Chapter 35

109K 6K 2.5K
                                    

Chapter 35

Encounter

Gusto ko sana na kasama ang mga kaibigan ko sa sasakyan, but their overprotective boyfriends complained and snatched them away from me, that was a last-minute cancellation!

Marami na dapat akong sasabihin sa kanila habang nasa biyahe. But the boyfriends, duh? Mga kill joy!

I just really want to talk with them, hindi naman kasi kami nakapag-usap nang nag-aayos kanina. Of course, I should focus myself with my outfit, hindi naman kasi pwede na pumunta ako sa party na hindi prepared.

Pinauna ko na ang mga kaibigan ko at hindi na ako pumayag na mag-convoy na lang, para saan pa? Malapit lang naman ang mansion ng mga De Mesa.

Bigla akong na-stress kaya ng retouch muna ako.

Ngayon ay nasa likuran ko ang dalawa kong pinsan na kanina pang nakangiwi sa suot ko.

"I told you, kung hindi n'yo gusto ang suot ko, 'wag na kayong umattend ng party."

"Saan ba galing ang suot mo, Autumn? Parang nauubusan na ng tela sa Pilinas, ah?" umirap ako kay Kaden.

"Labas ang likod, labas ang tiyan, labas pusod at labas hita. Very good. Nakaka-proud ang ganyang pinsan, iyong hindi nilalamig sa klima."

"Whatever, Lonzo! 'Wag nga kayong maingay d'yan, my glitters are fading." Tumayo na ako sa sinimulan kong lagyan ng konting glitters ang tummy ko. Sinilip ko rin ang may sulok ng mata ko kung ayos pa, pati sa legs ko.

"Can you see the glitters on my back? Visible ba?" tanong ko sa dalawa kong pinsan.

"Kaden, ako nagkaroon ng girlfriend, marami. Pero first time kong maka-encounter ng babaeng obsess sa glitter, itong pinsan lang natin. Saan ba uso ang glitters?"

"Eh, shut up na kasi! Naghihintay na sa akin si Keaton. Kung okay na ba glitters ko?" sabay tumango si Lonzo at Kaden.

"Great!"

I was about to let go of my bottled glitters nang may napansin pa ako sa repleksyon ko. My eyebrows arched.

Should I put on my cleavage?

Binuksan ko ulit ang bote at nasa akma na akong maglalagay nito nang may umagaw nito sa akin. Ang bilis ng dalawa kong pinsan na nasa magkabila ko na at kapwa na sila nakahawak sa mga glitters ko.

"Tama na! Kung saan-saan ka pa naglalagy!" napapikit ako nang nagbibirong ihahampas sa akin ni Lonzo ang bote.

"Kung tirisin na kaya natin 'to, Lonzo?"

Itinulak ko na silang sabay at naglakad na ako, my usual model walk.

"Aattend ba kayo?"

"Sino magbabantay sa'yo? Wala naman si Wynter."

"Samonte brothers?"

"Sa sobrang dami ng glitters mo baka umatake na rin sila sa'yo. Don't worry, we'll be behind the shadows."

"Whatever."

Hinatid ako ng mga pinsan ko sa labas, naghihintay na si Keaton na katulad ko ay black din ang suot.

Gosh, he's so boyfriend material talaga.

Bumaba na si Keaton sa kanyang sasakyan at pinagbuksan niya ako ng pintuan. Damn, he's so boyfriend material talaga! I can't feel the smuggler vibe on him, siya talaga iyong tipo na legal sa lahat ng bagay, walang nilalabag na batas. Hindi katulad ng iba sa tabi-tabi na puro illegal na lang talaga.

Kumbaga sa mga Chinese product, siya iyong high class, hindi katulad ng iba mga class A lang, Mandarin pa lang sablay na. Siguradong kapag kinausap ko ng Mandarin itong si Keaton, intsik din ang sagot niya sa akin.

The Prince Who Bit The Poisonous Apple (Prince Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon