87:00 Three Seconds

2.1K 111 95
                                    

THREE SECONDS

Dali-daling kinuha ni Jourdan ang isang pack ng yosi sa loob ng bag at kumuha agad ng stick sa loob nito.

Pinanood naman ni Valdemar ang pagmamadali ni Jourdan. Is this anxiety? Is this panic attack? Hindi niya alam kung ano. He watched her as she search for her own lighter, kaya naman napabuntong hininga siya.

Parang hindi ito mapakali sa kinauupuan at hindi magkamayaw sa upuan.

Hindi niya na rin napigilan ang sarili na kunin ang bag ni Jourdan at hinanap ang lighter nito sa bag. Parang nadadala din siya at nahahawa ng pagka-panic nito kaya paic din nitong hinahanap ang lighter, and this is not so Valdemar.

He found it after a few moments kaya mabilis niya itong kinuha at pinasindi."

"Eto, eto, kalma," kabado niyang sabi habang dahan-dahang itinapat ang apoy sa tip ng yosing nakaipit sa pagitan ng mga labi niya. Nanginginig na hinawakan ni Jourdan ang kamay ni Valdemar na nakahawak sa lighter at saka inalalayan ito hanggang sa masindihan niya ang yosi niya.

Valdemar watched how anxious her face is, malamig din ang mga kamay nito, at pakiramdam niya hindi pa ito umiinom ng gamot nito. Is cigarette her way of recovering from attacks? Dahil ba nagyo-yosi ito dahil ito ang ginagamit nitong pampakalma? Why?

Pinanood niya kung paano ito kalalim humithit habang nanginginig ang mga kamay, saka ito bumuga ng usok.

Napa-iwas ng tingin si Valdemar nang bumuga ito ng usok.

Jourdan's shaking hands still remained, pero habang naririnig niya ang tahimik na paligid ay unti-unti siyang kumakalma habang humihithit ng usok at binubuga ito pagkatapos.

She hears her own raspy breath habang bumubuga ng usok at humithit ulit. Ilang sandali pa bago niya mapansin na may katabi siya. Napalingon siya sa gilid niya at nakita niya si Valdemar, parang umiiwas ng tingin sa tuwing bumubuga siya ng usok.

Sa mukha din nito parang nag-aalangan ito habang sumusulyap sa yosi, and by the looks of it, parang pinipigilan nito ang hininga nito.

'Fuck.' napamura siya sa isip nang hihithit uli siya, ngunit pinigilan niya ang sarili at alanganing tiningnan ang yosing hawak, saka ito agad na itinapon.

"Bakit di mo sinabi?"

Inis itong tumingin sa kanya nang makita nitong itinapon ang yosi at binalewala ang tinanong ni Jourdan.

"Bakit mo tinapon?" inis na tanong ni Valdemar sa kanya. Inis rin siyang tiningnan ni Jourdan.

"Eh siyempre kung di ko itatapon baka ikaw pa yung magkasakit. Baliw ka ba? Bakit di mo sinabing ilag ka sa ganito???" inis nang tanong ni Jourdan na parang di makapaniwala sa ginawa ni Valdemar.

"Ibalik mo," agad na sabi ni Valdemar at kinuha ang pack ng yosi saka kumuha ng isang stick. Sisindihan na sana ito ni Valdemar nang inis niya itong binawi.

"Baliw ka ba?" inis na tanong ni Jourdan at itinapon ang yosi saka sinamaan ng tingin ni Valdemar.

"Sinindihan mo pa yung yosi ko, eh pano kung magka-ano yang baga mo? Mag-isip ka nga!" inis nang tanong ni Jourdan sa kanya na parang kulang na lang murahin niya si Valdemar.

"Bakit hindi ka nagreklamo???" pahabol na tanong ni Jourdan sa kanya.

"Are you thinking?" inis rin na tanong ni Valdemar pabalik.

"You mean you want me to think about myself more than think about you? Hindi naman pwedeng isipin ko lang yung sarili ko, kaya kahit na ayaw ko ayokong magreklamo kasi sa tingin ko yan ang magpapakalma sa'yo." inis na sabi ni Valdemar sa kanya habang kunot ang noo.

Steel Skin: Code RedKde žijí příběhy. Začni objevovat