{L}

38 4 2
                                    

---- Mariel’sPOV

February 14... Hindi ko makakalimutan yung araw na yun...

Pinilit kong inumin yung binigay sakin ni Novy na Milk tea. Hanggang ngayong iniisip ko lang na uminom ako ng milk tea umiikot padin yung sikmura ko! gross!

Kailangan kong inumin yun... Takot ko lang kay Novy baka totohanin niya talaga yung sa baril. Ayoko pang mamatay.. mas gugustuhin ko pang mag suka buong araw.

Pinaalis muna ako nung iba kong classmate nung araw na yun.... kadiri na daw kasi ako. Suka ako ng suka.. wala ng pumupunta sa booth kaya hindi na muna ako ang nagbantay.. Yung wedding lang ni Novy at Vm yung naabutan ko.

Hehe. buti naman at nahuli nila yung Watta girls. Pero lagot talaga ako kapag nalaman na nila kung sino ang may pakana nung paghuli sa kanila at pagpilit sa kanilang maikasal.. (peace)

Actually... dun sa ibang nagpunta sa Wedding booth namin.. Kasal lang talaga ang offer.. pero Special yung ginawa ko dun sa Wedding nung Watta Girls. Hahaha planado kaya yun! ako pa.. At saka napag usapan na namin yun ni Fairy God Carlos.

teka?-- nasan na nga ba yung fairy na yun?

mahanap na nga muna! Kung san san na naman nag pupunta yun!

Ayun siya! sitting pretty lang sa bench-- kasama yung mga friends niya na fairies din yata...

"hoy! fairy god carlos! kanina pa kita hinahanap! at mukhang enjoy na enjoy ka jan ah?"

 

"ay! wait lang Mariel--ipapakilala ko nga pala sayo tong mga sisters ko."

"sige lang--"

"Siya si Alleny tapos ito naman *tapos tinuro niya yung naka cap.. Yuck! ang jejemon naman ng fairy na to* si Zyrie ang gaganda nila noh? Pero syempre mas maganda ako sa kanila--HAHAHAHA!"

"ahh... *hinila ko si Carlos palayo sa mga friend niya* carlos... may problema ako..kasi diba kahapon kinasal natin yung Watta girls dun sa mga papables...tapos baka gantihan na ako ng watta girls ngayon-- huhuhu anong gagawin ko?"

WATTA GIRLSWhere stories live. Discover now