"You take care of yourself Ralph." I continued. 

I look intently to his eyes at parang may ewan na nag-tutulak sa akin para halikan si Ralph. Can I just kiss him one last time?

I lean closer to him and kiss him softly. Mas lalong tumulo ang mga luha ko habang iniisip na heto na yung last time na pwede ko syang makita dahil kailangan ko ng lumayo para sa akin at para sa aming dalawa. Kumalas ako sa halik at tumayo para umalis.

Goodbye, Ralph.

~~~

Naging smooth ang pagalis ko sa Pinas, nandito na ako ngayon sa UK. Nagkaroon ng delay sa pagayos sa papeles ko sa company kaya mga next week pa ako mag-sstart sa trabaho. Nag-aadjust pa ako at nagbabawi ng tulog dahil hindi ako nakakatulog noong first two days ko dito dahil siguro naninibago ako.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at binuksan ang laptop ko, nag-bukas ako ng social media ko at hindi ko maiwasan na i-check ang profile ni Ralph. Kamusta na kaya sya? sana okay lang sya. Pagkacheck ko ng account  nya nakita ko na may post sya ng picture nasa airport sya last three days ago mukhang may pupuntahan sya, siguro magtatravel sya para kahit papaano maka move on sya.

I closed my laptop, yun lang naman talaga gusto ko i-check, kung kamusta na si Ralph. Tumayo ako para mag-ayos, gusto ko sana lumabas para kumain tapos wala tumambay lang. Simula kasi ng dumating ako dito nandito lang ako sa loob ng apartment ko.

Nang makabili ako ay tumambay ako sa isang fountain malapit sa binilhan ko ng pagkain. Napansin ko na pwedeng mag-wish dito sa fountain kaya naman ay kinuha ko ang isang barya galing sa sukli sa akin kanina at nag-wish ako.

Alam kong impossible pero wala namang mawawala, katuwaan lang. Pumikit ako at humiling..

Sana nandito si Ralph...

Dumilat ako at tsaka hinagis ang barya ko sa fountain, napangiti na lang ako at tsaka umupo ulit para kumain ulit. Pero hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o si Ralph talaga yung nakikita ko na papalapit sa gawi ko.

Niliitan ko ang mata ko para mas makita ko kung si Ralph ba talaga yun.

"Jane..." tawag nya sa akin ng makalapit na sya ng tuluyan.

"Ralph anong ginagawa mo dito? " tanong ko.

"Ano pa ba, edi sinundan ka." Sagot nya sabay ngiti.

Hindi ko alam pero parang mas magaan tignan ang Ralph na kaharap ko ngayon, ang light ng awra nya.

"At bakit mo naman ako sinusundan? Ralph diba sabi ko naman say--"

"Jane.." putol nya sa sinasabi ko.

"Ako na 'to yung dating Ralph."

Teka anong sabi nya?

"Ha? Anong sinasabi mo?"

"After mo akong halikan noon bumalik mga ala-ala ko."

So true love's kiss ang sagot!?

"May nagpakita na fairy sa akin at inexplain nya sa akin kung ano yung nangyari."

Hanggang ngayon wala akong masabi.

"Jane.." hinawakan ni Ralph ang magkabilang pisngi ko.

"I'm sorry Jane, alam ko sobrang naging mahirap sayo at nasaktan kit--"

This time ako naman ang puputol sa sasabihin nya.

"No Ralph, I'm sorry. Hindi naman mangyayari lahat ng 'to kung hindi sa pagiging pasaway at pagiging brat ko. Hindi ko man lang na-appreciate lahat ng ginagawa mo sa akin kasi alam ko na mahal mo ako at di mo ako susukuan pero mali yun. Na-realize ko lang kung gaano kita kamahal at kung gaano ka ka-importante sa buhay ko nung nawala ka. I'm sorry Ralph."

Niyakao ako ng mahigpit ni Ralph, "Pero sorry pa din, kasi syempre meron pa rin akong mali. Nasasakal ka at feeling mo hindi kita pinagkakatiwalaan minsan sa mga desisyon mo, sorry for making you feel that way."

Niyakap ko rin sya ng mahigpit, " Mag-sisimula ulit tayo Jane. We are better now because of our mistakes kasi natuto tayo at inamin natin ang mga naging mali natin. "

Kumalas si Ralph sa yakap at bigla syang lumuhod sa harapan ko. May nilabas syang lalagyanan na maliit at binuksan ito. Isang napaka gandang singsing ang bumungad sa akin.

"This may be unexpected but I want to start a new life with the one I truly love. Jane, will you marry me?"

Hindi na napigilan ng luha ko na tumulo at sabay sabing "Yes Ralph! I Will marry you."

Isunuot nya sa akin ang singsing at agad na tumayo para yakapin ako ng mahigpit.

This love story we have may be unusual, but the conflicts that we had will be forever in my heart because from it I learned a lot.

"No more wishes?" He said laughing.

"Yeah, no more wishes." I answered laughing too.

While we are happy I saw a guy near the fountain crying and have a penny with him. He is about to make a wish so agad ko syang pinuntahan.

Kinalabit ko sya at agad syang lumingon sa akin,

"Just be careful what you wish for..."

*winks*

_THE END_

ONCE UPON A WISH (COMPLETED)

JUNE 21, 2019

THANK YOU FOR READING!
Love lots!


Once Upon A Wish (COMPLETED)Where stories live. Discover now