EPILOGUE

3.1K 88 22
                                    

A/N: Hi guys, sorry kung hanggang dito nalang 'yong story ni Aya, short story lang talaga siya e, at anak niya na mismo ang magpa-patuloy nang istorya kaya naman ma-ikli lang siya. Pero 'wag kayong mag-alala, dahil kapalit nang pagta-tapos nito ang pagsi-simula nang kuwento nang mga anak nila. Salamat sa pag-suporta! ^.^

---

( Peter's POV )

Love

"Ako, si Aya Garcia Lee. Ang Mommy ni Patricia Garcia Lee at asawa ni Peter Lee. Hindi ako perpektong tao, pero kaya kong patunayan kung gaano ko ka-mahal ang pamilya ko. Siguro naka-gawa ako nang masama sa maraming tao, nasaktan ko ang kaibigan ko. Nasaktan ko ang mahal niya at ang taong naka-paligid sa kanya. Pero kahit ganoon, imbis na pagsi-sihan ang lahat, nagpapa-salamat ako kasi dahil doon, na-mulat ako sa ka-totohanang mahal pa rin ako nang taong pinag-tabuyan ko maraming taon na ang lumipas. Malungkot man ang buhay ko, sumaya naman ito nang ma-tagpuan ko ang taong ta-tanggap sa'kin kahit ganito ako. Binigyan niya nang kulay ang buhay ko. Kasama ang magiging anak namin. Kaso, sa pakiramdam ko palang, mawa-wala na yata ako sa oras na matapos ang panahon nang paghi-hintay namin pareho. Kaya kung naba-basa man ito nang anak ko. Siguro wala na ako."

Napa-tingin ako kay Patricia na naki-kinig lang sa pagsa-salita ko. Ngumiti ako sa kanya at itinabi na ang papel kung saan isinulat ni Aya ang gusto niyang malaman nang anak namin tungkol sa kanya.

"Daddy, ilang beses mo na 'yang na-basa sa'kin pero hindi mo pa rin sina-sabi sa'kin kung sino 'yong mga na-saktan ni Mommy noon." si Patricia at sumimangot

"Pat, hindi pa ito ang tamang panahon para ipa-kilala ko sila sa'yo. At isa pa, malayo tayo sa kanila. Nandito tayo sa U.S. at nasa Pilipinas sila. Kahit na ipa-kilala ko sila sa'yo, hindi mo sila maki-kilala sa personal. U-uwi din naman tayo doon. Sa Birthday mo at Birthday niya rin, na Anniversary namin ng mommy mo at nang Death Anniversary niya." sambit ko at na-lungkot lalo

Its been 14 years, simula nang mangyari ang lahat.

Sa kaarawan ni Aya, ipinanganak si Patricia. At i-kinasal kaming dalawa. Pero sa hindi ina-asahang pangyayari, namatay siya.

Nawala siya sa iisang araw na ipinanganak niya ang anak namin.

Hindi ko lubos ma-isip na sa isang iglap, nawala nalang siya bigla sa tabi ko.

Hindi ko na siya ma-hawakan. Hindi ko na siya ma-ramdaman..

Na para bang pinag-kait sa'kin nang mundo na makasama 'yong taong mahal ko. Pinagkait sa'kin nang mundo, na maging pamilya kami.

"Daddy, kung sakali po bang nalaman niyong mawa-wala si Mommy kapag ipinanganak niya ako, pi-piliin niyo po ba siyang ma-buhay kesa sa'kin?" si Pat at seryoso akong tiningnan

Alam kong nagda-dalaga na ang anak ko at mas nagiging agresibo na siya sa mga bagay-bagay. Pero ang tanungin niya ako sa bagay na 'yan ay hindi ko alam kung bakit pumasok pa 'yan sa isip niya.

"Bakit mo naman na-tanong 'yan?"

"Wala lang po, gusto ko lang pong malaman dahil ayaw ko naman pong mabuhay nang hindi nala-laman kung gu-gustuhin niyo po ba akong ma-kasama o si Mommy nalang."

Ngumiti ako sa kanya at ginulo ang buhok niya.

"Kahit kailan hindi ko inisip na may mawa-wala sa inyong dalawa. Pero hindi ko naman mapi-pigilan ang tadhana para kunin niya ang Mommy mo sa'kin." sambit ko

Ngumiti naman si Patricia sa'kin at niyakap ako.

"'Wag kang mag-alala, Daddy. Hinding-hindi kita i-iwan kahit pa ipag-tabuyan mo ako balang araw." sabi nito

Napa-ngiti naman ako at hinalikan ang noo niya.

"Hinding-hindi ko rin maga-gawang ipag-tabuyan ang nag-iisa kong anak." sambit ko

Kahit wala na si Aya, siya pa rin ang ma-mahalin ko hanggang sa huling hininga ko.

I love her. More than anything I have.

I love her. Kahit saglit ko lang siyang na-kasama.

I will always love her..

Even if this is the end of our love.

THE END

🎉 Tapos mo nang basahin ang The End Of Our Love ( Aya's Story ) ( COMPLETED ) 🎉
The End Of Our Love ( Aya's Story ) ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon