"Sunugin niyo lahat ng gamit sa apartment niya pagkatapos isunod niyo siya, idedeposit ko sa account mo ang bayad ko."


"Sige Sir."


Pinatay ko agad ang tawag tapos ay inihagis iyon sa upuan sa passenger seat, mahigpit na nakahawak sa manibela ang dalawa kong kamay.


Ngayon wala na ang taong inutusan ni Selene, may bago nanaman akong problema kay Selene. Napahampas ako sa manibela dahil sa sobrang inis.


"Fuck!"


Napapreno ako dahil sa nakastop na traffic light, habang naghihintay na mag green ang ilaw ay napatingin ako sa pedestrian kung saan may mga tumatawid.


Parang namalik mata ako dahil sa nakita kong babae, sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad patawid ng kalsada. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang mukha niya.


Hanggang sa makatawid iyon sa kabilang kalsada ay nakasunod ang mga mata ko sa kanya, nakita ko itong pumasok sa isang gate. Nang tignan ko ang pinasukan niya ay isa pala iyong public school, mabilis akong nag U-turn. Mabuti nalang at wala akong katabing mga sasakyan, pinarada ko agad ang sasakyan sa tapat ng iskwelahan at nagmamadaling inalis ang suot na seatbelt.


Malalaki ang hakbang ko habang papasok sa loob ng gate, mabuti at hindi naman ako hinarang ng gwardya don. Hindi ako pwedeng magkamali, siya yun. Siyang siya iyon, maiksi lang ang buhok nito na hanggang balikat pero alam kong siya iyon.


Nang makapasok ay nagpalingon lingon ako, ginala ko ang tingin at isa isang tinignan ang mga babaeng nagdadaan.


"Devi.. Nasaan kana.." Napakagat ako ng labi ng hindi ko ito makita, lumingon lingon ako kung saan ito posibleng nagtungo.


Akmang maglalakad ako na paalis sa kinatatayuan ng may humila sa laylayan ng suot kong coat, inis na binalingan ko ito dahil nagmamadali ako. Lumambot naman agad ang ekspresyon ko ng makita kung sino iyon.


"Hello po."


Unti unti akong napangiti ng makitang inayos nito ang suot na salamin, binitawan niya na din ang laylayan ng coat ko.


"Chip."


Ngumiti ito sa akin habang nakatingala sa akin, inayos pa nito ang pagkakasukbit ng malaki niyang bag na suot suot.


"Hello po, ano pong nigagawa niyo dito sa school?" Inayos nanaman nito ang suot suot na salamin.


"Wala, dito ka pala nag-aaral?" Tumango tango ito.


"Kinder na po ako." Napangiti ako sa sinabi niya at ginulo ang buhok nito.


Lumingon lingon ako nagbabasakaling makita ulit ang nakita ko kanina pero wala na talaga kaya napabuntong hininga ako, napababa ako ng tingin kay Chip na kunot ang noong nakatingin sa akin.

Killer Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon