Chapter 10

1.8K 60 8
                                    

Baby

"Happy Birthday, Aya." si Peter nang lumipas ang isang buwan

"Thank you, Peter." sambit ko at niyakap siya

Malapit na akong manganak, hindi ko nga alam kung kailan. Mas gusto ko kasing magulat kung kailan kesa maging handa.

"Baby, birthday ni Mommy oh. Sipa ka naman." si Peter at hinawakan ang tiyan ko

"Peter, para ka talagang baliw. Ako 'yong mata-tamaan tapos ikaw pa 'yong sa-saya." sambit ko

Ngumiti naman siya sa'kin dahilan para lumiit ang singkit niyang mata.

"Sorry naman, gusto ko lang maramdaman si baby." aniya at niyakap ako mula sa likuran

"Mas mabuting bumaba na tayo, baka pagalitan tayo nina Mommy at Daddy kung sakaling hindi pa tayo bumaba." sambit ko

Mabilis ang panahon kaya naman mabilis din ang pag-tanggap nina Mommy at Daddy kay Peter..

Sabi pa nga nila na pagka-tapos kong manganak, magpa-pakasal na kami ni Peter para naman hindi lumaki sa magulong mundo ang anak namin.

Pababa na kami nang bigla akong maka-ramdam nang hilo.

Napa-hawak ako sa'king sintido dahilan para mag-alala si Peter.

"Ayos ka lang ba?" aniya at hinawakan ang siko ko

Tumango ako sa kanya at ngumiti.

Matagal ko nang nara-ramdaman ang pagkaka-hilo ko at paninikip nang dibdib. Hindi ko alam pero mukhang dahil lang naman ito sa pagbu-buntis ko.

Nang nasa harap na kami nang hapag ay abot langit ang ngiti nang mga magulang namin ni Peter.

"Gustong-gusto ko nang makita ang apo ko." si Mommy

"Ako nga din e." ang Mama ni Peter

"Kailan ba lalabas ang cute kong apo?" si Daddy na nakipag-tawanan sa Papa ni Peter

Napapa-ngiti nalang din ako dahil sa sayang naki-kita ko sa pamilya namin.

"Baby, excited na ang lahat na makita ka." si Peter at hinawakan ang tiyan ko

Hinawakan ko din ang kamay niya at ngumiti. Para sa'kin, 'yong birthday ko, normal nalang na araw.

Kasi 'yong normal na araw ko simula nang nag-sama kami ni Peter, naging masaya na.

Hindi ko alam kung may hi-hilingin pa ba ako kung sakali.

Habang kumakain sa hapag ay nara-ramdaman kong kumi-kirot ang tiyan ko.

"Aray.." mahina kong bulong at napa-hawak sa tiyan

Inatras ko ang upuan ko dahil baka nai-ipit lang ang mala lobo kong tiyan. Pero nang ginawa ko 'yon ay mas lalo lang itong sumakit.

"A-Aray.." napa-lakas na ang pagkaka-bigkas ko doon kaya naman agad na akong nilingon ni Peter

"Bakit Aya? Anong masakit?" tanong nito

Agad na napa-tigil sa pag-kain at pag-uusap ang mga magulang namin.

"P-Peter, a-ang sakit n-nang tiyan k-ko." sambit ko at halos mapa-pikit na sa sobrang sakit nang tiyan

Kasunod noon ay na-ramdaman ko nang may kung ano ang dumaloy sa hita ko. Nang tingnan ni Peter ang paa ko ay nanlaki nalang ang mga mata nito.

"D-Dugo.. M-Manganganak ka na?!" sigaw niya

Agad na nataranta ang lahat at pinatawag ang driver para isugod ako sa ospital. Lumakas naman ang kabog nang dibdib ko dahil mukhang hindi maganda ang mangyayari. Agad akong binuhat ni Peter at itinakbo pa-punta sa labas.

Nang nai-pasok niya ako sa kotse ay agad siyang tumabi sa'kin.

