KABANATA 28

6.2K 182 6
                                    

KABANATA 28

SABAY na naglalakad sina Miladel at Razor. Matapos nilang kainin ang tinapay na ginawa ng una para sa pangawala ay nagpapasyahan nila na mamasyal sa park.

Hapon na at hindi na mainit noong mga panahon na iyon. Mangilan-ngilan lang din ang tao sa naturang lugar. Tuwing gabi ay mayroong live band doon sa stage at may ilang mga artista ang napupunta upang magtanghal.

Tahimik lang si Miladel habang katabi ang binata na naglalakad at pinagmamasdan ang paligid. Abala siya noon sa pagtingin sa mga asong tumatakbo-takbo noong maramdaman niyang hinawakan ni Razor ang kanyang kamay, pinagsalikop ang kanilang mga palad.

"Tiyansing ka, ah?" natatawang sabi niya dito.

Narinig niya ang mahinang pag tawa ni Razor. At parang kiniliti ang kanyang kalamnan nang dahil doon. Jusme! Pati simpleng pagtawa ng lalaki ay ang guwapo-guwapo na para sa kanya!

"Hindi kaya!" ngingiti-ngiti pa din na sabi ng lalaki. Mas lalo pa nitong hinigpitan ang paghawak sa kanyang kamay.

Bahagyang binunggo ni Miladel ang katawan nito. "Sus! Hindi daw?"

"Hindi nga. Ikaw nga ang naka-tyansing sa akin noong nakaraang gabi, eh!" sabay kindat ni Razor.

Juskoday na naman! Hapon na nga, pero parang iinit na naman nang dahil sa hot at yummy na lalaking katabi niya ngayon!

Idagdag pa iyon pinaalala nito na ginawa niya kay Razor noong gabi na matulog ito sa kanyang kuwarto.

"Hindi mo nagustuhan?" tanong ni Miladel.

"Of course not!" mabilis ang naging tugon na iyon ni Razor. "That night was—hmm, how can I describe that night?" napaisip ito. Makailang beses na nag snap habang kagat-labi.

"Napapagod ako. Gusto ko umupo muna dito," ani Miladel, hinila niya ang lalaki papunta doon sa bench.

Sabay silang naupo.

"That night—" pagpapatuloy ni Razor. "Will be the best and memorable for me. Don't get me wrong, huh? Memorable siya para sa akin kasi ikaw yong kasama ko no'n. Ibang klase yong moment, eh. Parang ang perfect. I can't and never imagine that sa ibang babae, except you. The timing, place and the only lights we have that time, eh iyong nanggagaling lang na liwanag mula sa may buwan."

Upon hearing those words from Razor. He was right! Parang saktong-sakto nga iyong lahat. Timing, place, the moonlight. So romantic!

Ramdam niyang tunay nga siyang mahal ng lalaki. Ang saya lang sa pakiramdam. Kahit na di man nito direkta na sabihin ang tatlong salita na matagal niya ng hinihintay na muling banggitin.

I love you!

She also remembered some quotes na nabasa niya noon. That being loved by someone whom you love is a beautiful life. Indeed. Wala namang hahadlang sa pag-iibigan na muling namumuo sa kanila, di ba?

Naramdaman ni Miladel na binitiwan na ni Razor ang kanyang kamay. Sunod ay sumandal ito sa bench at hinala siya upang mayakap.

"Sobrang saya ko na nakilala kita." sabay kurot ni Razor sa kanyang ilong. "Hindi na kita pakakawalan ha?"

"Parang ewan 'to!" di niya mapigilan ang hindi kiligin nang dahil sa sinabi ng lalaki.

Pinagkatitigan lang niya ang mukha ni Razor. Kahit 'ata buong araw na pagmasdan ay hindi siya magsasawa. Habang patagal nang patagal, eh parang pa-guwapo nang pa-guwapo ito. Hindi nakakasawang pagmasdan.

"Kiss na lang kita." bago pa makapag-react ay kaagad ng inangkin ni Razor ang kanyang labi. Mabilis lang pero halos manlambot na ang mga tuhod niya.

Night Changes [Dreame app]Where stories live. Discover now