Chapter 07

2.7K 86 11
                                    

Kaibigan

"Wala na tayong maga-gawa pa para iligtas ang kompanya, Aya. Kailangan na nating isuko lahat nang mayroon tayo. Pati ang mga investors natin uma-atras na. Hindi na natin kayang ilaban pa 'to." si Mommy

Umi-iyak ako habang naka-tingin sa kanila.

"Mom, Dad, bakit kailangang mangyari sa pamilya natin 'to? Hindi naman tayo naging malupit sa ibang tao. Bakit kailangang ganito?" sambit ko

Simula kasi noong araw na 'yon, halos ma-walan na kami nang pera sa kaka-bayad sa mga investors na bina-bawi ang mga shares nila sa kompanya.

Binenta na din nina Mommy at Daddy ang mga iba naming lupa sa probinsya. Pati mga kasambahay namin pina-alis na nila dahil wala na kaming iba-bayad sa kanila.

Pati na din ang mga kotse ay binenta na nina Mommy dahilan para wala na akong masa-sakyan pa-punta sa school.

Kaya ang ginawa nalang nina Mommy, ipina-lipat nila ako sa private school na malapit lang sa bahay namin. At kung saan nag-aaral si Peter.

Hindi ko na sinabi kina Mommy na doon siya nag-aaral dahil baka ma-hirapan pa kami lalo kapag sa malayo nila ako pinag-aral. Pati 'yong mga alahas at mamahalin naming gamit, nai-benta na para lang may makain at makapag-simula ulit kami panibagong negosyo.

Nagla-lakad ako ngayon pa-punta sa bago kong school. Naka-yuko lang ako dahil panay ang tingin sa'kin nang mga taong ka-kilala namin na nagta-taka din sa bigla naming pagka-bankrupt.

Napapa-tingin din sila sa suot kong damit na halatang nagmu-mukha akong mahirap.

Nang maka-pasok ako sa campus ay kitang-kita ko ang pandidiri nang mga tingin nila sa'kin. Mabilis akong nag-lakad dahil naramdaman ko na naman ang luhang tumulo sa pisnge ko.

Ang dami na naming problema. At hindi ko alam kung sino ang si-sisihin ko sa lahat nang ito. Dahil simula din nang araw na 'yon hindi na nagpa-kita sa'kin si Peter.

Hindi na siya tumawag o nag-text man lang. Para bang kinalimutan niya na lang ako bigla?

Kina-hapunan ay pa-uwi na sana ako nang bigla nalang akong may naka-banggang magandang babae.

"Ano ba naman 'yan!" inis niyang sigaw

 "Sorry.." naka-yukong sabi ko

"'Wag kang yumuko." bigla niyang sabi

Tumingin ako sa kanya dahil mukhang mabait siya. Na-gulat pa nga ako nang sabihin niyang gusto niya akong maging kaibigan. Akala ko dahil sa pagiging nerdy ko, hindi na ako makaka-kilala nang taong magiging karamay ko.

Pero si Kyla 'yong naging kaibigan ko sa school na 'to.

The End Of Our Love ( Aya's Story ) ( COMPLETED )Where stories live. Discover now