"Aya, relax ka lang. Tiisin mo muna ang sakit, okay?" aniya nang umandar na ang kotse

Huminga ako nang malalim at hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Peter.

"P-Peter, p-puwede bang magpa-tawag ka nang pari?" sambit ko

Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"B-Bakit?" 

"G-Gusto kong i-kasal tayo agad k-kapag lumabas na si baby." sambit ko at halos ma-iyak

Ewan ko kung bakit ko sina-sabi ang mga bagay na ito. Gusto ko lang maka-sigurado kung sakaling may mangyaring masama sa'kin.

"S-Sige, pero sa ngayon, isipin mo muna 'yong baby, okay?" aniya at niyakap ako

Kasabay naman noon ang pag-tulo nang luha ko. Kaya kong tiisin ang sakit nang panganganak. Pero hindi ko kayang tiisin ang pakiramdam na mukhang mawawalay ako agad sa kanya.

Nang maka-rating kami sa ospital ay medyo nanla-labo na ang pangingin ko. Sa delivery room ako dumiretso kasama si Peter sa loob. Hina-habol ko din ang bawat hininga ko sa bawat ere na bini-bitawan ko.

"Sige pa Misis, kaunti nalang." sambit nang Doktor

Malakas na ere ang binitawan ko at kasabay noon ang pag-pisil ko sa kamay ni Peter. Alam kong nasa-saktan siya sa gina-gawa ko pero wala naman akong choice dahil kailangan ko nang i-labas si baby.

Ilang minuto pa ang lumipas ay na-rinig ko na ang iyak nang baby ko.

"Congratulations, you have a baby girl!" anunsyo nang Doktor

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at tiningnan si Peter na naka-titig lang sa baby.

Napa-ngiti naman ako dahil sa reaksyon niya. Pero pagka-tapos noon ay hindi ko na namalayang napa-pikit na pala ako.

Nang magising ako ay ma-ingay na ang buong kuwarto, at si Peter sa tabi ko.

"Nandito na ang pari na pinapa-punta mo. Ika-kasal na tayo." si Peter

Tipid akong ngumiti sa kanya at medyo nanghi-hina pa rin. Hindi ko na nasundan pa ang pangyayari dahil wala pa akong lakas.

Na-ramdaman ko nalang ang halik ni Peter sa labi ko at ang ngiti nito.

Tiningnan ko ang kamay ko na may singsing na.

"Salamat, Peter." sambit ko

Hindi nag-tagal ay hinatid na nang nurse ang baby namin at tinanong kung anong ipa-pangalan namin dito.

Nasa tabi ko na ang baby habang hawak ang maliit nitong kamay.

"Patricia.. Patricia Lee." sambit ko at tiningnan si Peter

Nang lumabas ang nurse ay agad kong hinalikan sa ulo si baby Patricia at hinalikan ang kamay ni Peter.

"Mahal na mahal kita Peter. Kayo nang anak natin. Sana, kapag na-tapos na ang oras na ito, hindi mo ako maka-kalimutang i-kuwento sa anak natin. Alagaan mo siya, Peter. Alagaan mo ang nag-iisang prinsesa natin." sambit ko habang tumu-tulo ang mga luha

Nakita ko ang pag-kunot nang noo ni Peter pero agad lang akong ngumiti sa kanya at sa sandaling 'yon ay kumi-kirot na ang sintido ko at nara-ramdaman ko rin ang pag-hina nang tibok nang puso ko.

At sa huling pagkaka-taon, hinalikan ko ang kamay nang anak ko.

"Paalam baby, Patricia. Mahal na mahal ka ni Mommy." sambit ko at hinayaan nang pumikit ang mga mata at ang tuluyang pag-hina nang puso

Dito man ang hangganan nang lahat, hinding-hindi ko pinagsi-sisihang minahal ko ulit ang taong nagpa-ramdam sa'kin na importante ako.

The End Of Our Love ( Aya's Story ) ( COMPLETED )Where stories live. Discover now