KABANATA 3

18K 445 24
                                    

#3

"MENCHIE, mauuna na ako sa 'yo, ah? Tumawag kasi si Tiya Janice sa'kin. May emergency daw." pagsisinungaling ni Miladel sa kaibigan. Ang totoo ay gusto lang niyang umuwi at magpahinga na sa bahay, masyado kasi siyang madaming iniisip ngayon.

Nakarinig naman siya ng mahinang pagtawa sa kanyang tabi kung kaya't sinamaan niya nang tingin ang lalaki.

"Ganoon ba? Sige, isang shop na lang naman ang pupuntahan ko 'tapos ay uuwi na rin." sagot naman ni Menchie sa kanya.

Nagyakapan muna silang dalawang magkaibigan at nagpaalam sa isa't-isa bago tuluyang maghiwalay. Mabilis na tinungo ni Miladel ang daan palabas ng mall, habang pilit na itinataboy ang nilalang na hanggang ngayon ay nakasunod pa rin sa kanya.

"Lubayan mo na nga ako!" inis na sabi niya sa mahinang tono. Hanggang sa makarating siya waiting shed kung saan humihinto ang bus ay nakasunod pa rin ang lalaki sa kanya.

"Ayaw." tila batang sabi nito. Ngumiti pa ito ng nakakaloko at halata mong nang-aasar, dahilan upang maihampas ni Miladel ang kanyang palad sa noo.

'Jusko! Napakakulit naman ng lalaking ito!' wika niya sa kanyang isipan. Buong buhay niya ay ngayon lamang siya na-stress sa isang multo. Kadalasan, kapag sinabi niyang ayaw niya'y hindi na siya kinukulit pa ng ibang espirito, pero iba ang lalaking ito.

Akmang ihahampas ni Miladel ang paper bag na dala-dala sa lalaki, noong mapatigil siya at maalalang useless din dahil hindi naman ito tatamaan. After all, isa itong kaluluwa at tatagos lamang.

Pinilit na lang ni Miladel na ituon ang sarili sa ibang bagay katulad ng palagi niyang ginawa. Kumanta na lamang siya sa kanyang isipan upang malibang, ngunit sadyang makulit ang binata. Hinipan nito ang kanyang tainga at saka malakas na tumawa.

Nang sipatin ni Miladel ang binata para sana bulyawan ay parang gustong lumundag ng kanyang puso sa nakikita. He's laughing out loud, napaka-manly nang tawa nito at parang isang musika sa pandinig niya, kay sarap pakinggan. Ang pagmasdan ang binata na tumatawa ng ganoon ay parang nakakawala ng problema.

Kitang-kita sa magkabilang pisngi ng binata ang malalim na dimples pati na ang chinito nitong mga mata na halos mawala na nang dahil sa pagtawa.

'Napakaguwapong multo!' hiyaw ng kanyang isipan. Gusto man ni Miladel na pagkatitigan pa nang mabuti ang guwapong mukha ng nilalang na nasa may tabi niya ay kaagad niyang binawi ang tingin dito.

Hindi siya dapat ma-aliw sa lalaki. Hindi niya dapat hayaan na magkaroon sila ng koneksyon ng binata. Oo nga't guwapo ito pero hindi niya dapat kalimutan na isa pa rin itong multo!

Nang dumating na ang bus na dadaan patungo sa bahay ng kanyang Tiya Janice ay kaagad siyang sumakay. Naupo si Miladel sa gitnang bahagi ng sasakyan malapit doon sa may bintana. Walang pumuwesto sa kanyang tabi kung kaya't malayang nakaupo doon ang binatang multo.

"Ako nga pala si Razor." pagpapakilala ng binatang multo. "Jan Razor Song."

"Okay." sagot ni Miladel. Ni hindi man lang niya tinapunan nang tingin ang binata. Nanatili lamang siyang nakatingin sa labas at tinitignan ang mga nadadaanan.

"Ikaw? Anong pangalan mo?" tanong naman ni Razor sa kanya.

"Miladel." kung bakit sinabi niya ang kanyang pangalan sa binata ay hindi niya alam. Siguro ay masyado lang siyang pagod at wala nang lakas pa kung kaya't sinagot niya na ang tanong ni Razor upang hindi na siya kulitin pa.

Dahil hindi trapik ng araw na 'yon ay halos kalahating oras lamang ay nakarating na si Miladel sa lugar kung saan siya bababa. Kaagad na tumayo siya mula sa pagkakaupo at saka sumigaw nang, "Manong, para saglit!"

Night Changes [Dreame app]Where stories live. Discover now