Epilogue

69.2K 2.4K 310
                                    

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***

Isang buwan na nang malaman kong anak ako ng hari at kapatid ko si Kaiser. Sumagi sa isip ko noon na marahil 'yon ang dahilan kaya nagpadala ng hukbo ang hari para sagipin ako. Pati nga siya at si Kaiser ay sumama.

Hindi kami makapaniwala dati nang sabihin saamin ng mag-amang Holoma na kami ang mga nawawala niyang anak. Nabanggit kong 'kami' dahil hindi lang naman ako mag-isang pinanganak sa mundo.

Walang pagsidlan ng tuwa sa aking puso habang pinagmamasdan ang magkasundong-magkasundo na sina Kaiser at Cael na abala sa paglalaro ng dama sa may veranda.

Napangiti ako, habang inaalala ko ang mga pangayayari isang buwan na ang nakararaan. Halos lumukso ang puso ko sa tuwa noon nang ibalita saamin ng mga kawal na buhay si Cael at tila wala itong alam sa mga nangyari. Nang maglaon ay nalaman naming ang dark master lang ang napuksa ng aking kapangyarihan at kasabay ng pagkawala ng dark master sa katawan ni Cael ang paglaho ng memorya nito bilang isang tenebris. Tanging ang memorya nito bilang kapatid ko ang naiwan sa kanya.

"Hoy Lara! Anong ine-emote mo diyan?" Pinutol ni Amber ang pagbabalik tanaw ko. Nasa ilalim ito ng puno sa gilid ng hardin ng palasyo kung saan natanaw kong kasalo nito sa pagkain si Silex at Jolly. Kumaway pa ito saka ako sinenyasang bumaba.

Mabilis ko namang tinungo ang pintuan ng aking silid saka tinakbo ang napakahabang hagdanan. Nakasalubong ko pa ang amang hari kasunod ng mga konseho nito. Agad akong bumati at walang pasintabing tinungo ang hardin.

Mabilis kong narating ang kinaroroonan nina Amber at Silex kung saan nakaupo ang mga ito sa nakalatag na kumot na pranela. "Hindi ba ako nakakaistorbo?"

"Mahal na prinsesa, bahay mo 'to. Baka kami ang istorbo." Pabirong sabi ni Silex bago kumagat sa hawak na mansanas.Nagpacute pa ito kay Amber habang ngumunguya.

"Hanggang ngayon ba'y mali ka parin ng hulog pagdating sa korni mong jokes?" Amber rolled her eyes. Nangangamoy asaran na naman 'to. "Palibhasa duwag manligaw." Bulong nito.

"Check!" Jolly seconde saby gumulong gulong sa damuhan.

Lihim akong natawa sa hirit ni Amber. Humagalpak kami ng tawa nang mapagtanto ng huli na narinig ko ang binulong nito sa hangin. Napakamot na naman sa ulo si Silex dahil sa pakiramdam niya'y napag-iisahan siya.

"Hey guys!" Mula sa ere ay narinig namin ang pababang si Alvis. Preskong presko parin ang itsura nito kahit na may bitbit na binalot na pagkain.

Kasunod nito si ruru na lulan si Laurent. Nalangisi ang huli nang maglasalubong kami ng tingin. Nag-I love you pa ito ng pabulong pero sinadyang mabasa ko ang mga labi nito. Hindi pa nakontento ay humirit pa ito ng isang kindat bago sila tuluyang makababa.

"Kompleto na tayo!" Sigaw ng kabababa lang na si Kaiser kasama si Cael. Halos magkarerahan ang dalawa palapit saamin.

"Nasaan na ang mga dala niyong pagkain? Gutom na kami!" Sigaw ni Amber.

"Miss Frost, hindi mo pwedeng simulan ang pagkain hanggat hindi yan naoorasyunan." Singit ng boses na paborito ni Amber. Inasahan na ni Amber ang pagsingit niya.

"Ofcourse old best friend..." bulong uli ni Amber na natigilan sa pagkuha ng pagkain kaya nakalutang ang kamay nitong may hawak na tinidor sa ere.

"May sinasabi ka Miss Frost?" Masungit na tanong ni Mistress Fhaun.

"Wala Mistress Fhaun. Sabi ko, mabuti na lang at may naiwang isa pang mystery potion noong nasa typraz tayo at naisipan kong ipainom sayo kaya himalang nabuhay ka." Pangongonsensya ng kaibigan ko. "Teka nasaan ka ba? Pakibilisan po kaso gutom na ako."

"Nasa gate na kami ng palasyo." Sagot nito. May kasama ito.

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating nga si Mistress Fhaun kasama ang isang batang nakabestida ng dilaw at may payong ding dilaw.

Nagulat ako sa nakita at biglang napalingon kay Laurent. Halos maluha-luha naman ang lalaki dahil sa nakita.

"Miranda!" Sigaw ni Laurent.

Bago pa makatayo si Laurent para yakapin ang kapatid ay mabilis nang nakatakbo si Miranda palapit dito. Halos hindi ako makahinga sa sobrang saya dahil sa muling pagkikita ng magkapatid. Nagising na mula sa mahimbing na pagtulog si Miranda.

"A-ang huling lahi ni A-arang? Oh my gosh! N-nagising na siya!" Nasambit ni Jolly na nakakapit sa kanang braso ni Amber.

"Pwede ba Jolly, huwag kang panira ng moment? Huwag ngayon!" Angil ni Amber.

"Huwag ka ngang assuming na may nakita ako sa hinaharap. Sinabi ko lang na gising na si Miranda ah? Masama?" Sagot nito sa amo.

Natawa kami sa pagtataray no Jolly kay Amber. Ilang saglit pa ay nagsimula na kaming kumain at magkwentuhan kasama si Mistress Fhaun na hanggang ngayon ay wala paring lovelife.

Napasinghap uli ako at sinamyo ko ang preskong hangin. Matagal din bago ako nakadama ng ganito kapayapa.

Ganito pala ang pakiramdam ng pagkakaroon ng mga tapat na kaibigan. Nawawala ang takot. Nabubura ang bawat pangamba. Nagkakaroon ka ng tiwala sa sarili dahil sa pagmamahal at tiwalang pinapadama nila sayo.

Amber, Silex, Alvis and Laurent made me realized what friendship, love and life means. They knew my weakness but they showed me how to overcome it with my strengths. They felt how afraid I was but they never gave up until I finally brace my faith. They witnessed my anxieties and instantly cheered me up.

I maybe the total keeper, but I could have not done it without them.

#End of Book 1

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon