XXXIII: Scars & Rebels

1.1K 40 10
                                    

__Ahkil__

"Leira, ayos na nga ako." saad ko nang makabalik kami sa aking silid.



"Bakit kasi lumabas ka?! Hindi ka man lamang nagpaalam sa akin!"

"Bakit ka ba nagagalit?" Natigil siya dahil sa aking tanong.

"Itatanong mo iyan na parang wala akong karapatang magalit. Ako ang nag aalaga sayo Ahkil, marapat lamang na mag alala ako sayo." sagot niya sabay talikod. "Ngunit kung naiirita ka na sa aking presensya ay aalis na ako." maglalakad na dapat siya ng hawakan ko ang braso niya.

"Patawad. Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin." Ilang segundo ang lumipasbago siya humarap sa akin.

"Kalimutan na natin ang mga nangyari." tsaka siya umupo malapit sa bintana at nagbasa ng kaniyang paboritong libro. Pumweto naman ako sa katapat niyang upuan.

Napatitig ako kay Leira nang husto. Masaya ako't mukhang nagbalik na kami sa dati. Ngunit bakit pakiramdam ko'y may kulang?

Biglang lumitaw sa aking isipan ang imahe ng pinsan ni Kapitan Herim. Bigla akong nakaramdam ng matinding pagnanais na makita ang aking asawa.

"Leira" tawag ko.

"Bakit?"

"Gusto kong makita ang asawa ko."

Nabigla ako nang isara niya ang librong kaniyang binabasa . Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"B-bakit??"

"Bakit? Anong ibig mong sabihin sa bakit?"

"Ang ibig kong sabihin, ito ang unang beses na hinanap mo siya. N-naaalala mo na ba siya?"

"Hindi, nais ko lamang siyang makita. Baka sakaling may maalala ako kapag nagkita kami."

"Hindi pwede!" mas ikinagulat ko ang pagsigaw niya. "Hindi rin siya pupunta. Huwag mo na siyang hanapin." dugtong niya pa.

"Leira, ano bang nangyayari sayo? Ayoko man ding makita ang prinsesa ng Bethrione ay kailangan. Asawa ko pa rin siya."

"Hindi mo na siya asawa!" napakunot ako ng noo dahil sa kaniyang nabulalas.

"Anong ibig mong sabihin?"

Nag iwas naman siya ng tingin.

"Leira. Anong ibig mong sabihin." maotoridad kong paguulit.

"Hindi mo na siya asawa Ahkil dahil ikakasal na siya kay Khrazeen."

"Ikakasal? Asawa ko siya, paanong mangyayari iyon? Isa pa't ikaw ang asawa ni Kuya."

"Mawawalan ng bisa ang inyong kasal at sa oras na mawala iyon ay tsaka sila ipakakasal."

-----

__Euti__

Nang makarating ako sa silid ni Heneral Hans ay agad akong kumatok.

"Pasok." sigaw niya mula sa loob ng silid.

Pumasok ako sa maliit na silid na iyon. Nakita ko siyang nakaupo habang mayroong binabasa na papeles.

"Magandang araw." bati ko, hindi naman siya sumagot. Mukhang mahalaga ang papeles na kaniyang binabasa.

Naupo na lamang ako sa isang asul na upuan habang naghihintay.

"Ang prinsesa sa tore."

Napatingin ako kay Heneral Hans nang maalala ko ang sinabi niya sa akin dati na naging dahilan upang umanib ako sa kaniyang kapatiran.

EUTI: Treaty of PeaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon