Chapter 20

153K 7.8K 1.2K
                                    

Chapter 20

The friends

Pinakiramdaman ko ang aking pamilya nang makauwi ako. Gusto kong sisihin ang pitong bodyguards ni Wayto! Sila ang dahilan kung bakit umabot na ako sa masamang panaginip.

Wayto told me to calm down, pero paano ako kakalma kung ganoon na lang ang nangyari sa panaginip ko?

I should keep my mouth shut. Hindi ako buntis.

Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan, bigla pa akong kinabahan nang makita ko si lolo sa dulo ng lamesa. Kahit ang mga tiyuhin ko sa panaginip ay lahat nandito, maging ang mga tiyahin ko at mga pinsang lalaki.

Ngayon ko hiniling na sana ay may mga pinsan akong babae na maaari kong kausapin man lang sa kahit anong bagay na walang kinalaman sa politika! Siguradong ito na naman ang laman ng usapan hanggang mamaya.

I hope so...

Hindi tungkol sa akin o lalong tungkol kay Wayto.

"Good evening, lolo..." lumapit muna ako sa kanya, nagmano at humalik sa pisngi.

I greeted my uncles and aunties, rolled my eyes to my cousins, disregard my brother and kissed my mother's cheeks. Nagmano naman ako kay Papa.

"So how's your day, Stassi?" tanong sa akin ng isa kong tita.

"Good as always, po." Tumango sila sa akin.

Nakahinga ako nang maluwag nang mawala na ang atensyon nila sa akin at nagsimula na silang mag-usap tungkol sa politika. Kung dati ay pilit kong iniintindi ang usapan nila tungkol sa eleksyon, ngayon mas gusto ko pang takpan ang tenga ko para lamang hindi makarinig ng apelyidong Arellano.

Nawalan na rin nang ganang kumain.

Hindi pa man sila natatapos mag-usap ay nagpaalam na ako sa kanila at nangatwiran na masama ang pakiramdam.

Dahil kilala ako ng kapatid ko, mabilis din itong nagpaalam at sumunod sa akin. Malalaki ang hakbang ko patungo sa aking kwarto para hindi ako nito abutan, pero ang marahas nitong kamay ang nagpatigil sa akin.

"Autumn, I told you to stop your relationship with him. Niloloko ka lang niya." Marahas kong inagaw sa kanya ang braso ko.

"Please... allow me to rest, Kuya."

"Makipaghiwalay ka na sa kanya bago pa makarating sa kanila, Autumn."

"Then I will tell them that you push me to do this, at hindi lang ako ang nakikipag-ugnayan sa isang Arellano."

"Autumn." Madiing tawag niya sa pangalan ko.

Hindi ko na siya sinagot at nagmadali na akong pumasok sa aking kwarto. Hindi ko na napigilan ang sarili kong pag-iyak.

For the first time of my life, I suddenly felt the heavy responsibility of my action.

Kinabukasan pumasok akong naka-shades, sobrang paga ng mata ko at hindi ko ikakaganda ang maglakad sa buong campus na may pangit na mata. I may be bearing a heavy burden between my lovelife and family, hindi pa rin pwedeng maalis sa akin ang pagigng maganda.

I texted Wayto, sinabi ko sa kanyang hindi muna ako magpapahatid o sasama sa kanya kung saan. I wanted to be alone and think.

Nagsisimula nang pumasok sa isip ko ang totoong sitwasyon, the feud between our families was not a damn joke. Tama ang ipinarating ng panaginip ko, isang maling salita, kilos o desisyon na may kinalaman sa aming pamilya ay siguradong makakagawa nang malaking gulo.

Hindi malayong mangyari ang panaginip ko at hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyaring masama kay Wayto o maging sa isa mula sa aking pamilya.

The Prince Who Bit The Poisonous Apple (Prince Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon