KABANATA 19

6.7K 183 9
                                    

Kabanata 19

INIHAGIS ni Razor ang bola papasok sa ring, pero kaagad na tumalon si Pilgrim at saka iniharang ang kamay upang hindi ito pumasok. Nagtagumpay ang pangalawa at nakuha nito ang bola.

Mabilis itong tumakbo papunta sa kabilang side upang doon i-shot at magkaroon ng iskor.

Kasalukuyang naglalaro ang dalawa ng basketball sa likod ng bahay nila Razor. Ilang araw na ang lumipas simula noong maganap ang party, at hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi sa Maynila ang pinsan na si Pilgrim.

Binilisan din ni Razor ang pagtakbo hanggang sa maunahan si Pilgrim. Iniharang niya ng kanyang dalawang kamay sa harapan ng pinsan upang hindi ito makalagpas.

Maingat ang ginawang pag-drible ng pinsan. Gumalaw ito papunta sa kanan kung kaya't awtomatikong sinundan ito ni Razor, pero ang ginawa niyang iyon ay wrong move, sapagkat nilito lamang siya nito.

Imbes ay mabilis na umikot ang pinsan na si Pilgrim papunta sa kaliwa at saka mabilis na tumakbo, inihagis ang bola mula sa three points area, at shoot!

"Ugh!" mahinang usal ni Razor. Pasalampak siyang naupo sa lapag habang hinihingal.

Sumunod naman si Pilgrim sa kanya at saka tumabi. "Tambak ka, p're!" nakangising sabi nito. "Doble bayad ka na sa akin," dagdag pa ng pinsan.

Noong nakaraan sa party ay natalo si Razor sa pustahan nila ng pinsan. Masyadong nabaling ang atensyon niya kay Miladel noong mga panahon na iyon. Idagdag pa ang napapadalas na pagsakit ng kanyang ulo kung kaya't nawala na rin siya sa mood na maghanap ng babae.

Ngayon ay muli na naman siyang natalo sa one on one nila ni Pilgrim sa basketball, kung kaya't doble na ang ibabayad niya rito.

"Oo nga, eh!" hinubad ni Razor ang suot niyang kulay pulang jersey at saka ginamit bilang pamunas sa kanyang pawis.

"Mamaya na kita babayaran," sagot naman ni Razor dito.

"Good, dahil bukas ay babalik na ko sa Manila," tugon ng pinsan. Dahan-dahan pa itong nahiga sa may lapag, at saka ginawang unan ang dalawang braso.

Ilang sandali na naging tahimik ang dalawa. Tanging ang pagaspas lamang ng mga dahon sa puno dala ng malakas na hangin ang nagsisilbing ingay sa paligid.

Mayamaya ay nagsalitang muli si Pilgrim.

"Lately, para kang wala sa sarili." puna ng pinsan sa kanya.

Nilingon naman ito ni Razor. "Paanong wala sa sarili?" tanong niya.

"Para kasing hindi na ikaw 'yong pinsan ko dati, eh!" sabi nito kasunod ng mahinang pagtawa. "Like, seriously, pre? May nangyari bang kakaiba sa iyo noong na-comatose ka?"

"Crazy," tanging nasabi naman ni Razor.

"Siyempre wala akong malay no'n. Paano kong malalaman?"

Muling tumawa ang pinsan. "Dati naman hindi ka ganyan. I mean, pagdating sa kapilyuhan pantay na pantay tayo, pero ngayon parang nagiging o naging good boy ka na masyado."

"You think?" mataman na tinignan niya si Pilgrim habang nakataas ang isang kilay.
Tumango-tango naman ito. "Yeah!"

***

MATAPOS manood ng palabas sa telebisyon at maghugas ng pinagkainan ay dumiretso na si Miladel papanhik sa kanyang kuwarto, habang ang kanyang ina naman ay nagsara ng tindahan.

Pagkapasok sa loob ay pabagsak na humiga si Miladel. Marahan niyang kinapa ang cell phone na nasa may ilalim ng kanyang unan at saka iyon binuksan.

