Napayakap nga si Deanna sa nag hihintay na si Jema.

"Oh, that feelings. Yakap mo pa rin ang paborito kong lugar. Lalo na sa mga panahon na kailangan ko ng katahimikan" bulong nya sa babae. Lalo namang isiniksik ni Deanna ang sarili sakanya.

Mapayapa ulit na natulog si Deanna sa kanyang mga bisig. Marahil  siguro ay talagang hinanap nito ang kanyang presensya  kaya hindi mapakali. Kaya ng maramdaman  siguro nito na yakap sya nito ay  natahimik na. Inayos nya ang kumot nilang dalawa. Dahil doon ay hindi nya maiwasang gumalaw. Lalo tuloy napayakap sakanya ng mahigpit ang babae. Akala siguro ay aalis sya sa tabi nito. Napangiti sya sa ginawa ng babae. Bigla tuloy syang nang gigil kay Deanna. Niyakap nya ito ng mahigpit at hinalikan sa noo.

Minsan talaga hindi mo maintindihan kung ano ang nakikita mo sa isang tao. Kung bakit  ba nag iiba ang pakiramdam mo kapag magkalapit kayo. It's just the way they take you to a place where no one else can.

I want to be in bed with her. I'm not talking about making love with her then passing out, no she's better than that. I'm talking about just laying next to her. Rolling over hanggang mahanap  ko sya at bumagsak sa mga bisig nya. Gusto ko na yakap yakap ko sya ng mahigpit sa gabi, protecting her from any bad dream she has. Finding her hand in mine habang ipinapadama ko ang lubos na pag mamahal ko sakanya hanggang sa parehas na naming maramdaman ang nag uumapaw at hindi mapigil na pag mamahal sa isa't isa, even in our sleep. Kissing  her forehead as she lay her head  on my chest. Gusto kong damahin ang tibok ng kanyang puso habang natutulog sya sa'king mga bisig. Intertwining our bodies in our unconscious states. Just being connected as one. I just want to be in bed with her. Dahil ang  tanging gusto ko bago ako pumikit sya huli kong masisilayan at pag mulat ko ng mata sya dapat ang una kong makikita. Iyon ang bubuo ng aking mundo kasama ng anak namin na si Uriel at ang magiging anak pa namin soon.

Napayakap uli sya dito ngunit mas mahigpit na sa pag kakataong iyon. Doon na nga nya nagising si Deanna.

"Love balak mo ba akong patayin?" in a soft voice. Nagulat sya sa pag salita ni Deanna. Idagdag pa na nag tayuan ang balahibo nya hanggang batok. Naramdaman rin kasi nya ang mainit na hininga nito sa kanyang leeg. Dahil naka subsob ito sa kanyang leeg.

Panabay na inilayo nila ng bahagya ang katawan sa isa't isa ngunit nanatili pa rin si Deanna na nakayakap sa baywang ni Jema.

Hindi na naka unan si Deanna sa bisig ni Jema kaya  nakagalaw sya. Inayos nya ang pag higa. Ng akma na syang lalayo kay Deanna ay gulat syang napatitig dito ng hatakin sya palapit. Dahil mabilis ang ginawang iyon ni Deanna ay natagpuan na lang nya ang sarili na  nakakulong   sa mga bisig ng babae.

"Saan ka pupunta?" sa malambing nitong tono.

"uhm, lalayo lang ng kaunti"  sagot nya  dito. Kita nya ang pagkakunot ng noo nito. Kaya sinita nya ito.

"Hoy ang noo mo may lines na naman"  habang hinihilot ang noo ni Deanna. Nawala naman ang pagka kunot nito ngunit seryoso paring nakatitig sakanya. Mayamaya pa ay narinig nya itong nag salita.

"Ba't mo  naman kasi kaylangang lumayo?" ramdam ni Jema ang higpit ng yakap nito.

"Baka mag sawa ka kaagad sakin, eh" nakatingala na ngayon si Jema habang ang kamay ay nakapisil sa ilong nito. Dahil sa sinabi nya ay napatingin ito sakanya. Madilim ang mukhang humarap sakanyanya. Siguro'y nainis sa narinig. Pagnaka ay lumiwanag rin iyon at ngumiti na para bang may iniisip. Narinig nya itong nag salita.

"I have to be honest with you, love"  huminga ito ng malalim. Lumuwag din ang pag kakayakap nito sakanya. Paraan para maka alpas sya at ipagpantay ang kanilang mukha. Ngayon ay magkaharap na sila ni Deanna.

Sanctuary HeartOnde histórias criam vida. Descubra agora