#2 Almost Lover by A Fine Frenzy

67.4K 1.8K 348
                                    

Mutual Understanding...

Yung hindi mo alam kung may karapatan ka sa kanya o wala.

Yung hindi mo alam kung pwede ka bang magselos, magreklamo o mainis sa mga bagay na ginagawa nya.

Yung hindi mo sya matawag na sa 'yo at sa 'yo lang.

Mutual understanding... oo nga't gusto ka rin nya pero... saan ba ang lugar mo?

Noong una, you were so happy because he makes you feel special. Yung mga bagay na ginagawa nya sa 'yo, hindi nya ginagawa sa iba.

He would hold your hand in public and wink at you at times.

He would kiss your cheeks and give you a back hug or two.

Kinikilig ka naman.

Nakakakilig nga naman kase... lalo na kapag binibigyan ka nya nung mga pamatay nyang titig at makalaglag pusong ngiti.

Yung sumusukob sya sa payong mo tuwing umuulan.

Yung tinatabihan ka nya sa upuan. Yung dikit ng dikit sya sa 'yo. Yung kahit isang damukal na ang haters mo dahil sa kanya eh masaya ka pa rin kase ikaw yung gusto nya.

Yun. Yun nga mismo.

Yung magka-text kayo araw-araw... yung tawagan kayo lagi. Yung palagi kayong magkasama. Yung inaakala ng lahat na kayo na.

Pero... kayo nga ba?

Hindi naman di ba?

Nasasaktan ka nga tuwing may nagtatanong sa 'yo nun kase hindi mo alam kung anong sasabihin. Kayo nga ba? Niligawan ka na ba nya? Sinabi nya na bang mahal ka nya?

Hindi di ba?

You hold hands. You hug. You call each other mine... but there's no guarantee.

Wala kang pinanghahawakan na sa 'yo sya.

Walang courtship. Walang friendship stage. Basta na lang... gusto ka nya. Gusto mo sya. Pareho kayo ng nararamdaman pero... hanggang kailan?

At eto nga... isang araw bigla na lang nag-iba.

Gone was the sweetness. Nagkaroon na ng konting pagkailang. Nagsimula na syang umiwas sa 'yo. Hindi mo na mahabol ang mga tingin nya. Hindi mo na makita ang mga ngiti nya. Hindi mo na maramdaman yung pagpapahalagang dati'y nakaukol lang sa 'yo.

Iba na sya ngayon.

At makailang linggo lang, nakita mong may kasama na syang iba. Iba ng kamay ang hawak nya. Iba na ang dahilan ng mga ngiti nya.

And you started to wonder why...

May mali ba sa 'yo? May nagawa ka bang hindi nya nagustuhan?

Hindi ba't may pagkakaintindihan naman kayo?

Then you asked him that.

"Akala ko ba okay tayo?"

And what did he answer?

"Bakit? Tayo ba?"

Naramdaman mong tumulo ang mga luha mo ng mga oras na yun.

"Hindi ba tayo?"

That's when he sniggered and looked at you. His cold eyes bored at you and you can't help but cringe at his stare.

"Niligawan ba kita? Sinagot mo ba ako? Hindi naman di ba?"

You felt your heart breaking... ang sakit. Masakit pero totoo. Ano nga namang pinanghahawakan mo? You have no right. You have no title.

M.U. nga kayo pero... hindi naging kayo.

Ang nangyari sa inyo ay isang magulong usapan. Isang pagkakaunawaan na sa bandang huli ay hindi na nagkaintindihan.

Sa bandang huli... yung nagsimula sa wala lang, ngayon ay nauwi sa wala na.

Ano ka nga ba para sa kanya?

M.U. lang naman kayo di ba?

Music and Lyrics (one-shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon