5. The Lucky Three

Start from the beginning
                                    

"Ang lagusang yan ay hindi basta-basta lagusan. Hindi pa ito ang katapusan ng pagsubok sa kagubatang ito. Hindi kayo gano'n kaswerte."

Napansin konbg kumunot ang noo ni Amber. "What do you mean? At teka, sino ka?"

Tila isang sirena ang tanong na yun ni Amber. Hindi ko pa pala naipapakilala Si Laurent sa kanya. Pinutol ko ang komosyon. "Ah, siyanga pala Amber si Laurent. Siya yung sinasabi kong nagligtas saakin sa mga lobo't higante." Napansin kong umismid si Laurent.

"Oh?" takang tanong ni Amber. "Nasaan yung kasama niya? Diba sabi mo dalawa sila?"

"Ah eh k—kwan—" pinutol ni Laurent ang sasabihin ko.

"Ang mabuti pa'y magpatuloy na tayo. O kung gusto niyo'y kayo na lang at gagawin ko na kung anong gusto kong gawin. Baka mapahamak pa ako sa kapalpakan niyo."

"Excuse me?" medyo tumaas ang boses ni Amber. Halatang nainsulto ito sa sinabi ni Laurent.

"Hayaan mo na..." bulong ko sa kaibigan. "S-sasama na lang kami sayo. Yun ay kung okay lang?" kako.

"May magagawa pa ba ako?" anito na nagpatuloy na sa paglalakad patungo hindi sa lagusan kundi sa palayo dito.

"Teka, heto ang lagusan oh! Hindi diyan!" Amber reminded him.

"Alam ko. Hindi yan ang totoong lagusan. Kapag sinubukan niyong daanan yan, mabubuhay ang mga batong pinagkumpol-kumpol diyan."

"At bakit kami maniniwala sayo?" Mataray na tanong ni Amber na nooy nakapamewang na.

"Try it. Isama mo na yang bestfriend mo," hamon ni Laurent. 

May pagkasuplado talaga at antipatiko ang lalaki nung una pa lang na nakausap ko ito kasama si Miranda. Umiikot parin sa utak ko kung nasaan si Miranda habang nagtatalo ang dalawa kong bagong kakilala. Dinakip kaya ito, bumalik sa pamilya nito o baka may nangyaring masama dito? Huwag naman sana.

Nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag-iisip nang nagising ang ulirat ko sa kasalukuyan dahil sa malakas na sigaw ni Laurent.

"No!"

Sinundan iyon ng matinis at malakas na tili ni Amber na nakita kong nasa paanan na ng lagusan. Lumindol ng bahagya sabay paatras na nagtitili si Amber. Nawasak ang tulay na gawa sa bato. Totoo nga ang sinabi ni Laurent. Naging mga higanteng bato ang tulay. Hindi lang lima kundi higit sa labing limang giants!

"Lara! Takbo!!!" Ani Amber habang sinubukang paslangin ang mga bato gamit ang kanyang blue energy ball.

Tila mga bulang nawasak lang ang energy ball na tinapon ni Amber sa unang higanteng malapit sa kanya. Hindi ito umubra.

"Hoy babaeng namumuti ang buhok! Tumakbo ka na dito!" Narinig kong sigaw ni Laurent kay Amber habang tumatakbo naman ako patungo sa kinalalagyan ng lalaki.

"Lara! Takbo!" Dinig kong sabi ni Laurent nang mapansin nitong tumigil ako para antayin si Amber.

Mabilis ang mga naging pangyayari. Mabilis na nakaangat mula sa ilog ang mga higante at agad kaming hinabol. Sa kabilang sulok ng lagusan kung saan nakatayo si Laurent ay may isang lihim na lagusan sa ilalim ng lupa. 'Yon ang tinutukoy ni Laurent. Pinapasok niya ako at kasunod si Amber bago ko napansing nagtapon pa ito ng isang malaking energy ball sa higante. Ang pagsabog nun ay nagdulot ng pwersang naging dahilan ng bahagyang pagyanin ng lupa.

Madilim sa ilalim ng lupa. Agad namang nakagawa ng liwanag ang magic wand ni Amber. Namangha ako habang ramdam namin ang pagyanig ng taas na bahagi ng hukay.

"Oh, diba, parang lusis!" ani Amber na parang hindi hinahabol ng higante.

"Hindi ito ang panahon para maglaro." Nagulat kami nang biglang nagsalita si Laurent mula sa aming likuran. "Any moment from now ay huhukayin ng mga higante ang hukay na 'to o yayanigin ang ibabaw na bahagi para malibing na tayo ng buhay dito. Kaya kung pwede bilisan niyong maglakad pasulong."

"Ah! Okay!" sabi ni Amber na napansing isa pala talagang lagusan ang hukay na 'yon. Isang tunnel and dinaanan namin.

Nakakailang hakbang pa lang kami ay bumigay na ang lupa sa aming likuran. Tama nga si Laurent. Kung hindi kami huhukayin ng mga higante ay ililibing kami ng buhay ng mga ito. Lalong bumilis ang aming takbo sa ilalim ng lupa habang sinusundan ang bawat hakbang namin ng gumuguhong lupa. Magkahalong pagod at takot ang nasaakin. Hinahabol ko ang aking paghinga dahil sa limitadong supply ng hangin sa ilalim ng lapa. Ilang minuto rin ang pagtakbo at paggapang namin sa lagusan.

Napasigaw ako nang maramdaman kong natabunan ng mabigat na lupa ang kanan kong binti. Nadapa ako, hanggang sa pati kaliwang binti ko'y natabunan na rin. Mukhang malilibing na ako ng buhay.

"Lara kapit!" Naramdaman kong may humawak sa magkabila kong braso. Natabunan ang buo kong katawan pero maswerte parin ako dahil malakas ang paghila saakin ni Laurent. Kinarga ako nito palabas sa lagusan. Hindin ko akalaing ganun naging kabilis ang pangyayari. Nakaligtas ako sa Garon forest nang walang kapangyarihan?

"Lara, I'm glad you're fine." Bulong saakin ni Amber habang papalabas na kami ng lagusan.

Maliwanag! Nakakasilaw! Wala kaming maaninag nang lumabas kami sa ilalim ng lupa. Napapaligiran kami ng mga ilaw at hindi namin maaninag kung nassan kami. May naghihiyawan, nagpapalakpakan pa ang ila pero mas natabunan iyon ng mga hiyawan. Malakas. Maingay!

"Surprisingly we have three survivors from the STRAIGHT PATH! WOW!" Yun ang narinig ko na marahil ay narinig din ni Laurent at Amber. Tila nasa gitna kami ng isang malaking arena at hindi lang kaming tatlo ang nasa lugar na iyo, hindi lang ang mga abducted kundi maraming tao. Maraming marami...

Katapusan na ba ng mga pagsubok o ito'y hudyat pa lamang na nagsimula na ang tunay na hamon ng kapitolyo—ng Cairos.

###

The Keepers [TKS#1]Where stories live. Discover now