Stranger

1.6K 41 5
                                    

Tristan's POV

I'm on my way home when I heard someone's calling for help. I quickly hide myself at the edge of the building next to me. Sa posisyon kong iyon kitang-kita ko kung paano binaril ng babae ang walang kalaban-labang lalaki.

Lima silang lahat. Nakahawak ang dalawang babae sa magkabilaang kamay nang patay na ngayong lalaki. Kap'wa namang nakatayo ang tatlo. Pero naagaw ng babaeng bumaril ang atensyon ko. Nakakatakot siya, oo. Pero masasabi ko ring napaka ganda niya. Weird na kung weird pero, I think she's really hot while holding that gun. Her expressionless face really got me.

Ang ganda niya.

Shit. Nagulat ako nang mabilis na bumaling sa gawi ko ang babaeng leader nila. At sa isang kisap mata lang ay nasa harapan ko na siya. Halos mawalan ako ng dugo nang magsalita siya. Pero nakakatuwang iba yung galaw at iniisip ko. My body tell me to run as fast as I can while my mind just said... she's really beautiful, I can marry her right now.

"What did you see?" tanong niya habang pinupunasan ang baril niyang may talsik nang dugo.

"N-Nothing!" utal na sagot ko. Parang may halimaw na kumakain sa boses ko. Shit, hindi ako gumagana nang ayos.

"Oh really?" naka taas ang kilay na tanong niya sa akin. Agad akong napalunok at parang matutulos na sa kinatatayuan. "Tss, get the hell out of here!" singhal niya nang mapagtantong harmless naman ako't mabait. Gusto ko nang ihakbang patakbo ang mga paa ko pero dahil sa kaba, hindi ako makagalaw. Putek talaga Tristan!

"ANO PANG GINAGAWA MO DITO? Gusto mo ba talagang mamatay ha?" dahil sinigawan niya ako, parang nabuhay ang mga ugat ko at dali-daling umalis.

Habang mabilis na naglalakad ay saka palang sumi-sink in sa akin ang nakita. Ano ba ang kasalanan ng lalaking iyon at kailangan siyang patayin nang ganon?

Para akong lutang hanggang sa makauwi ako sa bahay. Ano ba kasing naisipan ko at umalis akong hindi dala ang kotse? Kailangan ko pa tuloy maglakad at masaksihan yon. Pero aaminin kong na-curios talaga ako sa pagkatao ng babaeng iyon. Hindi ko tuloy mapigilang isipin... when can I see her again?

Nang tuluyang makapasok ay ipinilig ko ang ulo. Gusto kong isantabe ang usaping iyon para hindi maghinala si Mommy. Kaya nang makita ko ang bunsong kapatid sa salas ay agad kong pinasigla ang boses.

"Hi baby Sam, ano yang ginagawa mo?" masiglang tanong ko sa kanya. Pero itong kapatid ko, parang wala lang narinig.

"I'm doing my assignments." napakaikling sagot niya. Hindi ko tuloy naiwasang ma pa buntong hininga. Ganyan lang talaga yang si Sammy. Kung siguro naabutan niya si Daddy hindi siya ganyan.

"Okay Sammy, galingan mo. Nasa'n si Mommy?" tanong ko nalang.

"In the kitchen." napabuntong hininga nalang ako sa sagot niya. Agad nalang akong pumunta sa kusina para batiin siya pero agad akong napahinto kalagitnaan sa pinto.

"How come? He's just here kanina, how come he's dead?" narinig kong pabulong na asik ni Mommy. Aaminin kong kapag ganito si Mommy ay nakakatakot siya. Kaya naman minabuti ko nang tawagin ang atensyon niya.

"Ma, 'andito na po ako." sabi ko. Nang makita ako ni Mommy agad niyang pinatay ang phone niya at saka mabilis akong sinalubong nang yakap.

"Hmm late ka ngayon. Saan ka galing ha?" nang-aasar na sabi ni mommy na ikinatawa ko. "Nakipag date ka 'no?" nanghuhuling hirit niya pa.

My Girlfriend is a MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon