Chapter 04

2.8K 89 6
                                    

Boyfriend

Tatlong buwan ang lumipas. At gaya nga ng sabi niya, hatid-sundo niya ako. Nagta-taka na nga si Mommy dahil lagi kaming mag-kasama ni Peter.

"Ikaw ah, baka ma-laman ko nalang buntis ka na." si Mommy

"Mommy! Buntis agad? Hindi ba puwedeng mag jowa muna?" biro ko

Kinurot naman ako nito sa tagiliran.

"Ikaw ah, kapag nag boyfriend ka, 'yong matino naman at talagang mahal ka." aniya

"Opo. Ako pa ba." sabi ko sabay ngiti kay Mommy

"Ma'am Aya, may nagha-hanap po sa inyo sa labas." biglang sulpot ng isang kasambahay namin

"Ah sige, Mommy tingnan ko lang po kung sino ah." paalam ko

"Okay." aniya at nginitian ako

Nagmama-dali akong lumabas ng gate at napa-tigil nalang ako ng makita ko si Peter na naka-talikod sa'kin.

"Peter?" nagta-takhang tanong ko

Agad naman itong humarap sa'kin na may ngiti sa mukha.

"Hi, Aya. Flowers for you." aniya at inabot sa'kin ang isang bouquet of flowers

Nag-aalangan kong kinuha iyon at ngumiti sa kanya.

"Thank you."

"Ah, may ga-gawin ka ba ngayon?" aniya

Napa-isip naman ako kung mayroon ba akong ga-gawin. Tapos ko na naman 'yong mga assignments ko 'tsaka projects ko.

"Wala." sambit ko sabay ngiti

"So, puwede tayong mag-date?" naka-ngiti niyang sabi

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya

"H-Huh? D-Date?" 

"Ah, I mean, labas tayo. 'Yong parang date ng mag-kaibigan?" aniya at nag-kamot ng ulo

May kuto ba siya? Char.. Pero date ng mag-kaibigan ba 'yong sabi niya?

Baka naman magka-ibigan 'yon? Siguro may ganoon nga.

"Sige ba. Saan ba tayo?" tanong ko

"Manood na muna tayo ng cine, kung gusto mo?" naka-ngiting aniya

Mas lumapad naman ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

"Sige ba! 'Yong horror ah?"

Kitang-kita ko kung paano dahan-dahang na-pawi ang ngiti niya. 'Wag mong sabihing nata-takot siya sa horror movies?

"Hoy! Okay ka lang?" naka-ngising tanong ko sa kanya

Tipid naman siyang ngumiti.

"I'm fine. Sige na, mag-handa ka na." aniya

Ngumiti naman ako sa kanya at agad nang pumasok sa bahay para makapag-ayos sa kuwarto. Dapat maganda ako. Para naman magandahan din siya sa'kin.

Lumabas ako ng bahay suot ang paborito kong floral dress at flat shoes.

"Peter!" tawag ko sa kanya

Naka-talikod kasi ito sa'kin ngayon. Nang lumingon siya sa'kin ay naka-ngiti lang siya.

"Ready?" tanong niya

Tumango lang ako at sumunod na sa kanya pa-punta sa kotse niya.

Pinag-buksan niya ako ng pinto kaya agad na akong pumasok. Umikot naman siya sa driver's seat at pina-andar na ang makina ng kotse. Buong biyahe pa nga akong naka-ngiti e.

The End Of Our Love ( Aya's Story ) ( COMPLETED )Where stories live. Discover now