87:00 Three Seconds

Start from the beginning
                                    

"Oo naman bakit hindi?" sagot ni Romano na mukhang confused, kung saan napabuntong hininga si Valdemar.

"Wala akong pake kung makakasama sakin kasi kung alam kong yun ang magpapakalma sa'yo, bakit ako magrereklamo? Sino ako para pigilan ka? Okay ka lang?"

"Gusto mo isipin ko yung sarili ko? Huwag na salamat." sungit nitong sabi at tinaasan siya ng kilay saka nag-iwas ng tingin.

Napatitig sa kanya si Jourdan habang nag-iiwas siya ng tingin.

"So go ahead, do it. Ayos lang sakin, di ako makekealam." iwas ang tingin nitong sabi sa kanya.

"No matter how much it would cost you?" tanong ni Jourdan sa kanya, narrowing her eyes at Valdemar in disbelief. Valdemar dared to look at her in the eye at nakipagsukatan ng tingin dito.

"No matter what." he insisted, kulang na lang sabihin niya at ipagdiinan ang salitang 'Period. Case closed.'

Dahan-dahang napaiwas ng tingin si Jourdan sa kanya, at ang nakakagulat, bigla itong natahimmik, at marahil dahil sa sinabi ni Valdemar.

Valdemar looked ahead straight, tanaw ang malaking soccer field. Nasa mataas na benches kasi sila ng soccer field, kung saan tanaw ang magandang paglubog ng araw. Hinintay niyang magsindi ito ulit ng yosi. Dumaan ang ilang sandali at natahimik sila, ngunit nang matapos ang ilang minuto ay parang hindi ito gumalaw mula sa peripheral vision niya, kaya naman nilingunan niya ito at tiningnan ito.

And he was right, she didn't move a bit.

Taka niya itong tiningnan.

"What were you doing? Ba't di ka pa nagsisindi?"

Jourdan looked ahead, staring at the sunset.

"No, ayos na ako." poker niyang sabi na parang nakatitig lang sa paglubog ng araw.

Muli silang natahimik dalawa. When Valdemar thought about what happened a while ago.

"What did they do to you?" tanong niya, habang nakatingin ng mataman kay Jourdan na nakatingin din sa harapan. Bakas pa rin ang pag-iyak dito dahil mugto ang mga mata nito. Magulo din naman ang buhok nito, halatang mukhang galing sa gulo.

"Nothing." tanging imik ni Jourdan, na parang napapagod na din magpaliwanag ng mga bagay-bagay. It would almost come to the point where if things happen regardless if it's what she wanted or not, she'll let it happen.

Valdemar breathed at that.

"Then it's really something we should talk about."

"No-- Val, I said it's nothing, we don't have to talk about--" pigil ni Jourdan sa kanya, but Valdemar so insisted.

"No Valentine, it's something I wanted to know. I came all the way there to see you, not to expect you crying your heart out coming out of that godforsaken place." wika ni Valdemar na mukhang naiinis na rin.

Muling napatingin sa harap si Jourdan at tinitigan ang patuloy na paglubog ng araw. She chose not to speak, that is why the frustrated Valdemar Florentin closed his eyes hard. Instead of pouring his irritation out, he shifted the topic.

"Are you coming... at the funeral?" baling niya kay Jourdan, kung saan tumingin ito sa kanya bigla at saka siya tinitigan, na para bang sa maliit na oras ay nakalimutan niya ito, at dahil pinaalala ni Valdemar, ay muli na namang nanumbalik lahat ng sakit.

Nag-iwas ng tingin si Jourdan at muling tumingin sa harap.

"Not sure. I think not." she bitterly said and murmured those words in the most casual way. Valdemar sighed.

Steel Skin: Code RedWhere stories live. Discover now