduda ako kung ano ang ninanais nya

"Saan naman? Kaagad kong tanong.

"Sa mundo ko! Natawa ako sa sinabi nya. Ang corny pero parang nanginig ang katawan ko don dahil sa sinabi nya.
Napatingin naman sya sakin! "Joke lang! Sama ka, pasyal tayo! Nginitian ko sya..

Pinalabas ko muna sya sa kwarto ko saka ako naligo at nagsuot ng damit.. Hinanap ko yung damit na pinili sakin nina Alex.. Tutal marami pa naman akong damit.

Pagkatapos kong maligo. Sinuot ko na ang binili saking croptop na kulay pink ni Victoria tyaka ng rip jeans ako... Sinuot ko rin yung sapatos kong puti tyaka ko kinuha ang Phone at wallet ko. Bumaba narin ako. Nandon parin si Dale na nakaupo sa sofa at kausap si angel... Nagkekwentuhan silang dalawa...

Nilapitan ko na sila... Napatingin naman sila sakin...

"Halika na! Tumango ito. Ginulo ni dale ang buhok ni Angel.

Nagpaalam narin ako kay mama at angel. Sumakay na kami sa kotse.

~~~~~~

Dinala nya ako sa isang park at bumaba na kami...

Naglakad lakad kaming dalawa... 

"Street foods you want? Napatingin ako sakanya.
Tumango nalang ako.

Hinatak nya ako doon sa nagbebenta ng streets foods.. Nanguha ako ng baso at stick ganun din sya.. Nanguha ako ng kwek kwek at nilagyan naman ng sauce..

Pagkatapos naming mamili,umupo kami sa isang bench..

"You want? Tanong nya. At hawak nya ang stick at may fishball iyon.. Sinubo nya yon sakin... Nanguha din ako ng kwek kwek saka sinubo sakanya...

Namiss ko tong sweet moments namin bilang mag bestfreind...

"Ahh dale, kamusta naman? Pagbabasag ko ng katahimikan..

"Ok naman.. Ikaw ba walang nanakit sayo don? Serious nyang tanong.

"W-wala naman!

~~~~~~

Naging masaya ang buong araw na magkasama kami. Tawanan,kilig at iba pa...

Nagpahatid nako sa bahay at ilang minuto ring nanatili si dale dito pero umalis narin sya. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis then nagpahinga na...

Fall in love With the Gangster Season 1 {Complete}Where stories live. Discover now