Chapter 13

7.3K 253 64
                                        

I can't believe two and a half months passed like it was just yesterday. Parang kahapon lang nung nasa harap pa ko ng gate ng bahay ni Raven. Pero ngayon, nilalandi na nya ako. Haha..oo sya ang lumalandi..hihi..

Kahit nasa bahay lang nya ako buong araw hindi man lang ako naiinip. Kahit yung paglalaba ng mga maruruming damit nya, I find it enjoyable. Yung tinamad tamad kong maglinis ng bahay dati, ngayon parang magkakasakit ako kapag hindi ko nahawakan yung walis tambo, mop at vacuum cleaner.

Ewan ko ba, inurasyonan ata ako ng babaeng ito para maging dakilang kasambahay niya. Basta masaya ako kapag pinagsisilbihan ko sya. Kulang na maglulupasay ako sa galak every time na mapapansin nyang ang linis ng bahay. Na mabango yung damit nya..or masarap yung luto ko kahit corned beef lang yun. Iba yung feeling. Sobrang nakakataba ng puso.

"Bebe say ahhh" sabi ko kay Raven bago iniumang yung tinidor sa bibig nya..kinakain namin yung niluto kong french toast. Medyo expert na ako sa pag gawa ng breakfast.

Ngumanga naman sya at isinubo yung pagkain pero lukot ang mukha, alam kong aangal na naman sya kaya sinigundahan ko agad ng isa pang subo. Natatawa ako dahil punong puno na yung bibig nya..

Pagkalunok na pagkalunok nya nung pagkain agad na kumunot yung noo nya which I really find adorable. Ang ganda ganda lang nya, "pwede ba Shannon, wag mo nga akong matawag tawag na bebe. Kinikilabutan ako".

"Why not? Cute nga eh. Parang ikaw".

She looked at me as if I'm some kind of a weirdo. I just smiled at her and wiped the sides of her mouth. Nagpatuloy na sya sa pagkain. Maya't maya ang tingin nya sa wrist watch nya. Isa yun sa mga napansin ko sa kanya. Masyado syang obsessed sa oras. Ayaw na ayaw nyang nali-lae lalo na sa trabaho..napaka punctual nyang tao.

"Aren't you bored here?" Tanong nya. Nakayuko lang sa kinakain nya..

Napangiti ako. Natutuwa ako na inaalam na nya yung iniisip ko or pag tumatawag sya sa tanghali kapag nasa work sya para kumustahin ang lagay ko. Kahit sabihin pa nyang yung bahay ang chinicheck nya kung buo pa ba, deep inside alam ko naman na ako talaga yun.

Hindi na rin sya umaangal na dun ako sa kwarto nya natutulog. Kahit yung niyayakap ko sya normal na din. Yung puso ko nga lang nagiging abnormal ang tibok sa tuwing magkalapit kami. Bokya pa rin ako sa loving pero pasasaan ba at mailulugso ko pa rin talaga ang kanyang puri. Haha..ayoko sya madaliin. Hindi naman ako manyak noh..

"Bakit naman ako mabo bored dito? Isipin ko lang na uuwi ka na sa hapon sobrang saya ko na. Besides, may pinagkaka abalahan naman akong iba."

"Ano naman pagkaka abalahan mo eh mukhang hindi ka nga lumalabas ng bahay. Mukha ka ng geisha sa sobrang puti."

I smiled, "well, aside sa paglalaba ng mga damit mo, paglilinis ng bahay, at pagluluto para may kainin ka pag uwi mo, syempre nagpapaganda rin ako para mas ma in love ka sakin. At higit sa lahat, abala din ako sa pagmamahal sayo"..ngiting ngiti ako sa kanya...

Umiling iling lang ito, tumayo na nung tapos na kumain. "Tigilan mo nga ako Shannon. Imposible yang sinasabi mo"...

"Bakit imposible?"

"Dahil....dahil....ano,.ahh, kuwan..basta imposible!" Nauutal na sagot nya..

Kinuha na nya yung bag at car keys nya..bago tinungo ang pinto palabas.

Nagmamadali din akong tumayo at humabol sa kanya, "hey wait..you forgot something.."

"What?" Tanong nya nung lumingon..

"This, tsup!" I kissed her cheeck in a exaggerated way. "Drive safely. Mamahalin mo pa ko pag uwi mo"..ngiting ngiti ako sa kanya.

Hindi pa rin sya natitinag matapos kung magsalita. Para syang na estatwa na ewan.

"Raven? Ayos ka lang? Kulang ba yung kiss na ginawad ko sayo? Sorry, di mo naman sinabi na sa lips pala ang gusto mo. Alam mo namang wholesome ako kaya sa cheek lang pero para sayo, magpapaka porn star ako. Sige french kiss kita kung yun hinihintay mo"..

Pumikit akong bahagya at itinulis ang aking nguso bago dahan dahang inilapit sa mukha nya..

Konti na lang ang paggitan ng mga mukha namin ng bigla nyang sampalin yung noo ko. Mahina lang naman bago sya tumawa...

"Siraulo ka talaga ano?" Sabi nya habang tumatawa. She looked radiant when she's laughing like that..." manyaķ!"

"Suuss! Kunyare ka pa..,alam ko namang ina- anticipate mo din yung halik ko" tukso ko...

"Tsk, saan ka ba kumukuha ng kapal mo ha? Aalis na nga ako bago pa ko matuyuan ng dugo sayo"...

"Talagang tuyot ka. Ayaw mo pa kasi magpadilig ng ma wet ka eh"..

"Bastos!" Sigaw nito habang inilalagay sa back seat ng sasakyan yung mga gamit nya.,.

Tumawa lang ako sa kanya..kumaway ako nung pasakay na sya sa kotse, "ingat mahal"...

"Tse!"

Naka cross arms na pinanood ko syang imaniobra yung kotse nya palabas habang malapad pa sa plywood ang pagkakangiti..kahit puro kami bangayan sobrang saya ko pa rin...parang gusto ko rin sumigaw ng "This must be love" ni yaya Dub...

Wala na sa paningin ko yung kotse ni Raven nakatanga pa rin ako sa saradong gate..mga ilang minuto pa rin siguro akong nagmuni muni bago pumasok sa loob ng bahay.

Iniligpit ko yung pinag kainan namin at hinugasan yung mga pinggan..kumakanta kanta pa ako..sino mag aakala na mag eenjoy ako sa mga gawaing bahay? Nyemas ka talaga Raven, ginayuma mo talaga ako para maging personal maid mo...

After maghugas, nagpunas punas din ako ng sink at kitchen counters. Magwawalis na sana ako ng marinig kong tumutunog ang door bell. Napakunot noo ako. Sino naman kaya yun? Imposibleng si Raven kasi automatic naman yung gate nya. Alam nya kung paano pumasok..

"Sandali!" Sigaw ko nung sunod sunod pang pag door bell ang marinig ko kahit alam kong hindi naman maririnig sa labas...

Pabulong bulong ako habang naglalakad sa porch. "Sino naman kasi itong istorbo na to, ang aga aga nambubulabog sa pugad namin ng mahal ko.."

Sinilip ko muna sa peephole ng gate kung sino ba yun. Nanlaki ang mata ko ng mapag sino ito...

"Chad?!!"







It Started With A LieHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin