Chapter 10

249 15 0
                                    

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang binulong ng gagong lalaki na 'yon na easy to get daw ako! Kapag talaga nakita ko 'yon   gigilitan ko siya gamit ang nail cutter! Nakakaines! Nakakabwisit!

Kung narinig lang 'yon ni Van panigurado itunuloy na ng dalawa ang sapakan na muntik ng mangyari noong nandoon kami sa bahay nila Chloe.

At buti na lang talaga at ako lang ang nakarinig ng sinabi ng gagong Jaxon na 'yan. Nakakapanggigil talaga!

"Uy Shaz?"

"O-oh ano?" Tinaas ko lang yung dalawa kong kilay.

"Nakikinig ka ba sakin?" Pagtatanong ni Chloe.

"Ano ba sinasabi mo?"

"Aish! Kaasar to! Wag na nga!" Pagmamaktol niya. Hindi ko naman kasi talaga alam kung anong sinabi niya dahil busy ako sa pagpatay kay Jaxon sa isip ko.

I-reready ko na ang nail cutter ko!

Umirap-irap lang sakin si Chloe at hindi na niya itinuloy yung sasabihin niya dahil hindi naman daw ako nakikinig at wala naman daw akong interes. Ha-ha!

"Hinatid ka ba ni Van?"

Tumingin ako sa kanya at kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"I texted him. Sabi ko walang maghahatid sayo." Ay kaya naman pala bigla-bigla na lang siyang lumilitaw na parang kabute e.

"Kaya ko naman mag-commute mag-isa eto naman inistorbo mo pa si Van." Sabi ko kay Chloe.

"Wala lang daw yon sa kanya." Aniya at kinuha niya ang cellphone niya at nakipag-text kay David.

"Kahit na no. Nakakahiya." Hindi na niya ako pinansin bagkus ay mas lalo niyang itinuon ang sarili niya sa cellphone niya at pakikipagtext kay David.

Si Ara? Ayon, sabi niya okay na daw si Tita Aira pahinga lang daw ang kulang. Kasama niya ngayon ang lokong boyfriend niya na si Tristan sa library dahil may reference chuchu na kailangan daw si Tristan kaya sinamahan naman nitong si Ara.

"Goodmorning Shazy." Naka-ngiting sabi ni Van kaya naman nginitian ko din siya. Talagang consistent 'yang pagtawag niya sakin ng Shazy ah.

"Goodmorning man."

"Ganyang mga ngiti gusto kong nakikita tuwing umaga eh. Pwede isa pa? O dalawa na kaya?" Hinampas ko lang bahagya si Van at tumawa lang ako dahil sa sinabi niya.

"Loko." Sabi ko at tumabi siya sa tabi ko. Vacant kasi namin ngayon kaya nandito kami sa Heroes Park at tumatambay.

"Shazy.." Tawag niya sa akin kaya lumingon ako. "Hmmm?"

"Let's have a dinner later. No, buts." Kumindat siya sa akin at nagmartsa palayo sa akin.

Ang bilis naman ng pangyayari! Hindi man lang ako nakatanggi! Hiyang-hiya na ako kay Van pero dinadagdagan niya pa! Ano na bang gagawin ko? Wala na akong magagawa dahil umalis na siya. Ang tanga-tanga mo talaga Shazrene. Saan ka ba pinaglihi ng nanay mo?

Laking gulat ko na lang ng makita ko hindi kalayuan si Jaxon na naka-tingin sa akin. Uh-oh? Dali-dali akong tumayo at tumakbo papunta sa kanya.

"Hoy lalaki! Akala mo ba hindi ko narinig yung sinabi mo sakin kahapon ha?" Kinapa-kapa ko yung bag ko para hanapin yung nail cutter pero putcha walang nail cutter sa bag ko!

Nanatili lang siyang naka-tingin sa akin at tinalikuran ako.

Aba! Nanailcutterin ko na talaga ang gagong to!

"Wag kang bastos kapag kinakausap kita ha! Hoy for your information, hindi ako easy to get tulad ng iniisip mo!" Sigaw ko sa kanya pero nakatalikod pa rin siya at walang pakialam sa sinasabi ko.

Love Finds Me (#Wattys2018)Where stories live. Discover now