Chapter One

63 3 0
                                    

Chapter One



Medyo masakit yung ulo ko at masama pa ang pakiramdam ko pero kailangan ko pa ring pumasok sa trabaho.



Bago ako bumangon tiningnan ko muna yung phone ko. Bakit ganun? wala man lang text o tawag si Ralph? Hayaan ko na, magtetext din yun. Di ako matitiis nun, itetext din ako mamaya ni Ralph.



Bumaba na ako para kumain, nakahanda na ang kape ko. Hindi ko maiwasan na tumingin sa phone ko habang nakain. Pero wala talaga eh, wala pa rin text, kahit 'goodmorning' lang?



Pagkatapos kong kumain, naghanda na rin ako papasok. Bago magmaneho paalis sinilip ko ulit yung phone ko baka naman nagtext sya nung nalingat ako ng tingin pero wala pa rin eh. Galit kaya sya sa akin?



Kahit nagmamaneho hindi ako mapakali, natingin- tingin pa rin ako sa phone ko. Ano ka ba naman Ralph? ba't di ka man lang nagtetext? Konti na lang mapapraning na ako.



Nakarating na ako sa Opisina pero ni-tuldok wala pa ring text. Nakakapanghina. Lalong sumasama pakiramdam ko.



Masama na 'to, hindi pa rin sya nagtetext. Kaya kahit bawal ang mag-cellphone sa oras ng trabaho, tatawagan ko na talaga sya.



Pero isang ring pa lang, sinita na ako ng ka-office mate ko na parating daw si ma'am kaya ibinaba ko agad. Ano ba yan, mababaliw na ako. Bakit ba hindi man lang sya nagtetext? Ano ba nangyari sa'yo Ralph?




Hanggang umabot na ang lunch break, wala pa rin. Kaya nagdecide na talaga akong tumwag ulit sa kanya.



Sa ikatlong ring may sumagot na.



"Babe?" sabi ko.



"Ay sorry po ma'am. Si Linda po ito ma'am, wala po si Sir dito. Iniwan nya po yung phone nya."



Ang weird, di pa nag-iiwan ng phone si Ralph kahit minsan.



"Saan daw po sya pupunta?" tanong ko.



"Nako di ko po alam ma'am eh, sorry po."



"Ganun po ba manang, sige po. Thank you po." at ibinaba ko na ang phone.


Once Upon A Wish (COMPLETED)Where stories live. Discover now