Chapter 1

1K 31 1
                                    

"Nasan si Tristan?" Pag-uusisa ko kay Ara habang tinitingnan niya ang kanyang cellphone. Si Tristan, ang boyfriend ni Ara simula nung 1st year highschool kami kaya ang tagal na nung dalawang 'yan.

"He won't come. Nasa Batangas pa siya, bukas pa uwi niya. Hindi kasi aabot ngayon."

"Ganun ba." Nandito kami ngayon ni Ara sa loob ng kotse nila. Dinaanan niya kasi ako sa bahay namin, ganito na siya noong highschool pa lang kami kaya sanay na ko.

Nakakaramdam ako ng kaba, dahil unang araw ng klase at unang araw ng buhay kolehiyo.

"Are you excited Shaz?" Aniya.

"Ewan ko?"

Tumingin siya sa akin na umiirap-irwp. "Gosh. You should!"

Napangiwi ako. "Ha? Bakit?" Pagtataka ko.

"You'll see."

Ano naman sinasabi ng babaeng 'to. May pa-you'll-see you'll-see pang nalalaman ayaw pang sabihin. Bahala nga siya.

"Eh ikaw excited ka ba?" Pabalik kong patanong sa kanya.

"Hmmm. No. Tristan wasn't here, eh." Iba rin 'to eh. Nakakatuwa yung dalawa na 'yan kaya pati si Tristan ay close na close namin ni Chloe. Swerte rin nung dalawa na 'yan sa isa't-isa kahit palaging aso't-pusa hindi matatapos ang araw na hindi sila nagkakasundo.

Pumasok na kami sa loob ng University. Grabe, ang ganda pala talaga dito. Hindi ito ang unang punta ko dito pero manghang-mangha pa rin ako sa university na ito sa tuwing tutungtong ako sa paaralang ito.

Hindi ko maiwasan mamangha dahil pakiramdam ko lahat ng tao dito espesyal, lahat ng tao pinahahalagahan ka. Ang sarap lang isipin na ganon ang trato sa iyo.

Hininto ni Manong Elyas ang sasakyan at hudyat na ito upang bumaba na kami. Binuksan ni Ara ang pinto ng sasakyan at tinanguan niya ako sumunod na rin ako sa kanya.

Nilibot ko ang tingin ko. Ang daming studyanteng naglalakad at kita ko rin sa iba na manghang-mangha sila sa paaralang ito. Marahil, katulad ko din sila.

"Ang ganda talaga dito, Ara." Kumapit si Ara sa braso ko at tumingin sa akin. "Sus. Mas maganda ka." Kumindat siya sa akin.

"Wala akong piso, sorry." Nagtawanan kami ni Ara

"Teka, nasaan na kaya si Chloe?" Dagdag ko.

"She's with David, remember?"

"Ay oo nga pala." Luminga-linga pa ako para tingnan ang mga building na nadadaanan namin. Hindi ko talaga maipagkakailang ang ganda dito. Ito na ang paaralang pinakamagandang nakita ko sa buong buhay ko.

Ang blessed ko din kasi dito ako mag-aaral kahit mahirap lang ako. Full scholar ako ng mommy ni Chloe. Isa kasi sila sa may-ari ng skwelahang ito. Ako kasi ang valedictorian noong high school kami kaya malaking tulong din iyon na nakapasok ako sa skwelahang ito.

Umakyat kami sa isang building ito na siguro ang building namin. Buti na lang kasama ko si Ara dahil maliligaw ako dito kung ako lang ang mag-isa dito.

"Hi Ara." Sabi noong lalaking nakasalubong namin. "Hi din sayo Shazrene." Nagulat ako kasi kilala pala ako nung lalaki na 'yon akala ko si Ara lang ang kakilala non kaya tinawag niya ito.

"He's Jino, crush ka daw niya." Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. Tiningnan ko siya.

"Baka ikaw." Kinurot ko siya s akanyang tagilirana at ginantihan niya rin ako.

"Bahala ka kung ayaw mo maniwala." Aniya at hindi ko na lang siya pinansin.

Huminto kami sa isang classroom. Siguro nga ay ito na ang aming unang klase. Pumasok kami dito at nakita ko ang mga magiging kaklase namin na abala sa pakikipagkwentuhan or pakikipagkilala sa isa't-isa.

Love Finds Me (#Wattys2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon