Chapter 24

122K 7.5K 2.1K
                                    

Chapter 24

Decision

"Apple flavor, hijo?"

Nakailang ulit umikot sa isipan ko ang boses ni Don Ferell at natulala na ako sa harapan nilang pito.

Sinubukan kong magsalita at mangatwiran, pero nang sandaling buksan ko ang aking bibig bigla na lang nablangko ang utak ko. Ano nga ba ang pwede kong sabihin sa kanila na hindi ako magmumukhang sinungaling?

Iisa lang ang gamit ng condom, hindi ito gamit para magtitigan lang...

Oh my gosh, Wayto babe... I'm really sorry...

Sinalubong ko ang mga mata ni Wayto, it was filled with mixture of emotions. Gulat, pagtataka, inis, pagkadismaya at marami pang iba.

Gusto sanang lumapit sa kanya, kumalong at mag-inarte na alam kong paraan na magliligtas sa akin mula sa galit niya. But Don Ferell is here, as well as his grandsons.

I just damn sabotaged our plans!

Kung gaano kaputla ang mukha ni Wayto, ganito rin ang hitsura ng mga Ferell. Nagpapabalik-balik sa akin at sa condom ang mata ni Wayto.

I could even read the question inside his mind, "Where the fuck did you get that, Autumn Stassi Olbes?"

Kung wala ako sa harapan nila ay napapadyak na ako sa sobrang pagkadismaya. Hindi lang sila! Of course, naiinis din ako sa sarili ko. Malapit na kami, nahulog pa ang condom.

Pinanlalakihan na ako ng chinitong mata ni Wayto, tumungo ako at pinagsalikop ang mga kamay ko. Anong gusto niyang gawin ko?

Sasagutin ko ba siya sa tanong niya? Kung saan ko nakuha?

Or should I tell lies? Hindi ba at ito naman ang ginagawa namin ngayon kay Don Ferell?

"Promo lang po ang condom nang kumuha kami ng sedula."

Napapikit ako sa naiisip ko. Seriously?

Nanatili akong nakatayo sa harapan nilang lahat, walang lumabas na salita mula sa akin, hindi makagalaw ang mga paa ko at walang tigil sa malakas na pagpintig ang puso ko.

We're caught. Sa hindi ko pag-iingat, nawalang bigla ang pinaghirapan ni Wayto. It was a good performance! Malapit na...

Hindi ko na mabilang kung ilang minuto na kaming nabalot ng nakapanghihinang katahimikan. Ramdam ko na ang pawis sa noo ko, habang tumatagal ay mas bumibigat ang tensyon sa pagitan namin.

Ako na yata ang pinakamagandang jowable na pawisan. Oh gosh, I feel so hopeless.

Hindi ba tutulong ang mga Ferell na ito? Hindi ba at sila ang may pakana ng pagsisinungaling na ito? They should have prepared a back-up plan! These idiots! Bakit nga ba ako pumayag na maniwala kami sa kanila?

"D-Don Ferell... nagkakamali k-kayo..." pawisan na rin si Wayto, hindi na ito magkaintindihan kung kay Don Ferell titingin, sa akin o sa condom na nasa sahig.

Nakita ko kung paano napahilamos sa kanyang mukha si Troy, napahampas sa kanyang noo si Nero, umiiling si Tristan, nakatingin na si Aldus sa pintuan na parang gusto nang tumakbo palabas at si Owen na parang bumubulong-bulong na.

What is wrong with them?

They should help Wayto explain! Sila itong magagaling magsinungaling, siguradong marami pa silang nakatagong kasinungalingan.

Sa mga oras na ito, alam kong pareho na kami ng iniisip ni Wayto, dahil napapasulyap na rin siya sa magpipinsan.

Nang unang tumayo si Nero, agad akong napahinga nang maluwag. He's Wayto's best friend afterall, alam kong hindi niya pababayaan ang kaibigan niya. Hindi rin nagtagal ay tumayo na rin ang natitirang apat.

The Prince Who Bit The Poisonous Apple (Prince Series #3)Where stories live. Discover now