Prologue

2.3K 51 13
                                    

Binuksan ko na naman yung cellphone ko para tingnan kung may text ba si Aling Josie pero wala pa rin kaya nagsimula na akong kabahan.

"You should sit here and eat." Sabi ni Chloe ang isa sa matalik kong kaibigan. Brown ang mga mata, kulot ang buhok na may bangs, makinis, maputi at maganda ang labi. Hindi ko siya pinansin, tumayo ako at nagpatuloy sa paglalakad habang tinitingnan kung bakit wala pang text si Aling Josie.

"Look at her Chloe. Parang iniwan ng boyfriend." Sabi ni Ara at nagtawanan sila. Si Ara, ay makurba ang katawan, morena, tuwid ang buhok, maganda ang mata kaso walay kilay. Ha-ha! Ang pinakahabulin sa aming tatlo. Hawig niya si Lovi Poe.

Ngumuwi ako. "Kinakabahan kasi ako!"

"Wag mo ng isipin yan. Ang mahalaga nandito tayong tatlo at magsasaya tayo. Hello, birthday ko kaya no!" Sigaw ni Chloe. And yes, birthday nga ng babaeng 'to pero hindi ko kasi magawang hindi mag-alala.

"Kung kayo nasa sitwasyon---"

"Whatever" Sabi ni Ara. Inirapan ko siya at nagtawanan ang dalawa.

"You know what Shaz? You should enjoy your life. Bahala ka magmumukha kang nanay na may isang dosenang anak niyan!" Nagtawanan na naman yung dalawa. Hindi ko alam kung bakit ko ba kaibigan ang mga ito. Marahil sila ay mga tunay na mga baliw at takas sa mental hospital.

"Kasi si nanay eh, kilala niyo naman 'yon."

"Minsan lang 'to Shaz wag ka namang KJ dyan." Sabi ni Ara.

"Kung kasi kayo nasa kalagayan----" Hindi ako pinatapos magsalita at bigla na langmay tumama na matigas na bagay sa ilong ko. Nakita kong case pala ito ng cellphone ni Chloe.

"Happy birthday to me! Woahhhh!" Sigaw ni Chloe at nagsitawanan sila. Tiningnan ko sila ng masama.

Hindi pepwedeng hindi ako gumanti sa baliw na 'to. Ah, alam ko na kung paano.

Sumampa ako sa kama habang pinapalo ako ng unan ni Ara. Naglaro kami ng pillow fight, hagis dito hagis dyaan, sinampal naman ako ni Ara gamit ang mabigat na unan at ganoon din ang ginawa ko kaya natumba siya. Sunod kong hinarap si Chloe na ngayon ay sayang saya sa kakatawa. Hindi na niya namalayan na sinampal ko din siya nung unan at natumba rin siya.

Sumampa ako sa tiyan ni Chloe at sinimulan na ang paghihiganti ko. Kiniliti ko siya ng kiniliti. Mamamatay na nga yata 'to sa sobrang kiliti. Kinuha ni Ara ang kanyang cellphone at nagsimulang mag-video. Hindi pa rin sakin makawala si Chloe kaya panay pa rin ang pagkikiliti ko sa kanya.

"Para nga pala sa pagbato mo sa akin kanina ng case ng cellphone mo. Galing mo din no? Sakto sa ilong ko! Baka mapango ako nito!" Sigaw ko sa kanya at nilakasan ko pa ang kiliti ko sa kanya.

Tuwang-tuwa naman si Ara sa pinanood niya. Pero mas nakakatuwa ang itsura ni Chloe habang kinikiliti ko siya. Hahahaha. Tama lang 'yan.

"Shit. I----Hahahaha----hate---Haha--You Shaz." Natatawa pa rin kami ni Ara sa ginawa namin.

"Omg. Chloe! Si crushie mo tumatawag sa'yo. Omg!!!" Natigilan kaming lahat sa sigaw ni Ara.

Hindi nga?

Mabilis kaming kumaripas ng gapang ni Chloe patungo kay Ara na ngayon ay pinapakita sa amin na tumatawag nga si David.

Hinablot agad ni Chloe ang kanyang cellphone. "Ssssshhh. Mananahimik kayo or papatayin ko kayo?" Tumahimik na lang kami ni Ara pero nagkatinginan kami na mahinahong tumawa, kinikilig na rin at the same time.

"Ah---yes. Thank you so much" Aniya habang tumingin sa amin ni Ara na nanlalaki ang mga mata at namumula pa siya.

"Yes----you?"

Love Finds Me (#Wattys2018)Where stories live. Discover now