Balak niyang mag-facebook at mag tingin-tingin ng kung anu-ano, pero napakunot ang noo niya no'ng makita ang sampung missed call.

Kaagad niya itong tinext at tinanong kung sino, pero imbes na mag-reply ay muli itong tumawag.

"Hello?" tanong niya mula sa kabilang linya.

"Hey!" rinig niyang sabi nito. Simpleng Hey! pa lang ng binata ay alam niya na kung sino iyon.

"Razor," mahinang usal niya.

"Yeah!" anito sa baritong tinig.

Mula sa pagkakahiga ay bumangon si Miladel sa kama. Inayos lamang niya ang unan at inilagay sa headboard ng kama at saka sumandal doon.

"Paano mo nakuha ang number ko?"

"Malamang binigay mo," sabay tawa ni Razor.

"Talaga? Kailan ko naman binigay sa 'yo?" napaisip si Miladel. Pinilit na inalala kung paano at kailan niya binigay ang numero sa binata.

Muli ay narinig niya na naman ang pagtawa ng binata. "Ano ka ba? Noong nasa Vigan tayo, remember?"

"Ah, oo naalala ko na," napangiting sabi niya rin sa lalaki. "Anyways, kumusta? Nakauwi ka na?"

"Yeah, kanina pa. Tumatawag nga ko sa 'yo para ipaalam kaya lang 'di naman kita ma-contact kanina," wika ni Razor.

"Sorry, nanood pa kasi ako at naghugas ng pinggan," sagot niya.

"Ah, I see. So ano'ng ginagawa mo ngayon?" muling tanong ng binata sa kanya.

"Nakahiga na sa kama. Bakit?"

"Wala naman," kahit hindi nakikita ay alam ni Miladel na nakangiti ang binata. At ganoon din naman siya.

"Ikaw ba? Hindi ka pa matutulog? Ano'ng ginagawa mo ngayon?" sa tono ng pananalita ni Miladel ay para siyang isang nobya kung makatanong kung ano'ng ginagawa ng lalaki.

Nang ma-realize ni Miladel iyon ay mabilis siyang humingi ng paumanhin. "Ay! Sorry, oks lang kahit huwag mo ng sagutin," dagdag niya.

Narinig na naman niya ang tawa ng binata. This time ay napalakas na. "You're amazing," he said. "Everytime na kausap kita palagi mo na lang akong napapangiti, parating napapasaya," ani Razor.

Para namang natuyo ang lalamunan ni Miladel. Hindi niya magawang makapagsalita, wala siyang maisip na isasagot dito.

"By the way, It's okay. I'm here at my Dad's minibar. Umiinom."

Huminga nang malalim si Miladel. "Ah, hinay-hinay lang," tanging nasabi niya.

"Aye, aye, captain!" sabay tawa na naman ni Razor. "Nagpapa-antok lang naman ako. Ikaw, late na. Matulog ka na. You need a beauty rest para bukas."

"Kahit naman hindi ako mag rest, eh, beauty ako," pagbibiro ni Miladel kasunod ng pagtawa.

"Mukhang nahahawa ka na sa akin sa pagiging conceited?"

"Oo nga, dapat 'ata ay lumayo-layo na ako sa 'yo," mula sa pagkakaupo ay umayos na si Miladel at saka nahiga nang tuluyan sa kanyang kama. Nanatiling nakatapat ang cell phone sa kanang tainga.

"'Ayan ang huwag na huwag mong gagawin. Kasi hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa akin pag nilayuan mo ako," sa sinabing iyon ni Razor ay hindi maiwasan ni Miladel na makaramdam ng kilig.

Iba talaga ang epekto ng lalaki sa kanya.

"Ang lakas naman maka-hokage moves niyan."

"Malakas ba? If I know, kinikilig ka na diyan."

"Kapal mo!" kunwari ay naiinis na sabi niya.

"Biro lang po," pagbawi ni Razor.

"Sige na, matutulog na ko. Matulog ka na din mayamaya, huh? Magpahinga ka. See you bukas!"

"Yup, good night, Miladel."

Night Changes [Dreame app]Where stories live. Discover now