3. Unsafe Route

121K 4.2K 196
                                    

Ilang metro mula sa gate ay may isang tulay na gawa sa bato. Ito ang nagsisilbing lagusan patungo sa limang ruta. Sa dulo ng tulay na 'yon ay isang malaking magic circle na may markang ng mga runes o magical symbols. May hugis tala sa loob nito na binuo ng tatlong tatsulok na ginuhit ng magkakasalungat. Walang bukas na daanan at tila natatabingan ang limang ruta ng makakapal na dahon ng mga puno.

Dala ang takot na matagal nang namamahay sa aking isipan, hinayaan ko lang mauna ang iba. Halos nakapila na kami sa may tulay dahil hindi agad umapak sa magic circle ang naunang tumawid. Marahil ay pinangunahan din ito ng takot.

"Tumabi kayo!" sigaw ng isang boses maangas mula sa likuran. Napalingon kami ni Amber. Bago pa man namin mapansin kung sino ang lalaking 'yon ay nasa dakong likuran na namin siya at walang pakundangan kami nitong tinabig. "Mga duwag! Ako na nga ang mauna!" sigaw pa nito.

Nakaantabay ang lahat sa mayabang na naunang umapak sa gitna ng magic circle. Walang nangyari sa loob ng ilang segundo. Bagay na ikinalubag ng loob ko. Makalipas ang ilang minuto ay biglang umilaw ang lupa. The lights from the ground came out luminous on circular trails of the magic circle. Luminous lights released by the runes came after, red, blue, yellow, purple, green, white and more colors came out from the circular ground. Then suddenly, the branches of the giant trees that surrounded the magic circle moved, revealing an opening towards the eastern side.

"Sa pinakadulo siya pinadaan ng Magic or Wiccan Circle. That's the longest path, umiikot yan sa buong kagubatan. It's the longest but the safest path. Sana diyan tayo dalhin ng Wiccan Circle," bulong saakin ni Amber na hindi ko na tinanong kung paano niya nalaman dahil bigla na namang sumulpot sa isip ko ang mga librong binasa nito at ang kulay ube niyang pusa.

"Hindi ba sinabi sayo ni Jolly kung saan tayo mapupunta?" I asked out of curiosity.

"Jolly's power cannot infiltrate the Forest of Garon. Kaya hindi na niya alam ang mga mangyayari sa loob and all the events after that." Amber sounded disappointed, but she tried to hide it.

Sa gitna ng pag-uusap naming yun, ay hindi namin namalayang nakapasok na pala sa unang ruta yung mayabang na lalaking nagboluntaryong mauna. Sumunod ang isang batang babae na nasa edad sampu. The Wiccan Circle released the magical color of incantation again. This time the fourth and third path opened.

"Dalawa ang bumukas?" gulat kong tanong.

"Posibleng mangyari yan lalo na kung ang isang keeper ay may multiple property. The second path is also called the Road of the Clever. Yan 'yong daang punong-puno ng pagsusulit na gamit ang utak. Mga matatalinong tao ang pumipili diyan. Ang fourth path naman ay ang path of fears and illusions. The keepers with great self-drive and powerful imagination can survive that path. Pang limang path, that's the Road to nothingness. It's the road of the keepers with strong stamina. Bawal tayo diyan," Amber lectured.

"You mean, the third path is the straight path na sinabi nung archangel na huwag nating tahakin?"

"Absolutely. That's the path of death. Kaya kapag turn mo na at isa yan sa mga bumukas na daanan mo, choose any of the four paths huwag lang yan," Amber kept her tone unruffled. Then she continued, "Kung sakaling hindi tayo parehas ng daanan, promise to survive okay?"

I was moved by her kindness. I was about to make a promise nang isang ingay mula sa isa sa mga ruta ang umagaw ng atensyon naming lahat. Tumitili ang isang babae at humihingi ng saklolo. We heard her scream so loud bago ito tuluyang naputol at pinalitan ng nagngingitngit na kahol ng mga lobo. Mula yun sa third path, and tuwid na ruta. May nagtangkang tahakin ang ikatlong daanan ngunit wala pang isang minuto ay nilapa na ito ng mga gutom na lobo.

Lalo akong kinabahan at napakapit sa braso ni Amber. Naramdaman nito ang panginginig ko sa takot.

A tap on the back, that's what Amber gave me before I took my turn on the Wiccan Circle. I was counting my breath—evenly deep, shaky breathing.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon