Chapter 24: Parlor Games

Start from the beginning
                                    

Itinaas naman ni Carlo ang magkabilang kamay para ipakitang hindi na siya makikipagtalo. "Okay!" Matipid ang ngiti ko sa kanya. "Sayang, Stella."

Mabilis na tumalikod si Carlo at hindi na lang sumali sa larong hindi pa namin alam kung ano'ng gagawin.

May gusto akong sabihin kay Gelo kaso ayoko na lang ituloy kasi mukhang bad trip siya. Nanahimik na lang ako hanggang i-announce ang pangalan ng game.

"Ang game natin ay pinamagatang . . . Saluhin Mo, Itlog Ko!"

Nagtawanan kaming lahat. Natigilan lang ako kasi ang seryoso talaga ni Gelo.

Ano kayang issue nito sa buhay?

Pinababa kami sa quadrangle para doon gawin ang game. Pigil na pigil naman ang ngiti ko kasi ayaw talagang bitiwan ni Gelo ang kamay ko mula pa noong iniabot sa kanya yung itlog, paglabas namin sa room, hanggang sa pagtapak ulit namin sa quadrangle.

Diyos ko, akala niya naman, may kukuha sa 'kin.

Binitiwan lang niya 'ko noong sinabing kailangang maghiwalay kami para magsalitan ng pagsalo sa itlog.

Una, arm's length lang ang layo. Puwede pang abutan na lang. Kapag tapos na ang unang level, hahakbang kami nang isa paatras.

"Oy! 'Pag ito nalaglag, yari ka talaga sa 'kin!" banta ni Gelo sabay bato ng itlog.

Fifteen pairs kaming sumali at wala pa namang nababasagan.

Seryoso lang ang tingin sa 'kin ni Gelo. Hindi ko alam kung masama ba ang loob, sineseryoso ba ang laro, o talagang bad trip lang siya kanina pa.

Hindi ko na alam. Ewan ko ba sa topak niya.

Nang apat na metro na ang layo namin, medyo nag-alangan na 'ko kasi parang hindi ko alam kung masasalo ko pa.

"Kaya mo pa?" malakas na tanong sa 'kin ni Gelo. Napansin din yata niya ang ilang beses kong pag-iling.

"Siguro!" sigaw ko sabay bato ng itlog. Nasalo niya, effortless pa. Parang wala lang. Sa bagay, basketball player din kasi siya. Tuwing Intrams lang naman siya sumasali sa team plays.

Lima ang nabasagan sa level na 'yon. Umalis na rin ang mga wala nang itlog kaya pito na lang kaming natira. Atras ulit kami.

Sa dinami-rami ng sasalihan ko, ito ang naiilang ako kasi kinakabahan ako. Magaling naman akong sumalo, kaso ang tanga kong maghawak. Baka mamaya, tamang salo ako pero bigla ko namang mahigpitan ang hawak at ako pa mismo ang makabasag sa kamay ko.

May nabasagan ulit. Halos mangalahati na kami.

"Kaya mo pa?" sigaw ni Gelo.

"Try ko!" sigaw ko rin sabay bato ng itlog sa kanya. At nasalo ulit niya nang walang ka-effort-effort.

May nabasagan na naman. Pag-alis ng iba, nagulat na lang ako kasi dalawang pares na lang kaming natira.

Kami ni Gelo. At ang soon-to-be-lovers na sina Chim at AJ.

Napahinga ako nang malalim nang magtapo ang tingin namin ni Chim. Ang sama ng tingin niya sa 'kin.

Wow, ha. Of all people. Ganoon din naman ang tingin ni Gelo kay AJ.

Binato na ni Gelo ang itlog sa 'kin.

"Gelo! Hala!" sigaw ko pa. Pinilit ko pa ring abutin ang itlog kahit medyo alanganin ang pagkakabato niya.

"Malalaglag! Malalaglag!"

"Aahh!"

"Go, Chim!"

When It All Starts AgainWhere stories live. Discover now