Chapter 11

275 16 0
                                    

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa dance studio dahil late na ako ng 5 minutes. Baka magalit na naman sakin 'yung epal na Jaxon na 'yon!

Bigla na lang sumagi sa isip ko 'yung mga sinabi sa akin ni Van. Ay jusko! Bahala na!

Eto na! Nakaharap na ako sa pinto ng studio. Pagkabukas ko ay naka-tingin silang lahat sa akin. Lahat sila. Lahat.

Pati na rin si epal na nakatayo sa gitna ay naka-tingin sa akin. Hindi lang basta tingin. Masamang tingin na anytime ay pwedeng manakmal.

"Ay sorry sorry. Medyo traffic sa tulay e." Naglakad akong nakayuko papunta sa pwesto nila kung saan sila lahat naka-indian-sit. Tumabi ako kay Tophi.

"What is the number 1 rule? Can anyone say it aloud?!" Nagulat ako sa lakas ng boses ni Jaxon. Napatingin ako sa kanya kasi alam kong nakatingin siya sa akin. Oo, galit siya.

"No lates. Late comers will clean the studio for 1 week before and after the class." Sigaw noong lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay Francis ang pangalan.

Tangina? Wala namang nagsabi sa akin na bawal ma-late dito. At isa pa, 5 minutes lang naman 'yon, first time ko lang naman ma-late ngayon!

Mas lalong sumama ang tingin sa akin ni Jaxon.

"Pero 5 minutes lang naman akong late at first time lang to! Kasalanan ko ba kung bakit traffic sa tulay? Kasalanan ko ba na ang bagal umusad ng mga sasakyan sa tulay?!" Sigaw kaya lahat ng nandito sa studio ay naka-tingin sa akin.

"I don't care. Rules will be rules." Mahinahon niyang sabi pero naka-tingin pa rin siya sa akin. Inirapan ko siya.

"Excuse me?! Hindi ko naman kasi alam yung rules na 'yan at walang nakapag-sabi sa akin na bawal pala ma-late ngayong first meeting!" He looked away. Hindi niya pinansin ang sinabi ko! Nakakagigil siya. Nakakaines talaga ang epal na 'to kahit kelan.

"Follow him na lang. I'll help you later Shaz. Just be a good girl." Naka-ngiting bulong sa akin ni Tophi kaya nabigyan ko na lang siya ng plastic na ngiti dahil naiimbyerna pa rin ako sa epal na nasa harap.

Tangina lang talaga!

"Like what I've said earlier. We are going to have a special number for the upcoming seminar this coming monday and we have today, tomorrow, and sunday for the practices." Kalmadong-kalmado pa siya sa pagsasalita niya. Sana lang ay pagsakluban siya ng langit at lupa ngayon din! Naiines talaga ako sa pagmumukha niya!

Sinubukan kong makinig sa kung ano-ano pa niyang sinasabi sa harap pero unti-unti ko na siya chinochopchop at ginigilitan ng leeg sa isipan ko!

Nakakaimbyerna!

"Wow! Ang bilis naman makakuha ng steps ni Shazrene." Naka-ngiting sabi ni Francis kaya nagtinginan silang lahat sa akin habang sinasayaw ko yung kakaturong steps lang ni Angge.

Medyo nahiya tuloy ako.

"Shaz na lang itawag mo sakin Francis." Tumango siya at nginitian ko siya.

"Pansin ko lang Shaz ang init ng dugo sa'yo ni President."

Tumawa ako. "Well it's mutual." At tunawa rin si Francis. Mabilis kong napakalagayan ng loob si Francis dahil ang lakas din ng sense of humor niya.

"Sino gusto niyong ipang-front natin sa ending? Isang girl lang." Sigaw ni Angge. "Well, I'll vote for Shaz." Dagdag niya.

"Go for Shaz!" Sigaw ni Tophi at kinindatan niya ako.
"Shaz also." Sigaw din ni Francis at kasabay niya si Lean, Rm at Kate.

Sunod-sunod din na nag-taas at humiyaw ang natitirang members ng dance troupe.

Love Finds Me (#Wattys2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon