Chapter 38

7.9K 185 49
                                        

Shannon's POV

Everything's happening according to my plan. Sobrang saya ko ngayong araw na to. Wedding day lang naman namin ng babaeng pinakamamahal ko. Oo. Ikakasal na ako dun sa babaeng binalak kong paghigantihan..The irony of life.

Nung araw na "nag propose" ako kay Raven ay agad ko ng tinimbrehan ang aking ex na si Chad este Chandria now my soon to be sis in law na pumunta na sa bahay ni Raven that time kasama ang family at closest friends nya. Anyways naplano ko na talaga ang gagawin. Kasabwat ko si Chandria. Yung mga araw na panay ang labas naming dalawa, yun yung inaasikaso ko ang lahat. From talking to my dad to Raven's dad. Hindi ko na ikkwento kung pano. Nagmamadali yung otor kasi long overdue na daw to, kaya ito araw na ng kasal namin ngayon 😅

Beach wedding ang napili namin. Habang hinihintay ko sa pag lapit si Raven na parang forever na ata sa paglakad, pina practice ko yung vows ko sa isip. Wala kasi akong sinulat. Di uso sakin yun. Dapat spontaneous. On the spot kumbaga. Hehe. I suddenly held my breath when Raven is just a few inches away from me. Sobrang ganda nya lang sa suot nyang wedding gown. Parang gusto kong maiyak. Ito na kasi yun. My everlasting love.

Kumurap kurap ako nung nasa harapan ko na sya. Patago ko pang kinurot yung braso ko para masigurong totoo talaga ang nangyayari at hindi panaginip lang.

"Ganda natin miss ah, pwede bang skip na lang natin tong wedding ceremony at tumuloy na lang tayo sa ating honeymoon?" bulong ko sa kanya.

"Sira! Ikaw tong nag aya aya ng kasal dyan. Corny na nga ng proposal mo" ganting bulong nito.

Natawa na lang ako. Alam ko namang corny talaga. Wala lang talaga akong maisip saka bakit original naman ah. May alam na ba kayong nag propose na sa scrambled egg nilagay yung engagement ring?? Wala. Ako lang.. Si Shannon Nicklaus Ordaine Alvington lang. I'm so proud of myself 🤗

________________________________

Raven's POV

"Bessy sure ka na ba talaga sa desisyon mong ito? May oras pa para mag back out ka." si Macky na best friend.

"oo nga friend. Hindi ka ba nabibigla? Kasi to be honest kami yung na bigla eh. Last time we heard about you wala pang ilang linggo na bumalik ka from out reach program tapos tatawag ka samin para sabihing ikakasal ka na? Yung totoo, nabuntis mo ba sya kaya biglaan? " segunda naman ni Jane.

Nakatikim sya ng batok sakin," sira ulo ka ba. Pano ko mabubuntis si Shannon eh wala naman akong etits."

"O di with fingers and tongue haha" na patago ito sa likod ni Karl nung akmang sasabunutan ko sya. "Daddy shark oh, porket ikakasal na sya, sadista na."sumbong pa nito.

" Magsitigil nga kayo. Para kayong mga bata. Lakas nyo mag asaran. Ikaw Jane palibhasa napag iiwanan ka na ng panahon kaya si Raven yang nakikita mo. Dun ka, maki mingle ka sa bisita at baka sakaling kakahanap ng lalaking magkakamali sayo" tanggol sa akin ni Karl. BFF ko talaga tong lalaki na to eh.

"Tse, ako naman nakita nyo. Pag ako naka hanap ng aasawahin who you kayo sakin!" maktol nya at naki join na nga sa ibang bisita. Nasa isang kilalang beach and resort kami sa South Carolina. Napag desisyonan naming beach wedding na lang.

Ang ganda ng ambience dito. Solo namin ang buong resort. Well, I'm marrying the only daughter of Dave Alvington so he suggested to rent the whole resort. Sagot na nya daw ang bayad kasi once lang naman daw ikakasal ang anak nya. Which is surprisingly hindi tumutol nung malaman nyang sa babae ikakasal ang only daughter nya.

Okay na din kami ng dad ko. I don't know but everything seems so right. Napapa thank you Lord na lang ako kasi sobrang saya ko.

"Basta Raven, we're here for you. Support kami all the way. Pag may problema ka sa buhay may asawa sabihan mo lang kami. Handa kaming balatan ng buhay yang si Shannon if ever kasi mukha syang sakit sa ulo eh." biro din naman ni Lanie.

It Started With A LieWhere stories live. Discover now