"o? tapos na!.. kaya pwede bang tanggalin niyo na tong handcuffs na to?" inis na utos ko sa admin ng Marriage booth

"sorry ma'am pero 7 pm niyo pa po pwedeng tanggalin yung handcuffs *may binigay siyang papel* makakaalis na po kayo maam---"

"ANO!?--" pero bago pa ko tuluyang magwala hinila na ako ni Dj

"tara na baby-- may date na tayo.. masaya to! *wink*" mapuwing ka sana! 

"GUSTO KO NG MAG FB at TWITTER! tapos matulog! kaya pwede ba! magmakaawa ka dun! o kaya hanapin na natin yung susi sa place na yun!"

"baby naman! hindi pa natin makukuha yun ngayon... hanggang 7pm pa nga diba? relax ka lang---kung gusto mo-- mag fb tayo ng sabay-- tapos mag twitter din tayo tapos tabi na lang tayo matulog pwede naman yun e-- wala na tayong magagawa pang iba kasi naka posas tayo okay?" 

"Arghhh! MANIAC! na CHICKBOY! nakakainis ka!"  pinaghahampas ko siya!

"sinong nagsabi sayo na chickboy ako? at saka hindi ako maniac!" 

"CHICKBOY KA! lahat ng mga lalaki mahilig sa babae! kaya wag kang magmalinis!" 

" lilinawin ko lang sayo DELILAH BERNARDO okay? hindi ako chickboy! at saka ikaw lang talaga ang tinawag ko na baby.. promise *tinaas niya pa yung kanang kamay niya*" 

"nek nek mo! anong? promise promise! bwisit ka! di ako maniniwala jan sa promise mo!"

"Hayys.. ewan ko ba sayo Dhel.. bakit ayaw mong magtiwala sakin? mas matigas ka pa sa bato.."

"wala kang paki alam.. sawang sawa na ako sa promises! sawang sawa na akong umasa! at PAGOD NA AKONG MASAKTAN KAYA PWEDE BA!? wag kang magsalita na parang napaka dali lang magbigay ng tiwala sa isang tao! hindi mo alam kung ilang beses akong nagtiwala! kaya MANAHIMIK KA!" sigaw ko sa kanya! at hindi ako iiyak! hinding hindi na ako iiyak! 

"okay fine.. pero wag mokong sigawan.. alam kong mahirap magbigay ng tiwala.. pero mas mahirap kunin ulit yung tiwala ng isang tao... at kung sino man yang sumira ng tiwala mo... MAMATAY NA SANA SILA! kasi sila ang may dahilan kung bakit ako nahihirapan ngayon.. kahit anong gawin ko... hindi hindi ko padin makuha ang tiwala mo.. katulad mo nahihirapan din ako.. hindi lang ikaw ang nahihirapan dhel at sana alam mo yun.."

anong drama ng lalaking to? psh.

"dhel.. mahal kita.. pinaparamdam ko yun sayo pero ang manhid mo.. Hindi ko na alam ang gagawin ko.."

"simple lang.. edi tumigil ka sa pangungulit mo.."

"Dhel.. mahal kita at totoo yun.. mahirap.. pinilit kong pigilan yung feelings ko para sayo pero hindi ko kaya... hindi ko alam.. Kahit nahihirapan ako.. kahit ayaw mo sakin.. pinagsisiksikan ko padin yung sarili ko sayo.."

"tumigil ka na nga sa drama mo!" 

"Dhel... mahal kita.. mahal na mahal at gagawin ko lahat"

"di nakakatawang joke" inirapan ko lang siya.

"mukha ba akong nag jojoke?" 

"oo"

"seryoso ako dhel.. at gagawin ko ang lahat para maniwala ka ulit sa forever.... tutulungan kitang kalimutan yung past mo at ipaparamdam ko ulit sayo yung feeling na inlove."

"i don't care" 

"kaya tara na... simulan na natin tong date na to... Wag ka na munang mag Fb at Twitter.. nakaka tamad kaya yun."

"di ako aalis dito..." 

"wag nang matigas ulo baby.. date lang e.. ipagdadamot mo pa."

"basta hindi ako aalis dito! naiintindihan mo ba yun?"

"tsk tsk" umiling iling lang siya tapos binuhat ako.. ARAY! ang sakit ng kamay ko!

"ARAY!" 

"sasama ka sakin o masasaktan ka?" 

"oo na! sasama na ako! ibaba mo na nga ako! ang sakit nung posas naiipit yung wrist ko!" 

-------- sana bumilis yung oras para matapos na agad to.

Rachel's POV

gaya ng ginawa nila kela Novy, Laiza at Dhel.. ikinasal din nila kami.. at may bago silang pakulo! magdedate pa daw hanggang 7 pm! ugh! ayoko talaga ng mga dates! nakakainis! 

Ano namang gagawin ko kasama tong lalaking to? 

"Rachel tara? ice cream tayo?" niyaya ako ni Dave

"sige ikaw bahala" 

"okay--" ugh! boring

pumunta na nga kami sa Ice cream house... ayun kumain lang kami ng ice cream.. boringggg! ayoko ng boring! hindi ko hahayaang maging boring tong araw na to! at kahit kasama ko pa tong lalaking to gagawin ko lahat para lang hindi maging boring.....

Alam ko na! maglalaro kami ng LOL. (league of legends) 

at ayun naghanap kami ng cafe.. OKAY GAME! 

tae walang ka challenge challenge tong lalaking to di yata marunong maglaro.. Puro sayaw lang yata ang alam... tsk..

--------------

Author's Note

SABAW KAYO JAN! SABAW! 

huhuhu-- sorry guys // 

WATTA GIRLSWhere stories live. Discover now