Chapter 08

3K 73 19
                                    


Bigat

Lumipas ang ilang buwan at mas naging close kami ni Kyla. Dahil din sa kanya ay na-kilala ko si Troy, ang lalaking hina-hangaan ko nang sobra. Sa kanya ko kasi naki-kita ang lalaking minsan ko nang pinangarap na maging akin.

'Yong badboy pero sweet. 'Yong suplado pero mabait. Wala na akong ibang ma-sabi tungkol sa kanya, minsan pa nga ay natu-tulala nalang ako kapag nandiyaan siya.

Kaso nang ma-kilala ko siya lalo, doon ko na-laman na kilala niya pala ang taong kinamumuhian ko nang sobra at ayaw ko nang makita.

"Aya, si Peter nga pala, kaibigan ko." si Troy nang ipa-kilala niya sa'kin lahat nang kaibigan niya 

Sa araw na ito ay wala si Kyla. Mukhang mag-kasama pa yata sila ni Dale ngayon, 'yong nanliligaw sa kanya na kaibigan din ni Troy. Inabot ni Peter sa'kin ang kamay niya sabay ngiti.

"Nice to meet you, Aya." aniya na para bang hindi niya talaga ako kilala

Tinaasan ko lang siya nang kilay at kumapit na sa braso ni Troy.

"Troy, samahan mo muna ako sa canteen." sambit ko at ngumiti

Agad naman akong tiningnan ni Troy at nginitian.

"Sige, tapos hanapin na muna natin si Kyla." aniya

Agad naman akong tumango at hinila na siya paalis doon. Nag-uusap na 'yong ibang kaibigan ni Troy pero si Peter ay na-natiling naka-tingin sa akin. Inirapan ko lang siya at hindi na nilingon pa ulit.

Hindi ko alam pero parang naging lutang ulit ang isip ko. Na-ligaw na naman ang landas nito at hindi na ako makapag-isip nang matino.

"Hayst! Nakaka-inis naman e!" halos  sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa pag-iisip 

Hindi ko kasi ma-intindihan kung bakit ako nali-lito. Nata-takot na kasi ako.

Nata-takot akong bumalik ang lahat nang nara-ramdaman ko kay Peter sa oras na maging malapit ulit ako sa kanya.

"Aya,"

Nanigas nalang ako sa kinata-tayuan ko nang marinig ko ang pamiliar na boses. Hindi ako gumalaw at na-natiling naka-talikod dito.

"Aya, puwede ba tayong mag-usap." aniya nang dumiretso ito sa harapan ko

Nag-iwas naman ako nang tingin dito.

"Para saan naman ang pag-uusapan natin? Akala ko ba hindi tayo magka-kilala? May paabot-abot ka pa nang kamay kanina." parang nai-inis kong sabi pero hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko

Para akong may pinag-halong galit at tampo sa nara-ramdaman ko. Hindi ko na talaga alam!

"Aya naman, ginawa ko 'yon kasi alam kong ayaw mo akong makita sa mga panahong 'to. Oo may malaki akong kasalanan sa'yo pero sana naman intindihin mo din 'yong sitwasyon ko. Hindi ko ginustong gawin 'yon sa pamilya mo. Lalo na sa'yo." aniya 

Tinaasan ko lang siya nang kilay.

"Talaga lang ah? Hindi ginusto pero hindi mo man lang pinigilan ang mga magulang mo sa pagpapa-bagsak sa kompanya nang pamilya ko! Alam mo bang dahil sa ginawa mo, halos mag-hirap kami nang sobra dahil sa dami nang utang?! Nawala ang lahat nang kayamanan namin at tanging bahay nalang namin ang nati-tira! Nang dahil sa pamilya mo nawala ang kaligayahan at pinag-hirapan nang pamilya namin! Nagsi-sisi nga ako kung bakit pa kita na-kilala at minahal." galit kong sabi sa kanya

Kitang-kita ko ang sakit sa mata niya pero hindi ko na 'yon pinansin. Wala akong pakialam kung masaktan siya sa mga sinabi ko, gusto kong ipa-ranas sa kanya ang hirap na pinag-daanan ko dahil sa ginawa niyang pagsi-sinungaling.

"Kung 'yan ang ikinaga-galit mo, iba-balik ko sa'yo lahat nang nawala. Patawarin mo lang ako, Aya." aniya at hinawakan ang kamay ko

"'Wag na. 'Wag mo nang i-balik ang mga kinuha mo na. Ayaw ko nang bawiin pa 'yong bagay na ni-nakaw nang pamilya mo. Ako nalang ang ga-gawa nang paraan para mai-balik ang dating sa'min. Ako ang ga-gawa nang paraan para guminhawa ulit ang pamumuhay namin. Hindi ko kailangan ang tulong mo at 'wag ka na ding umasang mapa-patawad pa kita." sambit ko at agad na binawi ang kamay ko sa kanya

"Aya naman, alam mo naman kung gaano kita ka-mahal--"

"Mahal? Pagma-mahal ba 'yong pagsi-sinungaling? Kung mahal mo talaga ako, e 'di mo sana ginawa 'yong bagay na hindi ko gusto. Kaya puwede ba, Peter, mag-panggap nalang tayo na hindi tayo magka-kilala. At 'wag ka nang la-lapit sa'kin ulit dahil ayaw ko nang magka-roon pa nang kahit anong koneksyon pa sa'yo." sambit ko at agad nang umalis doon

Pero habang nagla-lakad ako paalis. Ramdam ko 'yong hapdi.

'Yong bigat sa puso ko.

( End Of Flashback )

The End Of Our Love ( Aya's Story ) ( COMPLETED )Where stories live. Discover now