Chapter Three

45 3 0
                                    

Chapter Three



"Oh kain ka na ma'am." bati sa akin ni manang pagkauwi ko.



"Wala po akong ganang kumain manang." sagot ko.



Dumiretso na lang ako sa kwarto ko. Bakit ba nangyayari sa akin 'to? kinakarma na ba ako? siguro nga tama si Fairy, masyado kong tinake for granted lahat. Akala ko lagi lang nandyan para sa akin si Ralph, yun bang kahit anong mangyari di nya ako matitiis kasi sobrang mahal nya ako.



Nagbukas ako ng facebook ko. Mali pa lang nagbukas ako ng facebook ko, bakit pa kasi ako nagbukas.



Tinanggal ni Ralph yung relationship status naming dalawa. Kasabay pa nun, nag-upload sya ng picture nila ni Marga. Ang saya nila, siguro nag-date sila kanina nung nakita ko sya sa mall.



Napa-iyak na naman ako.



"Wag ka nga umiyak Jane! ikaw naman ang humiling nyan eh!" sabi ko sa sarili ko.



Hiniling kong makalimutan nya ako. Hiniling ko ang kalayaan mula sa kanya, kaya magdusa ako sa consequences nito.



Nag-ring bigla ang phone ko, nagulat ako sa natawag. Si Ralph, kaya sinagot ko agad.



"Ralph?"



"No hija, si tita maribel mo ito..." Mommy ni Ralph. Kala ko naman...



"Tita, kamusta po? kailan po kayo bumalik from states?"



"Kababalik ko lang ngayon. Uh, hija... I'm sorry about sa nangyari sa inyo ni Ralph, hindi ko rin alam bakit sya nagkaganoon."



"Its okay tita." Napabuntong hininga ako.



"You know,we can still do something about it." sabi ni tita.



"What do you mean tita?" tanong ko.



"Uhm, first why won't you come over here... for dinner hija." sabi ni tita.



Mukhang alam ko ang gusto ni tita iparating.


Once Upon A Wish (COMPLETED)Where stories live. Discover now