XI: Culprit

1.7K 63 0
                                    

__Unknown__

"Narinig niyo ba ang kumakalat na balita?" narinig kong tanong nang isa sa mga katulong.

"Iyon ba yung balitang nawawala si Kapitan Gamil?"

nabigla ako sa aking narinig. Nawawala ang kapitan na iyon? Anong nangyari at nawala siya? Wala naman akong naririnig na ganitong plano mula sa kanya. Siya ba ang may gawa o iba? Pasimple akong lumapit upang mas marinig ko pa ang pinag uusapan nila.

"Ang narinig ko, kahapon pa daw siya nawawala. Ang sabi ng isa sa mga guwardiya huling beses nilang nakita si Kapitan Gamil ay noong pilit niyang kinatagpo si Prinsesa Astriia"

Si Prinsesa Astriia? Ang babaeng sumira sa aking plano. Bakit naman siya katatagpuin ng Kapitan? May napag usapan kaya sila? Ngayong naaalala ko, ang sabi ay nasa tapat siya ng silid ng gabing iyon. Hindi kaya nakita niya ako? pero kung nakita niya ako bakit wala siyang sinabi nang hatulan siya ng Hari?

"Ayos ka lang ba?" nagbalik ako sa realidad nang tawagin ako.

"Pasensya na. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko"

"Ganoon ba? Siguro mas makakabuti kung magpapahinga ka na."

"Salamat"

matamis kong bigkas at tsaka ako lumisan. Kailangan ko ng maghanda para sa gagawin ko mamayang gabi. Kailangan ko ng magtagumpay ngayon dahil kung hindi ay malalagot na ako sa kaniya.

Habang ako'y naglalakad ay nakapansin ako ng isang pulang panyo na nasa sahig. Agad akong kinabahan dahil rito, alam na alam kong ang pulang panyo ang bagay na kumikilala sa kanya. Dinampot ko ito at inilibot ang aking paningin. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang kaniyang pigura na nagtatago. Pasimple akong lumapit dito.

"Tapos mo na ba?" halos pabulong niyang tanong sa akin. Tinignan ko muna ang paligid bago ako sumagot.

"Opo."

"Mabuti. Kung ganoon ay isagawa mo na ang plano mamayang gabi. Siguraduhin mo na hindi ka mabibigo"

"O-opo. Gusto ko po sanang itanong. Totoo po ba na nawawala ang Kapitan?"

"Iyon ang naririnig ko. Marahil ay totoo dahil tinanong ko mismo si Prinsipe Ahkil at mukhang hindi niya rin alam kung nasaan ito"

"Kayo po ba ang may kagagawan?"

"Hindi. Marahil ay iba ang gumawa nito"

"Paano po pala ang Prinsesa? Ang balita ko ay kinatagpo siya ng kapitan bago po siya mawala. Hindi kaya may nalalaman siya?" Kung may alam nga ang prinsesa na iyon ay mapapahamak ako. Kailangang mawala na siya! "Maaari ko ho bang paslangin ang prinsesa? Pakiwari ko ay may nalalaman siya. Baka tayo'y mapahamak"

"Tayo?" nanlamig ang buo kong katawan dahil sa tono ng pananalita niya. Sino ba namang hindi kikilabutan sa isang batikang mamamatay tao na libu-libo na ang napaslang? "Ang ibig mo bang sabihin ay sa oras na mahuli ka'y idadawit mo ang aking pangalan?" Napalunok ako. Ramdam ko ang panlalamig ng aking kamay at ang panginginig nito.

"Hi-hindi po".

"Huwag mong gagalawin ang prinsesa. Hindi mo din siya mapapatay ngayon dahil dinagdagan ng Hari ang mga guwardiyang nagbabantay dahil sa ginawa ng Kapitan." Narinig ko ang yabag niya na papalayo. "Gawin mo kung ano lamang ang pinapagawa sa iyo."

Nakahinga ako nang maluwag ng tuluyan na siyang nakaalis. Nakakatakot talaga ang taong iyon. Isang mapagpanggap at mapanggamit na tao. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad matapos siyang umalis. Makalipas lamang ang ilang minuto ng pag lalakad ay nakarating na ako sa tapat ng kwarto ni Prinsipe Ahkil. Bubuksan ko na dapat ito nang marinig kong may papalapit dito mula sa loob. Agad naman akong nagtago. Lumabas si Prinsipe Ahkil sa kanyang silid. Mabuti na lamang at sumaktong papalabas siya. Bumalik ako sa tapat ng silid at dahan-dahan ko itong pinasok. Inilibot ko ang aking paningin.

EUTI: Treaty of PeaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon