38. H2H

73.8K 2.6K 303
                                    

LARA

Tanya was able to get the tail of Gemini but the Gemini chose Alvis as the recipient of the tenth. Nagkagulo ang council kung sino ang idedeklarang panalo sa academy olympics kaya hindi agad inanunsyo ang nagwagi ng araw na 'yon. Isang araw matapos ang olympics at ang selebrasyon ng anibersaryo ng academy ay wala pang resulta ang olympics at kasalukuyan pa daw pinagdedesisyonan kung sino ang tatanghaling kampeonato sa nasabing patimpalak.

Galing ako sa healing house ng academy kung saan nagpapagaling si Alvis sa tinamo nitong sugat nang marinig ko ang bulungang ang grupo nina Tanya ang pinapaboran ng council dahil nga sila ang nakahuli sa Gemini. Hindi na kami umasa ng acceleration. Basta magkakasama kami sa bawat paglalakbay, masaya na ako kahit ano pang kalabasan ng olympics. Atleast Alvis was chosen by the Gemini at lahat kami ay naiinip na kung ano ba talaga ang tenth gift na natanggap nito.

Patungo na ako sa house of monceros upang sunduin si Amber para sa group class namin nang marinig ko ang boses nito sa may landscaped garden sa harap ng Monceros. Tila may kaaway ito. Natigilan pa ako nang biglang napasigaw ang babae at tila galit na galit sa kausap.

"Huwag na huwag mo akong nginingitian ng ganyan! Nadala na ako sa mga ganyang nakakagagong ngiti mo at tignan mo kung anong nangyari? Nasaktan ako." Emosyonal na sabi ng babae.

Tiyak si Silex na naman ang kasagutan nito. Dala marahil ng pekeng 'I love you' ng lalaki para maboost ang self-esteem ni Amber sa nakaraang olympics.

"It wasn't that way Amber. I had no choice." Mahinahong paliwanag ni Silex. Marahil ay nakadistansya na naman ito sa posibleng pagsapak at pagsanpal na gagawin ni Amber.

"You had no choice? You chose to break my heart?"

Napasigaw si Silex ng malakas na "ARAY!". Nakita kong sapo nito ang tagiliran na marahil ay kinurot na naman ng malalaking kuko ni Amber.

Tinangka pang kurutin ni Amber si Silex. Hindi agad nakailag ang lalaki at nakurot nga niya nito. Nakita ko pa ang pagngiwi ng bibig ni Amber na tila gigil na gigil sa ginagawa.

"OUCH!" Reklamo ng babae kasabay ng pag-aray uli ni Silex.

"Wow! Ginantihan ba kita? Kung maka-OUCH ka huh?" Natatawang sabi ni Silex.

Gano'n ang dalawa. Kapag nag-aaway ay laging dehado si Silex sa mapanakit na si Amber. Bugbog ito sa hampas at kurot sa katawan. Masokista naman itong si Silex na tila mas gustong-gusto ang tinaganggap na atake ng babae.

"I hate you! Nabali ang kuko ko! Uhmmmp!" Gumanti pa ng isang hampas si Amber at pagkatapos noon ay sinuri ang nabaling kuko.

"Kasalanan mo! Literal ngang isa kang water witch, ang hahaba ng kuko mo."

"Diyan ka na nga! Hindi pa tayo tapos!" Amber walked out on him. Akmang dadatnan naman nito ang lugar kung saan ako nakamasid at natatawang nanonood.

"Amber." Ngumiti ako bago pa nakalapit saakin ang gulat na si Amber. Alam na siguro nito marahil na nakita ko ang away nila ni Silex.

Sinabayan ko ito sa paglalakad. Halatang dismayado nga ito dahil sa pamemeke ni Silex.

"You really like him?" It was a statement though but it sounded like a question to Amber.

Bumagal ang pace ng paglalakad nito saka napayuko. Halatang nasaktan ito sa nangyari. "Yes. I like him. Pero parang may iba siyang gusto at kapatid lang ang tingin niya saakin. Assuming kasi ako masyado. Heto tuloy..." She blurted out.

"So what are you gonna do about it?" I asked.

She shrugged. First time kong nasaksihan ang pagiging tahimik ni Amber. Masyado siguro itong nasaktan sa nangyari.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon