Chapter 4

397 21 1
                                    

Kaya naman pala magkahawig si Van at si Jaxon dahil magpinsan sila.

Omg.

Medyo tulala pa rin ako sa mga narinig ko. Hindi pa rin nagpoproseso sa mga utak ko ang sinabi ni Chloe.

Si Van, Si Jaxon at si Chloe

Ay magpipinsan?

"Di nga?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Tumango-tango si Chloe habang tumatawa.

"My father, Jaxon's father and Van's mother are siblings. Didn't you noticed that my surname is Monteverde? How foolish of you Shaz." Tumatawa-tawa si Chloe at sinabayan ni Ara. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Ang tanga ko, bakit nakalimutan ko na Monteverde din itong si Chloe na bestfriend ko? Ganoon na ba ako katanga?

"They have the same features, aha." Sabi ni Ara. Iyon din ang mga naisip ko.

"Yah." Sabi ni Chloe. "Bakit parang hindi ka yata makapaniwala Shaz?" Pagiintriga ni Chloe sa akin. Nanliit pa ang kanyang mga mata.

"That boy! Iyan yung walang respeto at hindi marunong mag-sorry!" Tinuro-turo ko pa si Jaxon na ngayon ay nakatalikod at umiinom ng juice. Tumingin naman silang dalawa kay Jaxon.

"Jaxon? You sure?" Pagtatakang tanong ni Chloe.

Tumango ako. "Oo, Monteverde 15."

"Yeah, that's his surname and jersey number." Sabi ni Chloe at paulit-ulit akong tumango.

"Siya nga. Tss." Irap ko.

"Crush ni Shaz." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Naririndi ako sa sinabi niya. Crush? Nino? Ako? What the fuck!

"Ano?!" Sigaw ko. Napatingin sa akin ang ibang mga tao kaya medyo nahiya aki sa naging reaksyon ko. Tumawa yung dalawa pero inirapan ko na lang sila.

"Talaga ba Shaz? Ay basted ka na ngayon pa lang." Tumawa ulit si Chloe na sinabayan ni Ara.

"Hindi natin masasabi yan Chloe, our girl is one of the prettiest in our batch, syempre kasama din tayo sa prettiest. Gosh. Hmm." Sabi ni Ara habang tumitingin sa akin.

"Ikr." Sabi ni Chloe. "Nako, magsitigil nga kayo." Panunuway ko sa mga kaharutan ng dalawang to.

"Okay, okay. Dahil gumagabi na sa saturday ang sunday na lang ulit ang practice whole day tayo. You all guys need to be here 2pm sharp. Okay? Okay? Thankyou all!" Sigaw ni Katty habang nakikipagngitian pa sa ibang boys.

Sumang-ayon naman kaming lahat kay Katty.

Buti na lang at medyo maaga ang uwian namin bukas kaya medyo may time pa sa practice. Sa Saturday next week na kasi ang debut kaya malapit-lapit na din.

Nakikita kong naglalakad sila Erisha papunta sa amin kasabay ng pagkekwentuhan nila at kasama doon si Katty.

Tumabi sa akin si Erisha. "I love the choreo, Katty." Ngumiti siya kay Katty at ngumiti din si Katty kay Erisha.

"Ofcourse girl. Dyosa kasi ako kaya ganon. Kaloka." Maarteng sabi ni Katty habang tumatawa, tumawa na lang din kaming lahat except kay Ara na ngayon ay umiirap dahil naramdaman na naman siguro niya ang presensiya ni Erisha.

Love Finds Me (#Wattys2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon