Epilogue

2 0 0
                                    

Ngayon ang araw ng wedding nila Ralph at Marga kaya naman ay wala akong gana na tumayo sa kama ko. Sa isang araw na rin naman ako aalis papunta ng UK, ayos na rin muna siguro na i-distance ko yung sarili ko. Nag-brobrowse lang ako ng mga memes sa internet nang biglang may mag-pop up na chat mula sa isa sa mga kasama ko sa pag-organize ng kasal nila Ralph.

Jai:

News Flash, the wedding is cancelled!!

Me:

What?! What happened?

Jai:

Girl! it turns out na yung baby na dinadala ni Marga is sa ibang guy!

I checked my facebook and kalat na kalat na yung pagka cancel ng kasal nila Ralph. So ibig sabihin si Victor ang ama ng dinadala ni Marga? Pero paano si Ralph? Agad kong tinawagan si Ralph pero cannot be reach sya. Agad kong kinuha ang pouch ko at umalis para hanapin si Ralph. I know where he could possibly go pero yun yung dating Ralph, I don't know kung saan pupunta ang bagong Ralph.

Isa isa kong pinuntahan ang mga lugar na pinupuntahan ng bagong Ralph pero hindi ko sya nakita. Naisip ko na puntahan ang lugar na naiisip ko na pupuntahan ng dating Ralph, yung place kung saan kami nagkakilala.

Nang makarating ako ay agad ko syang nakita na nakupo sa damuhan at tinitingnan ang view ng city, lumapit ako sa kanya at tumabi. Malayo ang tingin nya at halata sa mga mata nya ang gulo sa kanyang isipan.

"Ralph.." tawag ko sa kanya kasi parang hindi nya ata ako napansin na dumating.

Tumingin sya sa akin at walang sabi sabi ay niyakap nya ako ng mahigpit, niyakap ko rin sya pabalik at nanatili lang kaming tahimik. Ilang minuto kaming nanatiling ganoon at maya maya'y kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin.

"I'm sorry, sobrang hindi ko lang alam kung ano bang nangyayari." he said then looked away.

"It's fine Ralph, pumunta lang naman din ako dito kasi baka kailangan mo ng kaibigan." I answered.

Yes, tanggap ko na at okay na sa akin na kahit friendship na lang ang matira para sa amin.

"Alam mo ba kung ano sinabi ni Marga? she said that I should be with you, that she did't know what happened to my memory that erased you completely, and that I'm hurting you. I'm so confused Jane, I don't know what she's saying. I don't know what is happening to me." he explained.

"Mahirap ipaliwanag Ralph pero okay lang, you don't need to remember me anymore. Ako naman ang may kasalanan ng lahat and I've learned my lesson. Pero I also understand na you already living a different life, a life without me and it's fine Ralph. Siguro hanggang dito na lang talaga tayo.." I said and caressed his face.

"Thank you for being there for me when no one was, ngayon ko lang nagawang mag-thank you kasi dati lagi ko lang tinatake for granted lahat ng ginagawa mo for me. Also, I'm sorry sa lahat lahat Ralph, pero kahit na ang dami kong pagkukulang sayo nanatili ka pa rin. I love you Ralph, I still do, pero heto na ata yung karma ko sa lahat ng pagbabalewala ko sa'yo." hindi ko na mapigilan na maiyak. Hinawakan din ni Ralph ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko.

Once Upon A Wish (COMPLETED)Where stories live. Discover now