Chapter Two

47 3 0
                                    

Chapter Two



Napamulat ako, grabe ang sakit ng ulo ko. Pagkamulat ko teka nasaan ako? Nasa hospital ba ako?



Biglang pumasok si manang lolit, kasambahay ko. May mga dala syang bag, mga gamit ko siguro. Inikot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto ko pero wala si Ralph.



"Manang, anong nangyari? Nasaan si Ralph?" tanong ko.



"Ma'am na-aksidente kayo. Wala pa po, hindi pa po dumarating. Sinabihan ko na po yung katulong nya na pasabi na lang kay sir Ralph na na-hospital po kayo. Sasabihin na lang daw po nya, eh hindi pa po kasi nauwi si sir Ralph." sagot ni manang.



Parang mas masakit pa yung pag gising ko wala si Ralph kaysa dito sa mga sugat at pasa ko. Akala ko panaginip lang ang lahat, totoo pa lang iniwan na nya ako. Pero umaasa pa rin ako na darating sya, na sana binibigyan nya lang ako ng lesson, na sana hindi totoo lahat ng yun... kasi hindi ko kaya.



Biglang nag-ring ang phone ni manang lolit at nagexcuse muna sya para sagutin yung tawag. Maya maya'y bumalik din sya.



"Ma'am, hindi daw po kayo kilala ni sir Ralph. Yan po yung pinapasabi nung katulong ni Sir. Kahit daw po sya nagulat sa kilos ni Sir, ma'am."sabi ni manang sa akin.



Napatango na lang ako. "Manang, pwede po bang iwanan nyo po muna ako. Gusto ko pong mapag-isa." ngumiti naman si manang at lumabas na ng kwarto ko.



At pagkalabas na pagkalabas ni manang kusa ng tumulo yung mga luha ko. Ang sakit, kahit paulit-ulitin ko na sabihin na ang sakit, ganun pa rin hindi nababawasan.



Napa pikit na lang ako. At biglang sumagi sa isip ko yung telephone na nakita ko nung nagpahinga ako nung lasing na lasing ako.



"your wish is my command.."



Teka? imposible. May ganun pa ba ngayon? tsaka in the first place totoo ba yung mga ganun? wag mong sabihin dahil doon kaya nagkakaganoon si Ralph? pero imposible talaga yun, pero paano nga kung ganoon ang nangyari?



*



Dalawang araw din akong nag-stay sa hospital at sa dalawang araw na yun, walang Ralph na pumunta. Kaya ngayon papunta ako doon sa lugar kung saan ko nakita yung telephone na yun. Di ko alam pero parang gusto ng maniwala ng isip ko na nagkatotoo nga yung mga winish ko nung gabing yun. Pero kung totoo nga yun, paano mawawala ang epekto nun?

Once Upon A Wish (COMPLETED)Where stories live. Discover now