part 35💋

1.6K 33 0
                                    

~pasaway

Andrea~

Gustong gusto ko na talagang makapasok. Namimiss kona si dale, at yung apat. Hay ano pa nga ba magagawa ko,kapag sumaway ako ay malalagot ako kay Aeron.

Nakakaboring dito sa bahay nya!
Animoy walang kaingay ingay. Parang sementeryo lang! It's been 3 days na kaagad ako nanatili rito!

Umupo muna ako sa kama at nag inat. Nagkusot ng dalawang mata. Siguro naman pwede ng pumasok? Nanguha ako ng damit pang school ko at twalya narin. Pumasok ako sa banyo at nagsimulang maligo.

~~

Nagbihis nako. Pagkatapos ng ilang minuto. Bumaba na ako. Wala man lang akong nakitang inyigo dito! Aba himala! Pero mas gusto ko naman sya kasama kesa sa matapobreng aeron nayon. Ipagluluto ko pa sya e ang laki laki na nya!

Nakarating din ako sa malawak na hagdan nya. Bumaba ako. Bigla nalang akong natalisod pero may humawak ng bewang ko. Sana lang si inyigo na talaga to!

Tumingin ako dito. Yas,tama ako! Si inyigo nga! Eh bakit late sya?
Nginitian ko nalang ito.

"S-salamat. Muli akong bumaba. Wala akong nakitang Aeron dito. Yas! Malaya ako!

It's been 6:30 am na. Nanguha ako ng Burger steak sa ref nya at may tinapay din dito kaya iyun nalang.

Sinimulan kong pirituhin yung steak. Buti nalang hindi ito tumatalsik!

~~~

Inihanda ko na ang breakfast dito. Napansin ko naman si Inyigo na nakaupo sa lamesa at tahimik. Ibinaba ko ang tinapay sa lamesa. Inayos ko narin ang ingredients para pwede ng kainin. Inabutan ko si Inyigo ng tinapay at umupo ako sa harap nya. Ngiti lang ang nasilayan ko. May problema ba sya?!

Nagsimula narin kaming kumain na dalawa. Gusto ko syang titigan pero mukang nahuhuli nya yon! Gwapo sya at gentle man pero tanging jungkook lang talaga e!

Narinig ko ang mga yapak papunta rito sa direksyon namin. Nakita kong pababa na sya at nakapamulsa pa kaya umiwas ako ng tingin at inilibot kunwari ang mga mata ko. Ayokong mapaginteresan nanaman nya akong pagalitan!

Tahimik lang syang kumuha ng burger at isinubo ito. Lumayo sya saamin. Aba himala!

~~~

Ilang minuto pa ay nakatapos na kaming kumain. Nagpasya akong magpahatid na kay inyigo. Sumakay kami sa single nyang motorbike. Binigay nya saakin ang helmet ni inyigo kaya sinuot kona ito. Ngumiti sya saakin saka pinaandar ito. Grabe hindi sya barumbado magmaneho!

~~~

Bumaba nako sa motor nya. Binigay ko sakanya ang helmet. Nakangiti sya saakin kaya binawian ko narin ito.

"Salamat! Tinanguan nya lang ako. Napaka tahimik nya!

Pumasok nako sa gate. Namiss kodin itong school nato!

Dumiretso ako sa room ko. Sakto namang naroon si Victoria at wala pa si dale. Ano bayan?! Minsan na nga lang ako papasok e! Wala pa ang prof namin kaya nung makita ako ni Victoria,tumakbo sya at sinalubong ako ng yakap. Nakatingin lang saamin ang mga kaklase namin.

Hinatak ko palabas si Victoria.

"Ano inday! Kamusta? Namiss kita sobra! Nangingiwi pa ang muka nito.

"Ok naman ako. Di lang ako nakapasok dahil masama ang pakiramdam ko! Paliwanag ko.

~~~

Pumasok na kaming dalawa at nagsimula na ang klase. Nakinig lang ako. Nalate lang din si dale. Hindi ako pinansin ni dale kanina. Ni ngiti wala akong natanggap mula sakanya. Galit ba sya o nagtatampo?

Break time na kaya inaya ko na si Victoria. Lumabas na kami dahil nauna na kasing lumabas dale. Ano bang problema nya?

Pumunta kami sa room nung dalawa. Kaagad naman itong nakalabas. Nung makita ako ni kath,sinalubong nya rin ako ng yakap. Niyakap ko naman din sya pabalik.

"Oy! Bakit di ka nagpakita kahapon? Bungad sakin ni Alex. Natawa lang ako.

"Masama kasi pakiramdam ko kagabi e! Saad ko. Napatango nalang ito.

Nagsimula na kaming maglakad.
Di ko maiwasang ipasok si dale sa isipan ko.

"Ahhh mga bes,tanong lang? Bakit ganun si dale? Hindi nya ako pinapansin? Panimula ko.

"Malay! Baka nagtatampo sayo! Sagot ni Alex.

Napatango tango nalang ako

"Alam mo bang hinahanap ka nya?! Tapos iyun di ka pumasok! Nagtaka sya! Sagot naman ni Kath.

Matampuhin talaga tong si dale. Pag ganyan sya, nagpapalambing sya! Mamaya nalang siguro ko sya kakausapin.

Umupo kaagad kami sa canteen at bumili muna si kath at victoria..

Tahimik lang akong tumingin sa kawalan.

~~~~

Sobrang tahimik ng campus. Hindi kona naabutan si dale.
Ang bilis nyang mawala kaya napagpasyahan kong bukas nalang sya kausapin. Nagpaalam ako kina bes na hindi muna ko sasabay sakanila. Hindi ko sinabing may sundo ako. Natagpuan ko naman kaagad si inyigo sa labas ng gate at tumakbo na papunta sakanya. Binigay nya sakin yung isabg helmet. Ngayon,malawak na ang mga ngiti nya. Sumakay ako sa likod nya saka kumapit sa balikat nya.

~~~

Bumaba kaagad aki sa bahay nina Aeron. Pumasok nako. Dumiretso kaagad ako sa kwarto ko.  Sa totoo lang tinatamad talaga ako ngayon! Nagbihis ako
Saka humilata sa kama at ipinikit ang mga mata.



Cotinue story....




Fall in love With the Gangster Season 1 {Complete}Where stories live. Discover now