Chapter 06

2.3K 76 6
                                    

Pamilya Lee

Nandito kami ngayon sa opisina ni Daddy, may meeting kasi sila kaya sumama ako dito dahil gusto kong malaman kung sino ba talaga ang kalaban nila. Nalaman kasi ni Daddy na dating investors nang kompanya ang kuma-kalaban sa kanila, kaya mas pinili kong sumama dahil kung sakaling malaman ko na, kaya ko nang lumaban para sa pamilya ko.

Hindi ko ha-hayaang bumagsak ang kompanyang pinag-hirapang itayo nang pamilya namin 'no.

Nasa conference room na sila Mommy at Daddy ngayon habang nasa opisina naman ako ni Daddy. At dahil wala akong magawa, agad kong tinawagan si Peter para naman may magawa ako habang mag-isa ako dito.

"Hello?" 

Napa-kunot ang noo ko dahil parang bumu-bulong pa siya nang sagutin niya ako.

"Nasaan ka? Ba't ka bumu-bulong?" tanong ko

"A-Ah, k-kasi m-may meeting sina Mommy at Daddy ngayon at pina-sama ako kaya kailangan ko muna itong ibaba dahil baka mapa-galitan ako." aniya pero pa-bulong pa rin

"Ah, ganoon ba. Sorry, mamaya nalang ako ta-tawag ulit--" hindi ko na na-tapos dahil na-putol nalang bigla ang linya

Napabuntong-hininga naman ako dahil pati siya busy.

Isinandal ko ang ulo ko sa sofa at pi-pikit na sana nang bigla nalang may tumunog.

Akala ko phone ko 'yon pero napa-kunot nalang ang noo ko nang malaman na phone 'yon ni Daddy. Mukhang na-iwan niya at baka importante 'yong tawag kaya kailangan ko 'tong ibigay sa kanya.

Agad akong nag madaling kunin ang phone at tumakbo pa-punta sa conference room. Mabuti nalang at hindi masyadong malayo.

Bu-buksan ko na sana ang pinto nang maka-rinig ako nang sigawan.

"Niloko mo kami! Okay lang sana kung kami lang ang pina-ikot mo pero bakit pati ang anak namin?!" rinig ko ang sigaw ni Daddy

Napa-kunot nalang ang noo ko nang may pamiliar na boses akong na-rinig.

"Minahal ko naman talaga si Aya e! Hindi ko lang inakala na kayo pala ang kalaban nang pamilya namin, kaya wala rin akong maga-gawa para hindi siya saktan!"

Gusto kong umatras at mag kunwaring wala akong na-rinig. Pero may pumi-pigil sa'kin. Sobra na ang kaba ko kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tiningnan kung siya nga ba ang na-rinig ko o nagkaka-mali lang ako.

At sana nagkaka-mali lang ako.

Pero..

"P-Peter?" 

Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang lingunin niya ako.

"A-Aya, l-let m-me explain." na-nginginig niyang sabi

"E-Explain? S-Sige, makikinig ako." sambit ko kahit na gusto ko nang sumabog

Na-una nang tumulo ang luha ko bago mag-salita si Peter.

"Bago ako mag-paliwanag, tandaan mong m-mahal na mahal k-kita, Aya."

Napa-hikbi na ako dahil sa sinabi niya. Bakit iba ang dating nang sinabi niya?

Bakit parang..

"A-Anak ako nang k-kalaban nang Daddy mo sa n-negosyo. P-Pero h-hindi kita p-pinag-laruan, okay? Mahal na mahal kita at ayaw kong mawala ka sa'kin. Hindi naman ako kasali sa plano nina Mommy at Daddy--"

"Peter!"

Napa-tingin ako sa matandang babae na sumigaw sa likuran ni Peter. Siya siguro ang Mommy ni Peter.

"Mom! Please hayaan mo muna ako!" si Peter nang lingunin ang mommy niya

"No! Hindi ko ha-hayaang maging karelasyon mo ang anak nang kalaban natin! Ga-gamitin ka lang niya para hindi bumagsak ang kompanya nila!Mangga-gamit sila, Peter." sigaw nito at hinigit pa-layo sa'kin si Peter

Sunod-sunod pa ang tulo nang luha ko habang tinitingnan sina Mommy at Daddy.

"Wala kang karapatan para sabihing Mangga-gamit kami lalo na ang anak ko! Kung hindi dahil sa'min ay hindi mabu-buhay ulit ang kompanya niyong matagal nang nawala!" sigaw ni Mommy

Napa-yuko nalang ako dahil hindi ko na alam ang iisipin ko.

"Talaga lang ah? Bakit noong nalaman niyong mahi-higitan na namin ang kompanya niyo, gusto niyo na agad na mag invest ulit kami sa inyo. Hindi ba pangga-gamit ang tawag doon?" galit na sabi nang Mommy ni Peter

Hindi ko na kinaya kaya agad akong tumakbo palabas.

Na-rinig ko pa ang tawag nila sa'kin pero hindi na ako lumingon pa sa kanila.

Masyado akong nagpaka-tanga kay Peter. Hindi ko siya kinilala kaya pati pamilya ko, na-damay na.

Akala ko ba siya na? Akala ko ba kami talaga? Pero bakit ngayon, nasa-saktan ako nang dahil sa kanya?

Bakit Peter? Bakit mo 'to na-gawa sa'kin?

Hindi ko na alam kung kamumuhian ko ba ang pamilya Lee. Hindi ko alam kung mapapa-tawad ko pa ang mahal ko.

Hindi ko na alam ang ga-gawin ko.

The End Of Our Love ( Aya's Story ) ( COMPLETED )Where stories live. Discover now