{Y}

73 3 0
                                    

.......

Ang haba ng araw na to... HAHAHAHA feeling ko isang week na ang dumaan pero ang totoo 8 hrs lang naman ang lumipas. Takte yan! lagot ako kay mama pag nalaman niyang umabsent ako ngayon.. ano na lang ang sasabihin ko?

Ano idadahilan ko? na nakita ng crush ko yung panty ko? at dala ng kahihiyan nagtago ako buong araw sa garden at nakasaksi ako ng Live Break up ng couple?!... at ang  worst... yung break up pa ng crush ko at ng babaeng hobby ang ibully ako? -- teka nga? isip isip!

TING! (may bumbilya na umilaw sa tuktok ng ulo ko) sasabihin ko na lang kapag nagreport yung teachers namin na nahimatay ako sa garden at nagising ako 5 na. HAHAHAHA great idea. 

Uuwi na nga ako baka lalo pa akong pagalitan kapag 6 na ako dumating sa bahay. Hayys

-------- after an hours.

Buti na lang at naniwala si Mama sa palusot ko. Hehe ang galing ko talaga. Pero paano ko kaya haharapin si Tamayo bukas? Tsk nakaka turn off naman pala siya. OKAY hindi ko na siya crush ayoko na sa kanya...

Ngayon alam ko na yung ugali niya. Ganun pala siya.. Sa umpisa lang sweet tapos kapag sinagot mo parang wala lang. E kung si Kerwin na lang kaya ang crush ko? YUCK! erase! erase! hindi pwede! Isang malaking bangungot yun pag nagkataon! hayys. 

Matutulog na nga lang muna ako... kailangan kong mag beauty sleep HAHAHA! gaganda pa kaya ako? Syempre naman! hanggang may buhay may pag asa.. K fine. pumuputok na eyebags ko e i need to rest na talaga...

--------------------------------------------------------------------------------------------------

========================================================

Ngayong araw na to.. wala na akong makikitang Rhea.. Wala ng babangga sakin kapag nag dday dreaming ako. Wala ng mambubuli sakin. Magiging masaya na ang school days ko... Except na lang kung may makasalubong ulit akong couple na nagaaway. Tsk.

Teka?.. anong nangyayari bakit nagkakagulo sa labas ng room?

At dahil isa akong chismosa tinignan ko kung sino.. Opps? Ang watta girls nasa labas ng room... teka? anong ginagawa nila sa labas ng room namin? 

"ano? maniniwala ka pa ba sa Forever na yan! tsk..tsk..tsk Ipagdarasal ka na lang namin.. Kawawa ka naman" base sa mga nakuha kong impormasyon yung babaeng nagsasalita ngayon ay si Dhelilah... hmp! Mean...

"hindi niyo ako mapipigilan... kung gusto ko maniwala dun o hindi!!! " sigaw nung babae nakaupo sa sahig

WATTA GIRLSWhere stories live. Discover now