KABANATA 2

20K 483 12
                                    

#2

"NABALITAAN mo na ba?" kaagad na napabaling si Razor sa kaibigang si Jose noong magsalita ito.

Kasalukuyan silang nakatambay ng kaibigan sa isang parke habang tinitignan ang mga batang masayang nagpapalipad ng saranggola.

"Ha? Ang alin?" takang tanong naman ni Razor sa kaibigan.

"'Yong nangyari kay Gema. Naka-alis na siya dito!" sabi ni Jose.

"Talaga? Magandang balita 'yon!" sagot ni Razor na bakas ang kasiyahan sa tono ng pananalita.

"Magandang balita ba 'yon? Paano naman ako? Mag-isa na lang ako dito." pagda-drama naman ng kaibigan. Waring isang batang nagtatampo dahil hindi naibigay ang gusto.

Si Jose at Gema ay magkasintahan kung kaya't ganoon na lamang ang pagkalungkot ni Jose sa pag-alis ng dalaga. Nakarating na kasi sa kabilang buhay si Gema dahil nabigyan na ng hustisya ang nangyaring aksidente dito limang buwan na ang nakakaraan.

Sina Razor at Jose ay ilan lamang sa mga multong nasa paligid. Mayroon silang kakayahan na tumagos sa mga pader at hindi rin sila nakikita ng ordinaryong mga tao.

Ang mga katulad nilang multo ay hindi pa nakatatawid sa kabilang buhay dahil mayroon pa itong misyon na kailangang tapusin.

Kaagad na binatukan ni Razor si Jose sabay sabing, "Ayos lang 'yan, magkikita din ulit kayo ng jowa mo sa susunod."

Huminga naman nang malalim si Jose. "Hay! Sana nga!" sabi nito. "Siya nga pala pare, may narinig akong pinag-uusapan no'ng mga nakasalubong kong multo kanina." dagdag pa nito.

Kumunot naman ang noo ni Razor sabay sabing, "Ano naman iyon?"

"Mayroon daw isang babae ang nakakakita ng multo. Base sa pagkakarinig ko kanina ay tumutulong daw ito sa mga taong buhay pa upang makausap ang mga namayapa na." pagpapaliwanag ni Jose.

"Talaga?" paninigurado ni Razor na tinugunan naman ni Jose ng isang pagtango. "Kung ganoon ay puntahan na natin." sabi niya pa.

Mula sa malaking kahoy kung saan nakaupo si Razor at ang kaibigan ay sabay silang tumayo. Kinalma lamang nila ang kanilang isipan at saka nag-umpisang maglaho kasabay ng hangin.

-------

PINAGMASDAN ni Razor ang kulay pulang bahay na may tatlong palapag sa kanyang harapan. Medyo may kalumaan na ito at sira-sira na ang mga bintana. May mga nakasabit ding pinatuyong ugat, butot ng pagi, iba't-ibang klase ng halaman at kung anu-ano pa.

"Sigurado ka bang dito 'yon?" tanong ni Razor sa kaibigan.

"Oo, tara na!" sabi naman ni Jose sa kanya.

Sinundan naman ni Razor ng tingin ang kaibigan. Nakita niya itong dire-diretsong naglakad at hindi nag-abala upang tumabi sa mga taong makakasalubong nito.

Kitang-kita ni Razor ang ginawang pagtagos ng kaibigan sa mga taong nadaanan bago ito tuluyang makapasok sa loob ng bahay. Napailing siya sandali at saka napangiti. Bakit pa nga naman ito mag-aabala kung kaya naman nitong tumagos sa mga pader at tao!

Naglakad na rin si Razor at tumagos sa may pintuan papasok sa loob. Bumungad sa kanya ang isang bilog na lamesa kung saan mayroong isang bolang umiilaw ang nasa gitna nito. Sa harapan niyon ay mayroong isang matandang babae ang nakaupo kaharap ang isang binata.

"Mukhang may customer siya ngayon." pabulong na sabi ni Jose.

"Kaya nga." sagot niya naman dito.

"Anong maipaglilingkod ko sa iyo binata?" rinig niyang wika ng matandang babae.

"May nakapagsabing mayroon daw kayong kakayahan na maka-usap ang mga multo! Gusto ko sanang makausap ang girlfriend kong namayapa na." sagot naman ng binata.

Night Changes [Dreame app]Where stories live. Discover now