XXIII: Revenge I

1.6K 45 2
                                    

__Euti__

"Ikaw ang gagalaw sa ating dalawa. Nais kitang maging galamay ko upang hulihin ang salarin."

Ilang beses din akong kumurap kurap bago naproseso sa aking isipan ang kanyang sinaad.

"Kung ganoon pumapayag ka na na tumulong ako?"

"An tanga mo talaga eh no. Malamang oo, kung hindi ako pumapayag sa tingin mo ba sasabihin ko lahat ng alam ko sayo?" lintik na bubwit to! Ako pa ang natanga!

"Aba! Ikaw tong nakikiusap sa akin ano!"

"Hindi ako nakikiusap. Ano, ayaw mo ba? Kung ayaw mo edi umalis ka na. Shu! Shu!" bigkas niya sabay wisawis ng kanyang kamay na para ba akong isang ligaw na pusang kailangan tabuyin.

Bwisit talaga!!!!

" ...... Oo na! Hindi naman ako makakahindi. Ano bang plano mong gawin para mahuli iyang salarin na yan?"

"mmm. . . . Sa ngayon, maghintay muna tayo hanggang sa gumawa na siya ng bagong hakbang." bumilang siya sa kanyang dalira. "Dalawampung ministro ngayon ang mayroon. Siguradong hindi na niya uulitin pa ang nagawa dati na isa-isa niyang tinangkang patayin ang ministro."

"Dalawampu? Hindi bat dapat labing siyam na lang dahil namatay si Ministro Javid?"

"Isang Linggo matapos ang pagpatay sa kanya ay nagbotohan ang mga ministro at Hari ng papalit sa kanya."

"Ganoon ba... " hindi ko iyon alam ah.

"Osya, matutulog na ko. Ilang araw din akong walang matinong tulog." tumayo siya sa kinauupuan niya tsaka naglakad papasok sa kabilang parte ng silid kung saan matatagpuan ang kanyang higaan.

Sumunod naman ako.

Nagsimula siyang magtanggal ng butones ng kanyang kasuotan nang mapatingin siya sa akin.

"Ano? Panonoorin mo akong maghubad? Pangungunahan na kita, sa tanang buhay ko hindi ako magkakainteres makipag siping sayo." Nagulat ako dahil sa kanyang tinuran. "Si Ahkil nga hindi sumisiping sayo, ang katulad ko pa ka-ARAY!!!" inda niya ng batukan ko siya.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Ang bata bata mo pa!"

"Bakit mo ko binatukan ha?!"

"Ang baboy mo kasi!"

"Ikaw itong unang nagnasa sa akin!! "

"Ewan ko sayo!"

Hindi siya agad sumagot. Tumitig muna siya sa akin tsaka ngumisi. Kinilabutan tuloy ako bigla!

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin at itulak sa kama. Bago ko pa magawang tumayo ay pumatong siya sa akin.

"Alis!"

Hinawakan niya ang baba ko tsaa ito itinaas ng kaunti upang magkatitigan kami.

"Ninanais mo ba ang katawan ko?" mapang akit niyang bigkas kasabay ng mapaglaro niyang ngiti.

Nakipagtitigan muna ako sa kanya ng ilang segundo bago sumagot.

"Yuzen......" dahan-dahan kong inilapat sa kanyang kaliwang pisngi ang aking kanang kamay tsaka ito hinipo. "Alam mo bang matagal ko ng gustong gawin ito sa iyo.... " naramdaman ko ang pagtensyon ng buo niyang katawan dahil sa aking ginawa.

"O-oi!"

"Ito ang nais mo hindi ba?" marahan kong ginabayan ang kanyang mukha papalapit sa aking mukha.

Nang maramdaman na namin ang hininga ng isa't-isa'y napapikit siya bigla. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at napangiti ako ng nakakaloko sabay tulak sa kanya upang mabaliktad ang posisyon namin.

EUTI: Treaty of PeaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon